Si Rose matagal ko ng kaibigan, kaya sa sobrang tagal naming magkaibigan, parahes na kaming walang love problem. Pero iba itong si Rose sa mga kaibigan kong dinadamayan ko sa kanilang love problem. Single since born din si Rose parehas kami, ang pinagka-iba namin ay naranasan naman nyang magka-M.U. as in (Muntikan ng maging mag-Un!). Buti pa sya nakaranas ng kiligin, eh ako kapag nilalamig nalang kinikilig. Kilalanin natin si Rose na iba ang trip sa pag-ibig.
Sobrang magka-iba ang mundo ni Rose at Ronald. Si Rose ang isang klase ng babaeng matalino, mahinhin, simple at hindi makabasag pinggan. Si Ronald naman ay hindi matalino, pasaway, makulit at basag ang pinggan sa kaguluhan. High school kami ng magsimulang maging crush ni Rose si Ronald na wala sa katangian ni Rose na magkakagusto sya rito. Hindi ko alam kung anong nakain ni Rose kung bakit si Ronald pa ang nagustuhan. Iba na talaga ang mundo ngayon.
"Ano bang nagustuhan mo sa adik na yun?" tanong ko kay Rose.
"Adik agad? Hindi nyo kasi nakikita ang other side nya!" pagtanggol ni Rose.
"Wow ha! Other side ng kakulitan at ka-abnormalan nya?" sabi ko kay Rose.
"Hindi nyo lang alam! Sobrang sweet nya!" kinikilig na sinabi ni Rose.
"Aba! Paanong mangyayari yun? Anong sumasapi sayo?" pang-asar ko kay Rose.
"Sayo ko lang sasabihinbha! Lagi nya kong sinusulatan ng love letter!" kinikilig ulit nasinabi ni Rose.
May tinatago palang ka-sweetan ang gangster na si Ronald kahit ganun sya. Matagal na pala silang nagsusulatan at doon nainlove ang mahinhin na si Rose.
Pero hindi nagtagal, iba ang niligawan ni Ronald. Si Jellyn na classmate naming si Rose. Hindi pinahalata ni Rose na hurt na hurt at broken hearted sya, pero ramdam ko na sobrang sakit ito sa kanya. Kaya mula noon hanggang ngayong nagbinata at nagdalaga na kami, may kanya kanya na kaming trabaho ay hindi pa rin pala nakamove-on itong si Rose. Dahil updated at follower pala sya ni Ronald sa facebook. Kung papagawan mo ng libro tungkol sa buhay ni Ronald itong si Rose ay makakagawa sya agad dahil updated na updated sya sa kung anong nangyayari kay Ronald. Nakakatawa itong si Rose dahil matindi talaga ang tama nya kay Ronald kahit ang daming taon na ang nakalipas kaya kapag nagkikita kami ni Rose.
"Kamusta lovelife? Meron na ba?" bungad ko kay Rose.
"Wala pa rin eh!" matipid na sagot ni Rose.
"Bakit wala pa rin?" tanong ko kay Rose.
"Ewan! Wala talaga eh!" sagot ni Rose.
"Pihikan ka kasi eh!" sabi ko kay Rose.
"Hindi no! Wala pang nagkakamali eh!" sagot nya.
"Bakit naman? Maganda ka! Matalino! Ahhhhh! Alam ko na! Tomboy ka no?!?!" sabi ko sa kanya.
"Baliw! Tomboy ka dyan! Babae ako no! Tulungan mo nalang ako!" sabi ni Rose.
"Sige! Ano bang gusto mo? Yung drug addict?" pagbiro ko kay Rose.
"Haha! Hindi! Baka meron sa katrabaho mo na badboy image? ahmm.. Parang si Ronald!?!" sagot ni Rose.
"Haha! Sabi ko na nga ba eh! Di ka pa rin move-on kay Ronald!" sagot ko sa kanya.
"Move-on na ko no! Gusto ko lang parang mga ganung qualities! Haha!" paliwanag ni Rose.
Iba talaga itong si Rose. Kung gaano sya kahinhin kabaliktaran pa nya ang gusto nya. Ano kayang meron sa badboy image para sa kanya? Baka saktan lang sya nito. Talagang binigyan pa ko ng problema ni Rose. Pero meron palang ganun, mahinhin versus badboy. Anong kakalabasan? Kanya-kanya talaga ang puso ng bawat tao. May pusong bato,may pusong mamon, ang matindi ay pusong biyak at ako yun! Pero hanggang ngayong binabasa mo ito. Single pa rin itong si Rose at wala pa ang kanyang Badboy prince. Patagalan yata kami ni Rose na maging single.
"Hindi lang saging ang may puso! Pati Badboy may puso din!"
sabi ni Rose Mahinhin.
BINABASA MO ANG
Buti ka pa may Love Problem, Ako Problem lang!
CasualeAng magpapabago sa mga taong may karelasyon at sa mga taong walang karelasyon at sa mga taong problemado lang.