CAPITULO 45 - Found You

51.2K 1.7K 805
                                        

CAPITULO 45 – Found You


WAG MONG PAPANSININ. WAG MO KAHIT TINGNAN. MAS LALONG WAG NA WAG KAKAUSAPIN.


Iyon ang bilin lagi noon ni Mama sa akin. Hanggang ngayon, hindi ko magawang sundin. Ang aking kamay ay tumaas upang abutin ang itim na anino sa harapan ko, pero bago ko ito mahawakan, tumalikod na ito.


Saan ito—siya pupunta?


Nakaramdam ako ng pagkataranta. Kahit lamang pa rin ang takot sa dibdib ko, sinundan ko ang tinatahak ng aninong tila usok na itim. Papasok siya sa school ng Sto. Cristo. Ang high school na pinapasukan ko.


Walang pinagkaiba ang mga gusali sa loob ng school na ito sa tunay na school ko, maliban na lang sa madalim dito, walang kahangin-hangin, at mabigat sa pakiramdam ang bawat gagawin mo ritong hakbang.


Maliban sa mga demonyo, marami ring mga aninong itim, mga espirituwal na nilalang na walang pagkakakilanlan—katulad ng itim na usok na aking sinusundan.


Wala naman siyang ginagawa, palakad-lakad lang siya, patingin-tingin sa paligid. 


Habang ang ibang katulad niya ay nag-iiba-iba ng wangis. Nagiging kamukha ng namatay na estudyante, namatay na teacher, at kung sino-sino pang namatay na tao. 


Pati ang kilos ng mga ito ay katulad doon sa mga namatay na, na kung makikita mo sila, maniniwala ka talaga na tunay na may multo sa mundo. But the truth is, they are just demons fooling us.


Ang mga demonyong ito ay nag-iiwan pa ng mga posibilidad, bakas, at ebidensiya, para paniwalain at iligaw ang paniniwala ng mga buhay pa. 


Pero sana ay naniniwala na lang ako, para sana hindi ko maisip na talagang wala na sa mundong ito sina Papa, Mama, at Ekoy. E di sana ay hindi ako nasasaktan at nagagalit sa itaas, kung bakit Niya kinuha agad ang mga mahahalagang tao sa buhay ko.


Hanggang ngayon ay butas sa puso ko ang mga kamatayang iyon. Kaya para maibsan ang kakulangan na nararamdaman ko, hinahanap ko ngayon iyong alam kong nandito pa sa mundo... si El.


Kahit siya na lang. Kahit siya na lang ang mabawi ko.


Tumingin ako muli sa sinusundan kong nilalang. Ito siya. Sumisilip siya sa bawat classroom. Tila nagmamatyag sa kung ano mang nakikita niya sa loob.


Pumapasok din siya sa library, dumadaan sa canteen, at kapag tumunog ang bell, iyong hudyat kapag time na, recess na, breaktime, o uwian, awtomatiko na humihinto siya.


Maging ang ibang katulad niyang itim na usok, humihinto rin. Tila sila nakikiisa, o nakikigaya, sa tunay na nangyayari sa school na ito.


Hindi ko alam ang oras sa lugar na ito, pero alam kong lumilipas ito. Mas mabilis kaysa sa normal na oras na alam ko. Ang nilalang na sinusundan ko ay naglalakad na muli. Tumingala siya sa madilim na kalangitan. Ramdam ko ang bigat ng kanyang nararamdaman.

Beware of the Class President (To be published!)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon