CAPITULO 39 - Here

36.9K 1.5K 775
                                        

CAPITULO 39 – Here


ITINAKAS AKO NI KIT.


Paglabas namin ng bahay ay pinara niya agad ang unang dumaang pedicab. Bago pa malaman nina Sister Gelai na itinakas niya ako ay sumakay na kami roon agad.


"Shit, di ko alam kung tama ba itong ginawa ko," paungol na sabi niya nang magkatabi na kami sa loob ng pedicab. Parang ngayon niya lang napagtanto ang kanyang desisyon na tulungan ako.


Ako naman ay mahigpit na nakakapit sa laylayan ng jacket niya na suot ko. Gusto ko nang makalayo kami agad, kasi baka mamaya ay may makahabol pa sa amin. Gustong-gusto kong makarating kami sa pakay namin.


Nang makababa ng pedicab sa labasan ay nagpa-special na kami ni Kit sa tricycle, syempre siya ang magbabayad dahil siya lang naman ang may pera. Itinuro niya sa driver ang daan. Alam niya ang papunta kina El.



ISANG WHITE TWO-STOREY HOUSE.


Doon kami huminto. Nauna si Kit na bumaba matapos magbayad ng isang daang pisong buo sa driver. Inalalayan niya akong makababa pagkatapos. "Dito na tayo, Kena."


Pagbaba namin ay lumingap ang paningin ko sa kabuuhan ng bahay sa aming harapan. Maganda ito, okay naman ang laki, moderno ang yari bagaman luma na ang pintura. Ang gate nito ay hanggang dibdib ang taas.


Habang nakatingin doon ay parang may kakaibang lamig na sumigid sa akin. Para akong kinilabutan dahil nanayo ang aking mga balahibo sa katawan.


Inalalayan ako ni Kit na lumapit sa gate. Sa loob ng garahe ay may matatanaw na isang sedan. Toyota vios na nakita ko na noon sa school, pag-aari ng parents ni El. Dito nga talaga siya nakatira.


Imbes na pananabik ang maramdaman dahil makikita ko na siya ulit, ay iba ang aking nararamdaman. Hindi maganda. 


Isang babaeng nasa mid 50's ang nakakita sa amin. Nilapitan kami agad. Kilala nito si Kit. "Oy, si Kiti-kiti pala ito!"


Natawa si Kit. "Kit lang, grabe kayo sa akin, 'te."


"Naku, lalo kang tumangkad! Lumapad din ang balikat mo at lumalim ang boses! Binatang-binata ka na at ang guwapo-guwapo! Naku naman, baka ang dami mo nang napaiyak na kabaro ko!"


"Wala, Ate Mita. Nag-aaral lang po ako sa Manila para makakuha ng magandang trabaho, at may maipakain akong masarap sa mapapangasawa ko."


"Asus!" Napahagikhik ito. "E sino ba iyang kasama mo? Girlfriend mo? Hala, akala ko bading ka at ang alaga kong si Gabriel ang kursunada mo!"


"Luh, anong akala niyo sa akin walang taste? Kahit maging babae pa ang alaga niyo at akitin ako, di ko iyon papatulan!"


Natawa lang din ang ginang na Ate Mita ang pangalan. Kasambahay pala ito ng mga Salgado. Mukhang ka-close ito ni Kit. Madalas ba siya rito noon? Di ba hindi naman sila magkaibigan ni El?

Beware of the Class President (To be published!)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon