CAPITULO 44 - Radix

45.4K 1.6K 1.4K
                                        

CAPITULO 44 – Radix


NAALIMPUNGATAN AKO SA MALAMIG, BASA, AT MADULAS NA SAHIG.


Pagmulat ko ay aking unang nakita ang inidoro.


Inilingap ko ang sa paligid ang aking paningin. Napapalibutan ako ng tiles at nakasalampak ako sa sahig na tiles din. Ah, nasa banyo ako. Pumasok nga pala ako rito.


Pagpasok ko, sinundan pa rin ako ng boses na walang ginawa kundi guluhin ang utak ko. May ipinakita ito sa aking senaryo. Kung pipiliin ko raw si El, hindi matutupad ang aking nakitang senaryo.


Hindi ko na maalala kung ano ang aking pinili, basta umikot at dumilim ang paligid. Bago ako natumba, meron sa aking sumalo...


Sandali, kung sinalo ako, bakit nandito pa rin ako sa lapag ng banyo? Humawak ako sa maliit na lababo rito at pinilit na makatayo.


Gaano ba ako katagal nawalan ng malay tao? Hindi man lang ako kinakatok ng kasambahay naming si Manang Evelyn. Wala pa rin ba sina Julian at Joachim?


Pagkabangon ko sa lapag ay tumingin ako sa maliit na bintana ng banyo para tingnan kung gabi na ba o umaga pa, dahil nakalimuutan ko na. Nakapagtataka lang, wala akong matanaw sa bintana.


Bumaling na lang ako sa pinto para buksan iyon. Ini-lock ko kanina kaya aking pinihit para bumukas. Ang lamig ng doorknob.


Pipihitin ko na ito kahit malamig. Kahit din sa labas ay wala akong naririnig.


Nasaan ba si Manang Evelyn? Bakit hindi na ako nito kinatok? Nasaan din si Sister Gelai? Bakit hindi ako hinahanap? Hindi iyon napapakali kapag hindi ako nakikita.


Ah, lalabas naman na ako, makikita ko na sila. Kaya ito na, pipihitin ko na itong doorknob. 


Pinihit ko na. Ang lamig talaga sa palad. Bakit kaya? Ano bang buwan ng taon ngayon para lumamig ang panahon?


Napihit ko na. Tumunog na ang pagkabukas ng lock. Bubuksan ko na.


Ito na.


Binuksan ko na—at – bakit ganito? Bakit ganito?!


Bakit hindi kusina namin ito?!


Bakit ibang lugar ito? Ibang bahay ito! Nasa isa akong kuwarto na katamtaman ang laki. Patay ang bombilya pero bukas ang stand lamp sa gilid ng kama. Ang kama naman ay single bed. Kaninong kuwarto ito?


Hindi ito pamilyar. Sigurado ako na hindi ito kuwarto ni Joachim man o Julian. Walang ganitong kuwarto sa bahay namin. Ngayon lang ako rito nakarating.


Nilingon ko ang pinto ng banyo na aking nilabasan. Wala na roon ang pinto! 


Pader na lang ang nakikita ko. Kulay murang asul ang pintura ng pader nitong kuwarto. May mga nakadikit na mga poster ng anime na Ghost Fighter, Flame of Recca, Bleach, Fullmetal Alchemist, at One Piece.

Beware of the Class President (To be published!)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon