CAPITULO 40 - A Gentleman

41.7K 1.8K 1.3K
                                        

CAPITULO 40 – A Gentleman


PATAY NA ANG TUGTOG.


Nasa kamay ngayon ng nakaupong si El sa kama ang MP4 player. Hawak-hawak niya na iyon, gising na siya. Gising na nga talaga siya!


Tumingin siya sa amin. Ang maamong mukha niya ay hindi kababakasan ng kahit kaunting pagtatanong o gulat. Sa halip, isang mabait na ngiti ang gumuhit sa nagbabalik pulang kulay niya ng mga labi.


Naitulak ako ni Mrs. Salgado para lang mawalan ng harang sa harapan nito. Nilusob nito ng yakap ang lalaking ngayon ay nakaupo sa kama. "My Gabriel!"


Pinagyayakap siya ng ginang, pinaghahalikan sa mukha, habang humahagulgol na ito sa sobrang saya at pagpapasalamat. Si Mr. Salgado naman na nasa gilid ko ay tigagal pa rin sa mag-ina nito.


"Kena..." bulalas ni Kit na doon din nakatingin. Kahit siya ay hindi makapaniwala na gising na ngayon si El.


Nang lumapit si Mr. Salgado sa mag-ina ay napaluhod ito sa harapan ng kama. "I'm sorry... I'm sorry... Patawad, tinangka kong sumuko... Nawalan ako ng pag-asa..."


Inalalayan naman ito ni Mrs. Salgado. "Juan Pablo, ang mahalaga ay gising na ang anak natin. Tingnan mo, halika, lapitan mo siya. Gising na si Gabriel. Buo na tayo ulit. Buo na na naman ang pamilya natin."


Niyakap siya ng mga magulang niya na kapwa luhaan. Sa lahat ay tahimik na saksi kami ni El sa may pintuan.


Si Ate Mita na kakaakyat pa lang dito sa second floor ay halos lumuwa ang mga mata sa nakita. "Ang alaga ko, gising na ang alaga ko!" Napatingala ito sa langit. "Daghang salamat po, Ginoo!"


Pumasok na rin ito. Pati ito ay niyakap ni Mrs. Salgado. "Mita, look at our strong boy here. Gising na siya. Binalikan na tayo ng alaga mo!" Ang itsura nila ngayon ay isang masayang pamilya.


Ang nurse ni El ay nakisaya rin sa kanila. Tuwang-tuwa ito na ang lampas isang taon nitong inalagaang pasyente ay ngayo'y nagkamalay na.


Parang isang milagro ang ngayon na nasasaksihan ko. Milagro. Oo, totoo nga yata ang milagro.


Matapos ang akala ko'y wala nang katapusang pagyakap ng mag-asawa kay El, ay umalis si Mr. Salgado. Susunduin daw nito ang doktor na tumitingin sa anak.


Si Mrs. Salgado ay ayaw pa rin namang bitiwan si El. "My Gabriel, I still can't believe it. Gising ka na ulit. Hindi sumuko si Mommy sa 'yo. Mahal na mahal ka ng mommy. Hindi ako nawalan ng pag-asa kahit minsan na hindi mo kami babalikan."


Isang ngiti lang muli ang sagot ni El. Tumingin siya sa amin kaya napatingin na rin sa amin si Mrs. Salgado. Parang ngayon lang nito naalala na nandito pa kami.


"You are Kena?" Ngumiti sa akin ang luhaang babae. "I'm sorry about kanina. Nabigla lang ako. Masyadong magulo ang utak ko. Masyadong pagod ang katawan ko."


"Nai.. in..." Dapat sasabihin ko na naiintindihan ko ito, pero hindi ko mabuo ang salita. Hirap na naman ako.

Beware of the Class President (To be published!)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon