Bihira ako manood ng mga pelikulang love story. Kahit cartoons o true to life story pa yan na pelikula, bihira lang. Hindi ko alam kung bakit, hindi kasi ako nag-eenjoy sa mga ganung klaseng pelikula at baka tulugan ko lang sila sa sinehan. Hindi naman sa hindi ako nagagandahan sa istorya, hindi lang talaga ako interisado sa patutunguhan ng pag-iibigan nila. Malungkot man o happy ang ending nila, wala akong pake. Kasi naman yung problem kong walang love hindi ko alam patutunguhan, kung meron ba o wala? mangenge-alam pa ko sa lovelife nila.
Pero syempre kailangan nakikiuso ka rin, kaya yung ibang love story alam ko din naman. Misan isang araw naisip ko. "Bakit hindi ko kaya gayahin yung mga ginawa sa mga libro, pelikula at kung ano-ano pa para magkaroon din ako ng tunay na pag-ibig?" Tulad na lamang ni Cinderella. Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa fairytale na si Cinderella. Tulad ni Cinderella, naiwan yung kapares ng glass shoes nya habang sya ay tumatakbo at hinanap naman ng kanyang prinsepe ang kapares kaya sila nagkatagpong muli at nagmahalan. "Bakit hindi ko kaya iwan yung isang kapares ng sapatos ko sa kalsada may kukuha kaya?" Malamang wala! Kasi pagkakamalan lang nila itong basura at hindi mapapakinabangan. Uunahin pa ba yung nag-iisang sapatos na pakalat-kalat sa kalsada kesa sa napakatraffic na kalsada! Baka ibato pa sayo ng MMDA yun sakin. Kung may kaparehas siguro yung iiwan kong sapatos, malamang mag-agawan pa sila! Hindi effective si Cinderella! Kung gayahin ko yung Prinsepe maghanap ako ng nag-iisang sapatos sa kalsada at baka matagpuan ko ang may nagmamay-ari ng sapatos at tuluyan na kaming mag-iibigan. Kaso baka pagkamalan pa kong magbobote sa gagawin ko at sabihan ako ng mga makakakilala sakin na nababaliw na ko. Hindi effective!
Kung tularan ko kaya si Snow White? Tulad ni Snow White, kumain sya ng mansanas na may lason at namatay sya. Ang tanging nagpabuhay lamang sa kanya ay isang halik ng prinsipe. Bakit hindi ko kaya gayahin si Snow White? Kumain kaya ako ng mansanas na may lason at kapag namatay ako, hihintayin ko kung sino ang hahalik at makakabuhay sa akin. Malamang imposible yun! Pagkain ko ng mansanas na may lason wala ng gisingan yun kahit laplapin pa ako at hindi halik ang gawin sakin, wala ng gisingan yun! Malamang hindi pag-ibig ang dadating para sagapin ako, kundi doktor para sagipin ang pag-ibig kong naghihingalo. Hindi na naman effective!
Kung gayahin ko kaya yung kay Sleeping Beauty, na natulog ng matagal na panahon at halik ulit ang magpapagising sa kanya. Naku! Kung ganun ang gagawin ko! Pagkakamalan lang akong puyat at lasing. Walang magtatangkang humalik sakin, kasi magmumukha lang akong puyat galing gimik kagabi. Baka yung aso pa namin ang makahalik sakin o kaya sa lakas ng bunga-nga ng nanay ko magising ako agad. Hindi effective!
Ayoko na nga sa mga Fairytale mukhang sila lang ang may happy ending eh, ako problemado pa rin sa problem kong walang love. Feeling ko tuloy hanggang ending lang ako walang happy.
Subukan ko kaya sa pelikula, mas may posible sa pelikula kasi nangyayari minsan sa totoong buhay. Bakit hindi kaya ang lovestory ni Jack at Rose ng Titanic? Ay! Una palang ayoko na at hindi pwede! Hindi ako marunong mag-swimming, sa umpisa palang malulunod na ko pero kung may life vest pwede pa! Kung kwento kaya ni Bella at Edward ng Twilight? Mas lalong hindi pwede! Kung sa totoong tao nga wala akong makitang syota! Sa wolf pa kaya? Saan naman ako makakahanap nun? Badtrip baka lapain lang ako nun! Try ko kaya ang love story nina Christian at Ana ng Fifty Shades of Gray? Parang gusto ko to! Kaso baka matagalan ako. Kasi pag-aaralan ko munang maging mahalay at mangbugbog sa sarap. Nagmamadali na rin kasi ako, kaya hindi pa rin pwede yan! Baka bold star na ko pagkatapos nyan! Alam ko na! Kung yung kwento kaya ni Mace at Anthony ng That Thing Called Tadhana? Pwede na sa akin yun! Kahit isang araw lang kami nagkakilala at nagkasama atleast naexperience kong makipagharutan ng isang araw, gusto ko rin sa love story nila yung puro muruhan nila, Exciting! Tsaka hindi boring! Kaso parang one night stand ang datingan! Ayoko na nga!
Ang sabi ko pa naman tungkol sa Chapter na ito, hindi ako mahilig sa pelikulang love story pero kilala ko yung mga character at kwento. Partida hindi pa ko mahilig nyan ha! Paano ba kung mahilig ako? Ano kayang ending ng love story ko? Ay mali! Ano kayang ending ng story ko? Tama! Story lang! Walang love!
"Ang pag-ibig ay parang pelikula, punong-puno ng kadramahan!"
BINABASA MO ANG
Buti ka pa may Love Problem, Ako Problem lang!
De TodoAng magpapabago sa mga taong may karelasyon at sa mga taong walang karelasyon at sa mga taong problemado lang.