CAPITULO 47 - Trickery

76.9K 1.7K 2.1K
                                        

CAPITULO 47 – Trickery


THE DOOR WAS LOCKED!


Bakit nakakandado? Hindi na ako nagtangkang kumatok pa o maghintay kung pagbubuksan ako. Basta ko tinadyakan ang pinto na nakadikit lang sa manipis na kahoy, na nagsisilbing hamba sa lumang plywood na pinaka-pader ng kuwarto ni Kena. Bumalandra pabukas ang pinto.


Ang unang humantad sa akin ay ang mapusyaw na liwanag mula sa maliit na bombilya sa loob. Bukas ang ilaw na di ko inaasahan. Nang magtama ang aming mga mata ni Julian ay sabay pa kaming napatanga sa isa't isa.


"Ano sa tingin mo ang ginawa mo?" malamig na tanong niya sa akin nang makabawi sa gulat.


"Naka-lock..."


Kumunot ang noo ni Julian.


"Naka-lock ang pinto—"


"What lock?" Madadama ang inis sa tono niya. "At paano mala-lock iyan e sira ang doorknob?!"


Sira?


"Nakalimutan mo na, kuya? Matagal nang sira ang doorknob ng pinto ni Kena. Hindi na mapalitan dahil nabakbak na rin ang mismong kahoy na hamba. Kaya nga nagkabit na lang noon si Kena ng mga padlock sa gilid para lang kahit paano ay may sara ito."


Tadtad nga pala ng padlock ang pinto ni Kena dahil hindi na maaasahan ang mismong doorknob. Umuuga na at hindi na nala-lock. Pero bakit kanina? Bakit kanina ay hindi ko iyon mapihit?


"Ano bang problema mo, kuya?"


Sasabihin ko sana na nag-alala lang ako dahil baka ano na ang nangyari dito, nang mapatingin ako sa kama, at ganoon na lang ang singhap ko nang makita ang ayos ni Kena. Wala siyang malay habang halos hubad na!


When I left her earlier, the strap of her sleeveless dress was only halfway down her arm; now, it was down to her waist. Her bare chest was fully exposed! At ang laylayan ng dress ay taas na taas na rin, that I could already see her panties! 


Napasigaw ako. "What the fuck, Julian?!"


"Di ba dapat sa 'yo ko ibulyaw iyan?" mariin na balik sa akin ni Julian. "Pagpasok ko rito, ganyan na ang itsura ni Kena. Walang malay at halos hubad na!"


Sinong niloko niya? Kanina nang umalis ako ay kahit paano, maayos pa ang itsura ng damit ni Kena! Not like this that she was almost naked!


Nagdilim na ang paningin ko. Inilang hakbang ko ang pagitan namin ni Julian, saka ko siya kinuwelyuhan. "Anong ginawa mo kay Kena, tarantado ka?!"


Mas matanda ako ng limang taon kay Julian. Di man kami magkasingkatawan ay magkasingtangkad na halos kami ngayon. Nagtatagisan ang mga titig namin sa isa't isa. 


Buong puwersa na itinulak niya ako, kaya ko siya nabitiwan. "Bakit hindi mo iyan itanong sa sarili mo, huh?! When I came in, Kena was already like that! And you were the last one to come out of her room!"

Beware of the Class President (To be published!)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon