Sila yung mga tropa ko mula pagkabata. Iba-iba ang istorya ng pag-ibig nila at lahat ng iyon ay dinamay nila ang nananahimik kong damdamin. Pero dahil kaibigan ko sila, abswelto na kayo sa akin.
Nung ako'y nakatungtong na sa kolehiyo. Tumira ako sa ibang lugar ng apat na taon. Mas madami pa pala akong makikilalang tao na iba-iba ang problema. Pero ang pinaka madami ay ang Love Problem na sa akin ay Problem lang na maituturing.
Simulan na natin kay Tricia, si Tricia na mabilis pa sa alas dose kung main-love. Wala namang naghihintay na taxi pero madaling madali kung mainlove. Si Tricia ang una kong naging close friend nung college. Kung noong High School ay medyo bata-bata pa ang pag-iisio, ngayong kolehiyo ay dapat maging mature na at hindi na pwede ang isip bata. Hindi maiiwasan sa isang buong klase na magka-inlaban kayo sa isa't isa, dahil lagi kayong magkakasama, kaya may chance na mahulog kayo sa isa't isa. Hindi pa namin ganun kakilala ang isa't isa pero may taong ilang araw no palang nakakasama ay parang kilalang kilala mo na sya. Si Christian ang makulit, pasaway, maharot at badboy naming classmate. Sya ang pinaka magulong pupil sa klase namin. Siguro nung nagpaulan ng kiti-kiti ang dyos nainom na nya lahat. Halos lahat na ng pangit na ugali na sa kanya nya, hindi man lang nag-share sa iba. Ang tanong, kaya mo pa bang mainlove sa kanya?
Ang sagot, dahil si Tricia ay mabilis pa sa alas dose kung mainlove, sya ang niligawan ni Christian. Medyo nagbago si Christian ng konti, pero mga 1% lang, ganun pa din sya kapag wala si Tricia. Lahat ng pag-susuyo ginawa ni Christian kay Tricia. Wala panh isang linggo, Aba! Itong si Tricia bibigay na agad.
"Friend! Ano sagutin ko na si Christian?" tanong sakin ni Tricia.
"Haha! Joke ba yan?" pabiro ko sa kanya.
"Bakit naman? Cute sya! Mabait naman sya sakin! Sweet sya sakin! Nagpapatawa sya lagi sakin!" pagtatanggol ni Tricia.
"Sayo lang! Eh sa amin?!?! Haha" sigaw ko kay Tricia.
"Oo nga medyo mahangin sya pero baka magbago naman?!" sabi ni Tricia.
"Magbabago? Mauunang magbago ang demonyo kesa sa kanya! Haha" sabi ko.
"Grabe ka naman! So ano nga?" tanong ni Tricia.
"Bobo nito! Pinag-iisipan pa ba yun?" sagot ko sa kanya.
"So hindi ko na nga sya sasagutin?" tanong ulit ni Tricia.
"Paulit-ulit ka! Malamang sa bagoong na alamang!" pabiro kong sagot kay Tricia.
Isang araw pagkatapos naming mag-usap ni Tricia binasted na nya si Christian. Hindi na nya ito sinagot. Hiniwalayan nya si Christian hindi lang naman dahil sa sinabi ko, dahil na din aa mga taong madaming nagagalit sa ugali nya. Kaya nung araw na pagbasted nya kay Christian at pagkatapos na pagkatapos ng klase namin ng araw na yun ay inabangan ako ni Christian sa labas ng school. Hawak na nya ang damit ko at naka-ambang na sasapakin ako.
"Anong problema mo!?!?!?!" sigaw ko kay Christian.
"G*GO ka!!! Sasapakin kitang g*go ka!!!!!!" sigaw sakin ni Christian na galit na galit.
(Inawat agad sya ng mga classmate namin)
Nagmumurang sinabi ni Christian. "Dahil sayo bimasted ako ni Tricia! Akala mo hindi kita papatulan!" nanggigigil na sabi ni Christian.
"Binasted ka nya dahil dyan sa ugali mo! Buti pinakita mo na ganyan ka para lalo ka nyang kamuhian!" sigaw ko sa kanya.
"Uupakan kita!!! Hayop ka!!!!"
"Mas hayop ka!!! Animal yang ugali mo!!" pagganti ko kay Christian.
Pinaghiwalay na kami ng dalawa at ako ang sinamahan ni Tricia. Sobrang humihingi ng dispensa si Tricia sa nangyari. Wala naman syang kasalanan sa nangyari. Buti nalang ay hindi naging sila ni Christian at buti nalaman agad ang tunay nyang ugali.
Dahil mabilis pa sa alas-dose main-love si Tricia. Minsang nagpapractoce kami ng sayaw at kailangan ay kumuha kami ng instructor. Itong si Tricia daig pa ang vibrator kung kiligin. Isang araw palang kaming tinuturan ng sayaw ni Pj ang danve instructor namin ay nain-love na agad-agad. Masasabi kong inlove agad si Tricia, dahil isang araw palang sila magkasama ay sumama na agad gimimik kasama si Pj. Hindi ko naman sinisiraan si Pj pero hindi rin sya karapat dapat kay Tricia. Si Pj na pagtuturo lang ng sayaw ang pinagkaka-abalahan. Mahigil mag-sugal, madaming bisyo at may anak na sa dating girlfriend.
"Kayo na pala ni Pj?" tanong ko kay Tricia
"Oo! Kami na nung isang araw!" sagot ni Tricia.
"Ang bilis naman? Nagmamadali?" pabiro ko kay Tricia
"Hindi na pinapatagal ang True Love!" sabi ni Tricia.
"Isang linggo? True love agad?" sagot ko sa kanya.
"Ganun talaga Zaido! Mahal namin ang isa't isa!" sagot ni Tricia.
"Basta ang masasabi ko lang sayo! Goodluck!" pagbabanta ko kay Tricia.
"Thank you!" maikling sagot ni Tricia.
Matagal silang nagkarelasyon ni Pj. Pero si Tricia bulag-bulagan sa lahat ng ginagawang mali ni Pj. Kahit humihingi sa kanya ng pera at alam nyang pinangsusugal ni Pj, bulag-bulagan pa din sya. Kahit alam ni Tricia na nag-iinom si Pj kasama ang iba naming classmate at sabi nasa bahay lang sya, bulag-bulagan pa din si Tricia. Kahit nangungutang si Pj para makabili ng pangbisyo nya at alam ni Tricia yun, bulag-bulagan pa din sya. Pagkatapos ng apat na taong pag-bubulag bulagan ni Tricia ay natauhan na din ang gaga sa wakas at tuluyang nakipaghiwalay kay Pj. Buti nalang at natauhan na si Tricia, kung hindi ako na bubulag sa kanya.
Pero dahil mabilis pa sa alas dose main-love si Tricia ay tumibok na naman ang puso nya agad. Agad-agad!
"Ang pag-ibig hindi minamadali yan! Minamahal yan!"
para sayo yan Tricia Trihilda!
"Ang pag-ibig ay parang Eye Glasses, Suotin mo! Para ang lumalabong pag-titinginan ay lumiwanag!
Talaga ba? Zaido Carudo
BINABASA MO ANG
Buti ka pa may Love Problem, Ako Problem lang!
De TodoAng magpapabago sa mga taong may karelasyon at sa mga taong walang karelasyon at sa mga taong problemado lang.