Isa sa mga close friend kong mag-jowa ay sina Geline at Jc, kakaiba din ang love story nitong dalawa at saksi rin ako sa totoo nilang pagmamahalan. Magandang babae itong si Geline, simple, mabait at madamo pang magandang katangian. Si Jc naman ay cute mukhang teddy bear, mabait, simple at madami ring magandang katangian kagaya ni Geline. Alam nyo ba kung bakit sila nag-click sa isa't isa? Sapalagay ko dahil parehas sila ng personality, parehas kasi silang may pagkasinto-sinto at may sariling mundo ng ka-sweetan, kaya siguro sila nagkasundo buti nalang ay hindi ito tumuloy sa pagkamonggoloid ng dalawa. (Alam kong binabasa ito ni Geline ngayon. Peace! :D) Mabait silang dalawa, masarap kasama dahil natural sa kanila yung mga nakakatawang galaw nila.
"Geline! Ang sweet nyong dalawa no!" pagbati ko sa kanya.
"Oo nga eh! Ang sweet nya sakin!" sagot ni Geline habang kinikilig.
"Dapat may tawagan kayong dalawa!" sabi ko kay Geline.
"Oo! Meron na! Hihi" kinikilig pa din si Geline.
"Wow! Anong tawagan nyo?" tanong ko sa kanya.
"Ahmm.. Tawag ko sa kanya Papa Bear! Tapos tawag nya sakin Mama Bear! Hihi!" sobrang kinikilig na si Geline.
"Wow naman! Ang sweet! Para kayong Koreanovela! Ako nalang Baby Bear nyo! Hehe" pabiro ko kay Geline.
"Oo naman! Mukha ka rin namang Bear!" sagot ni Geline.
"Hahaha!" sabay kaming tumawa.
Masaya silang nag-sasama. Silang dalawa lang ang nakita kong magpartner na napaka simple pero sobrang sweet sa isa't isa. Kahit minsan hindi sila nagpapansinan dahil naglalaro pala ng games sa cellphone. Kahit may maliit na baha as in kahit langgam ay hindi malulunod, kakargahin pa ni Jc si Geline para hindi sya mabasa. Ang cute din nilang magkasama, kasi kahit simpleng ice cream lang ang kinakain nila ay tuwang tuwa na sila, dahil ang importante ay magkasama sila. Pero syempre hindi pa rin mawawala ang problema sa isang relasyon. Isang araw sa trabaho namin, nakita kong umiiyak si Geline.
"Geline! Bakit ka umiiyak?" tanong ko sa kanya.
"Wala! Wala lang!" matipid na sagot ni Geline.
Naglakad papasok si Geline at sa isang kwarto kaming dalawa nag-usap.
"Geline! Anong problema? Uy!" pagpilit ko sa kanya.
"Wag mong sasabihin kahit kanino ha! Huhu" umiiyak pa ding sabi sa akin ni Geline.
"Oo! Geline! Promise!" sagot ko sa kanya.
"Si Ali kasi, kinukulit ako eh!" pag-amin nya sa akin.
"Bakit? Anong sabi sayo?" tanong ko kay Geline.
"Hindi daw kami bagay ni Jc! Hiwalayan ko na daw sya!" umiiyak pa rin na sinabi sakin ni Geline.
"Ha? Wag ka ngang umiyak! Wag kang maniwala dun! Baliw yun!" pagtanggol ko kay Geline.
"Nakakainis kasi sya eh! Ang kulit nya!" sagot ni Geline.
"Naku! Kapag alam mo ng lalapit sya! Ikaw na mismo lumayo sa kanya!" sabi ko.
"Oo nga eh! Salamat!" sagot ni Geline.
Madalas kaming lumabas kasama ang barkada. Masaya sila kahit may problema sa mga bawat pamilya, nawawala iyon dahil magkasama sila. Si Ali katrabaho din namin, mahilig talagang mangi-alam ng buhay ng iba, pikon at mahilig mangbwisit ng ibang tao. Ang akala ko ay tapos na ang pangungulit ni Ali kay Geline, hindi pa pala! Nakita ko na namang umiiyak sa gilid si Geline.
"Oh? Geline! Bakit ka umiiyak?" tanong ko sa kanya.
"Wala to! Huhu" umiiyak na sagot ni Geline.
"Nag-away na kayo ni Jc?" tanong kay Geline.
"Hindi! Hindi si Jc! Huhu" pagtangi ni Geline.
"Oh? Bakit? Upakan na natin?" sabi ko sa kanya.
"Si Ali na naman eh! Huhu" sagot ni Geline.
"Oh? Bakit na naman?" tanong ko sa kanya.
"Ang panget daw ni Jc, ang laki daw ng labi. Puro panglalait sinasabi nya tungkol sa kanya! Hindi daw kami bagay!" umiiyak pa din na sinabi ni Geline.
"Ha! Adik yun ha! Mas panget kaya sya! Ano sasabihin ko na kay Jc? Para magtigil na!" galit kong sabi kay Geline.
"Wag! Ayoko malaman ni Jc na madaming beses na nya kong ginugulo!" sagot nya sakin.
"Hayaan mo na nga yun Geline! Umiwas ka nalang kahit anong mangyari!" saad ko sa kanya.
"Paano kapag pilit lumapit ulit?" tanong ni Geline.
"I-wrestling mo na! Lumayo ka! Lumapit ka agad kay Jc para kainin na sya ni Jc o kaya sa akin para ihambalos ko sa kanya yung baso!" pagbiro ko kay Geline.
"Ang sama talaga ni Ali! Ang cute kaya ni Papa bear!" sabi ni Geline.
"Oo! Tama! Ang cute nya! Mukha talagabg stuffed toy si Jc! Wag mo ng problemahin si Ali" sabi ko kay Geline.
Simple lang ang problema ni Geline at Jc, pero sobrang apektado si Geline, isa lang ang ibig sabihin nun, ganun nya kamahal si Jc kahit anong mangyari. Ang importante naman talaga ay ang magandang kalooban. Naisip ko lang, maganda rin naman kalooban ko pero bakit wala pa din akong lovelife? Namoblema na naman tuloy ako sa problema kong walang love.
"Huwag mong isipin ang sinasabi ng ibang tao, isipin mo ang sinasabi ng minamahal mo!"
Tama ba Geline?
Haha
![](https://img.wattpad.com/cover/37997794-288-k620001.jpg)
BINABASA MO ANG
Buti ka pa may Love Problem, Ako Problem lang!
RandomAng magpapabago sa mga taong may karelasyon at sa mga taong walang karelasyon at sa mga taong problemado lang.