CHAPTER 55: NEAR TO END ..

138 4 0
                                    

CHAPTER 55: NEAR TO END .. 

_YVES POV_

Natapos na din namin yung finals namin.. Kamusta naman kaya yung test ni Kristine? nakapasa naman kaya siya?

"YVEEEES!"

"oh kamusta finals?"

"ahm... pasado akoooo! thank you ng marami!" niyakap na naman niya ko .. hayys..

"4th time.."

"eto naman , ang damot ah?"

"eh tsansing na yan"

"dami mong alam ha? asan na tayo punta nyan?" ah oo nga pala..

"ahm ......... park ?.."

"sige tara ."


_RANZ POV_

"ano ba ally! wala na nga kami diba! ano pa bang gusto mo?"

"wag mo siyang kausapin.. ang simple lang nun Ranz di mo pa magawa!"

"panong di ko kakausapin? e magkaklase kami .."

"pwede yun kung gagawin mo!"

"alam mo ang hina mo mag isip! wala naman na e, nakikipagkaibigan lang ako sa tao , ano bang masama dun ha!"

"di magandang tignan yun para sakin!"

"ano bang mali dun?!"

"nagseselos ako!"

"wala ka naman dapat ikaselos! pwede ba Ally? meron nang nagpapasaya sa kanya , yung Yves na yun! ayoko lang naman na malungkot siya e , gusto kong maibalik yung dati naming closeness .. mali ba yun ha?"

 Natahimik siya , palagi nalang kaming ganito ni ally .. tuwing kakausapin ko si Kristine nilalagyan niya ng ibang kahulugan .. gusto niyang layuan ko si Kristine pero bakit ko naman gagawin yun? ang gusto ko lang naman e mawala na yung galit nya sakin at maibalik yung closeness namin..

"i-im sorry"

"alam mo Ally, ibang iba ka na.. di ka na katulad nung dati .. nakita mo namang ikaw na yung pinili ko at hindi siya diba? ano pa bang dapat mong ikagalit dun?"

"ayoko lang namang mawala ka ulit sakin e"

"ayaw mong mawala? e sa ginagawa mo ngang yan , mas lalo mo kong pino pursue na iwanan ka .. mas mabuti pa nga sanang di ko nalag sya iniwan .. mas masaya pa ko sa kanya e.. nakakasawa na yung ganito ally.."

"Ranz look ,i-im so so sorry .. *sob* .. i love you and i don't wanna lose you again.."

"then stop arguing with me.."

"okay i will do but please dont leave me.. please?.."

"stop crying.."

Si Kristine .. mas napapatunayan ko ngayong ..

mas mahalaga siya kesa kay ally..


_YVES POV_

"sarap kumain noh.."

"naubos nga pera ko eh"

"sus .. sabi mo treat mo eh .haha"

"sabi ko nga un pero hindi naman ubusin yung pera .."

"sorry naman .. haha pero nag enjoy ako .. sooobra"

"talaga?"

"oo naman , ngayon ko lang to naramdaman"

"e bakit kay Ranz?"

"ahmm.. di masyado eh .."

"so mas masarap pala ko kasama?"

"mm.. parang ganun na nga .." 

*dug dug* *dug dug*

Ano ba tong puso ko .. nagsisimula na naman .. di ba talaga to titigil sa pagtibok sa kanya? haist..

"Yves.. naalala mo ba yung sinabi mong baka mainlove ka sakin?"

*dug dug* *dug dug*

"ah.. b-baki-t?"

"kasi nauna ata ako?"

*dug dug* *dug dug* 

*dug dug* *dug dug*

"a-anong ibig mong sa-sa-bihin?"





"gusto na ata kita .."


_KRISTINE POV_

"a-anong ibig mong sa-sa-bihin?"





"gusto na ata kita .."

Naku naman .. nasabi ko sa kanya .. haha , pero ayos lang at least naamin ko diba?.. kasi nakapag move on na ko kay ranz e.. ramdam ko yun .. parang siya na .. siyang siya na ..

"h-ha?"

"ay bingi? sabi ko gusto na ata kita? ano ba yan nakakahiya tuloy. bakit kasi nasabi ko pa"

Napansin kong nakatitig lang siya sakin sa sinabi kong yun.


"HUY! bakit naman ganyan ka magreact. may iba ba kong nasabi bukod sa gusto na ata kita?"

"w-w-wala naman"

"e bakit ganyan ka? ano ba naramdaman mo sa sinabi ko? ikaw ba? may gusto ka rin ba sakin?"

"a-ako?"

"oo"

"ahm .. hooo! o-oo" sabay yuko nya


Napangiti ako, nakarelieve kahit papano..

"oh talaga? e di masaya haha"

"actually matagal na .." O_O

"H-HA?"

"nagstart pa yun nung sa party.. naalala mo yun? yung time na nilapitan kita? ang lungkot kasi ng mukha mo nun .. ang ganda ganda mo tapos nakasimangot ka..kaya nilapitan kita.. tapos nadissapoint ako nung may boyfriend ka pala .. sabi ko nga sayang e.."

"ah .. kaya ba lumapit ka ulit nung nakita mong umiiyak ako?"

"oo .. sinusundan kita ng tingin nun .. feel ko na rin na mangyayari yun e"

"ha?paano?"

"di ko rin alam , kaya nung nakita kitang umiiyak . kinomfort kita.. hangggang sa yun nga na nga naging close kita.."

"haha ^_^"

"bakit tumatawa ka?"

"ah wala , haha .. natutuwa lang ako .."

"ha? alam mo ang hirap mong intindihin"

"grabe ka naman .. di ko lang kasi expected yun .. tingnan mo .. gusto mo ko , gusto kita .. oh diba ang cute?"

"anong cute dun?"

"ang hina mo talaga!"

"haha joke lang... ahm .. Kristine"

"yep?"

"pwede bang --"

"ano"

"ma-manligaw?"

"tatanggi pa ba ko? e alam mo nang gusto din kita *smile*"

Niyakap nya ko , syempre I hug her back ..

Happy Memories (A fictional "CHICSER" CHARACTER STORY)Where stories live. Discover now