CAPITULO 50 - Energumenus

31.7K 975 555
                                        

Note: I will only include basic deliverance here, as using the formal exorcism rites without proper training and authorization is strictly prohibited and is extremely dangerous. Let us not attempt or seek out anything beyond what is safe and permitted. – JF


CAPITULO 50 – Energumenus 


TAMA BA ITONG GINAGAWA KO?


Twenty-six years in the Philippines, five years in Korea, three years in Rome, one year in Israel, and one year in Guam, before returning once more to the Philippines and staying in Cebu. But just the other day, I suddenly felt the urge to return to my home province in Bataan. It was as if I absolutely had to do it.


Nasa lumang bahay ko na ako ngayon sa Bataan. Hindi pa rin sigurado kung bakit ako naririto. Pagod pa ako sa biyahe. Katanghaliang tapat nang humahangos na dumating ang isang babaeng nakaputi na polo, kulay abo na palda. Her long hair was braided at the back, and her face, though aged, still held a gentle expression.


Her explanations were very brief. She seemed to be in a hurry. Hindi pa ako tapos magulat ay hinila niya ako. Ngayon nga matapos ang ilang oras na biyahe, madilim na ang langit sa pagbaba namin ng bus dito sa bayan ng Pangasinan.


"Bilisan natin!" sabi niya sabay dampot sa aking kamay.


Natigilan naman ako at parang nagblangko muli ang isip ko. Napahawak na lang ang isang kamay ko sa aking bibig habang hinahayaan siya na hilahin ako.


Sumakay kami sa tricycle. Magkatabi kami sa loob. Dikit na dikit ang aming mga balikat. While she prayed over the rosary she held, as she had done throughout the entire trip, I just stared, dazed, at everything that was happening.


Sa isang may kaliitang street pumasok ang tricycle. Sa isang bahay na may lumang gate kami huminto. Ang aso ng kapitbahay ay tumatahol habang nakatingin doon, na kahit sawayin ng may ari ay hindi talaga tumitigil.


May mga kapitbahay na nakatambay sa labas kahit madilim na. Mga halatang merong sinisipat. Malalakas ang boses ng mga ito habang nag-uusap. "Bakit kasi hindi pa nila dinala sa mental? Mukhang baliw na iyan, e!"


"Oo nga! Kita mo ba kanina? Apat-apat ang mga tanod na nagdala pauwi rito, pero di nila mahawakan nang maayos kasi ang tindi ng pagwawala! Malakas daw talaga kapag baliw, e!"


"Iyan yata epekto kasi naospital di ba? Na-coma ng ilang buwan! Sayang talaga, kagandang bata pa naman!"


"Ang kawawa riyan ay ang magkapatid, kasi naging kargo nila kahit di naman talaga nila iyan kaano-ano!"


I couldn't understand them as my eyes were fixed on the house we were heading to. Napakabigat sa pakiramdam habang papasok kami sa mababang gate. Kahit bukas ang mga ilaw sa loob ng bahay, ay parang madilim o masukal iyon sa paningin.


Ang lahat ng bahay ay may pakiramdam. May magaan, may mabigat. But this one was not just heavy. It was... oppressive.


Sa bukana pa lang ay ramdam na ang hatak. Nakakapanghina, nakakaubos ng saya, at humihiling ng di pagkakaunawaan sa naninirahan ditong pamilya.

Beware of the Class President (To be published!)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon