CAPITULO 43 - Going Astray

68.6K 2.2K 2.1K
                                        

CAPITULO 43 - Going Astray


NOONG MGA NAKARAAN, PARANG KATAWAN KO NA LANG ANG BUHAY.


Para akong nagigising na lang para matulog ulit. Walang saysay ang buhay. Ngayon ay nagkaroon ako ng direksyon. Gusto ko nang tuluyang gumaling. Gusto ko nang bumalik sa dating ako... O iyon ang akala ko.


Basta, meron nang nagpapabangon sa akin. Dahil meron akong gustong alamin. May gustong patunayan, may gustong malaman. Lahat ng gumugulo sa utak ko, gusto ko lahat iyon na malinawan.





THE DESIRES OF THE FLESH ARE AGAINST THE SPIRIT, AND THE DESIRES OF THE SPIRIT ARE AGAINST THE FLESH, FOR THESE ARE OPPOSED TO EACH OTHER.


Isinara ni Sister Gelai ang hawak na bibliya. Katatapos lang ako nitong basahan. "Galatians 5:17. Sinasalungat ng Espiritu ang kagustuhan ng laman para hindi mo gawin ang alin mang gusto mong gawin na maaaring magdala sa 'yo sa kapahamakan."


Araw-araw niya itong ginagawa, binabasahan ako ng bibliya kahit hindi ko naman siya pinakikinggan.


"Kinokondena ng Bibliya ang kuryosidad at pagkahumaling sa ano mang puwersa ng kadiliman, partikular na ang mga nilalang mula sa 'ibang mundo,' bilang isang anyo ng kasalanan."


"Asus," bubulong-bulong si Manang Evelyn mula sa kusina. "Ang bibliya naman ay gawa lang din ng tao iyan!"


Tiningnan ito ni Sister Gelai at mahinahong nginitian. "Maari ho ba kayong magbigay ng kahit ano sa bibliya na tingin niyo ay kasinungalingan?"


Hindi nakaimik si Manang Evelyn.


Nakangiti pa rin naman si Sister Gelai. Walang pagkaasar ang mahinahong pananalita. "Inihayag ng Diyos ang Kanyang Salita sa mga banal na lalaking pinagkatiwalaan Niya, mga lalaking nagmamahal sa Kanya, at ang mga lalaking iyon ang bumuo ng librong ito. Libro na iniwan sa atin sa mundo upang gabayan tayo kung ano ang totoo."


Tumirik ang mga mata ni Manang Evelyn. "Eh, sister, me tanong lang ako, ha? Kung totoo iyang bibliya mo at diyos, e bakit may mga tao pa ring nahihirapan?"


"Marami hong dahilan. Kadalasan ay dahil sa mismong maling desisyon din ng tao kaya sila nahihirapan. At iba-iba ang klase ng hamon natin sa buhay, hindi porke't mayayaman ay wala na silang problema. Kanya-kanya tayo ng paghihirap dito sa mundo. Pero isa lang ang totoo, ang paghihirap ay kailangan para tumibay ang isang tao."


"E paano mo mapapaliwanag kung bakit kung sino pa ang mababait, sila pa ito riyang nauunang mawala? Aber?!"


"Isaiah 57:1. Mahal sila ng langit kaya maaga silang kinukuha upang protektahan sila sa paparating na kapahamakan."


"Eh, bakit may pagkamatay na karumal-dumal? Mga inosente at minsan ay batang walang muwang pa madalas ang biktima! Binubugbog, hinahalay, at pinapatay! Hindi ba naaawa sa kanila ang langit? Bakit hindi man lang sila prinotektahan?!"


"Dahil may kalayaan ho ang lahat ng tao na gawin ang kanilang gusto, kahit pa ang gumawa ng kasamaan. At tao na pumiling gumawa ng masama ang nanakit sa mga taong sinasabi niyo. Hindi po ang Panginoon mismo."


"E kawawa naman iyong nasaktan ng masama. Sana man lang ay hindi ganoon, sister!"


"Nasa mundo po tayo kung saan susubukin tayo. Nasa atin ang pagpapasya, kung tayo ay gagawa ng tama o mali. Ngayon, kung pipigilan ng itaas ang ating mga kilos, ito ay magiging paglabag sa kalayaan nating mga tao na pumili. Gayunpaman, katulad ng mga nagkasala na sa huli ay may aani ng kaparusahan, meron din namang naghihintay na gantimpala sa langit para sa mga taong mabubuti."


Beware of the Class President (To be published!)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon