CAPITULO 53 - Would You Leave Me?

32K 1K 890
                                        

Please note that a different song was originally intended; however, I chose to use "Demons," released in 2013, instead. This is approved by Kena!– JF


-----


CAPITULO 53 – Would You Leave Me?


Gabriel Juan T. Salgado o 'El'.


Ang katabi ko sa upuan dito sa likod ng classroom namin. Ahead ng isang taon, pero dahil sa isang aksidente, nahinto siya sa pag-aaral. Nahulog siya sa balcony dahilan kaya siya naratay sa ospital, kaya imbes graduate na siya ay graduating student pa rin ngayong taon.


Ngayon ay dito siya sa section namin napunta. At katabi ko siya.


Siya iyong crush ko noon, hindi lang dahil sa itsura niya, sa tangkad niya, o sa mabait na ngiti niya. Hindi rin dahil matalino, responsableng estudyante, o student council president. Kundi aking nakikita sa kanya iyong kaperpektuhan ng buhay na wala sa buhay ko.


Hindi na nga lang ngayon. Hindi na siya perpekto. Isang repeater na napunta sa lowest section, dito sa pinakataas na palapag, pinakadulo, at makulimlim na classroom. At masaklap, dito pa siya napuwesto sa likod, tabi ng bintana, tabi ng basurahan.


Nakayuko siya ngayon sa armchair niya. Ang aga-aga pa pero parang tamad na tamad na. Hindi ko rin maiwasang hindi tumiim ang mga labi sa nakikitang buhok niya na hindi na clean cut. May kahabaan na ang kanyang buhok, na halos tumakip na sa kanyang makinis na batok.


Napatirik sandali ang mga mata ko. Wala na talaga iyong estudyanteng akala ko ay mananatiling perpekto. Nakakawalang gana.


Muli ko siyang sinulyapan. Ang mga mata ko ay natukso na pagmasdan ang mahahaba niyang daliri na nakadikit sa armchair ko. Ang ganda ng mga kuko niya.


Nagulat ako nang bigla siyang magsalita. "Do you have a weird habit of watching people sleep?"


"Ha?" Naramdaman niyang tinitingnan ko siya?


At ang lamig ng buong-buo na boses niya. Hindi pa ako natatapos sa pagkabigla nang ang nakatiim niyang mapulang mga labi ay bahagyang ngumiti. "Pervert."


Nahugot ko ang aking paghinga. Nang makabawi ay umiwas ako agad ng tingin sa kanya. Nagpatay malisya, dahil ayokong tuluyang mapansin niya ako.


Ayokong may makapansin sa akin na kahit sino. Gusto kong makatapos ng pag-aaral nang walang pinakikisamahan, walang iniiwasan, walang sagabal.


HINDI NA NGA LANG YATA IYON MANGYAYARI PA.


"Puwedeng humingi ng papel?"


May quiz kami. Kailangan ng ½ sheet of paper. Pumilas ako sa pad ko at hindi tumitingin na inabot iyon sa kanya.


Akala ko okay na, pero sinilip niya ang mukha ko. "Thank you, Kena."


Beware of the Class President (To be published!)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon