CAPITULO 55 - Fruit

18.5K 814 2K
                                        

CAPITULO 55 – Fruit


"DO YOU WANT ME TO TELL YOU A STORY?"


Nakatitig lang ako kay El habang nagkukuwento siya.


"There was this guy. Isang makasalanang lalaki na may ginagawa sa kuwarto niya gabi-gabi."


Nakikinig lang ako.


"Iyong lalaking iyon, hindi niya alam na madalas ay hindi siya nag-iisa sa tuwing may ginagawa siyang kamunduhan. A succubus was doing it with him. He was pleasuring thousands of demons without his knowledge. The demons that feed on lust. There were so many of them."


Ang kuwento ni Ekoy.


"Kena, do you remember what Ekoy had told you? That kind of interaction between humans and demons can bear fruit."


Doon ako napatitig sa kanya nang malalim.


"What if it happened to that guy, Kena? Na nagbunga iyong ginagawa niya? Paano kung ang bunga ay a—"


Lumabo ang paligid. Naging huni na lang ang mga ingay na aking naririnig. Then I felt a tender kiss on my forehead. "I will miss you... so much that I can't promise to asghfbdbshbrlsrrrdksfd...—





DOON AKO NAPADILAT NG MGA MATA.


Napabangon ako sabay tingin sa orasan. 6:30 am na pala. May kumatok sa pinto ng kinaroroonan kong kuwarto. Mga ilang katok na halatang naiinis na. Mukhang kanina pa ito.


"Sandali lang!" Tumayo ako sa kama saka binuksan ang pinto.


I was met by Manang Evelyn's frowning face. "Aba'y anong oras na, Kena? Mahuhuli ka na sa trabaho mo!"


"Sorry po, napasarap ang tulog ko."


"Naku, ano bang nangyayari sa 'yong bata ka? Napapadalas na iyang hirap kang magising, ah!"


Lumabas na rin ako bitbit ang tuwalya. Pagkaligo ay nagbihis agad ako. Di ko na nai-blower ang aking buhok dahil nagmamadali na ako. 7:30 ay start na ng flag ceremony. Malapit lang naman ang pinagtatrabahuan ko. Diyan lang sa may Sto. Cristo National High School.


Two years ago nang makatapos ako ng college. Isang taon akong nagtrabaho sa isang private school, at nang makapasa ako sa board for teachers ay lumipat na agad ako sa public school. At doon nga ako sa Sto. Cristo kung saan din ako nag-aral noong high school ako.


Pagkakuha ko ng inihandang baon sa akin ni Manang Evelyn ay pumunta na ako sa pinto. "Ayos, afritada ulit! Malagyan nga ito ng suka mamaya!"


Sinitsitan ako ng matanda. "Kena, sumubo ka muna kahit kaunti bago ka umalis! Malilintikan ako kay Julian pag tumawag mamaya at malamang pinaaalis na naman kita nang walang almusal!"


Napangisi ako. "Hayaan niyo ho siya makunsumi!" sabay alis ko.


Napapalatak na lang si Manang Evelyn, pero pagsilip ko sa bintana ay ngumangatngat na ito ng niluto nitong tuyo.


Sa loob ng walong taon na nagdaan ay naging parte na talaga ng pamilya namin ang matandang kapitbahay. Ito na talaga ang katuwang namin sa araw-araw. Para na talaga namin itong nanay. Minsan pa nga ay sa amin na ito natutulog.


Pagbaba ko ng side car ay napalingon sa akin ang mga binatilyong estudyante na nakatambay sa gilid. Nagsikuhan ang mga ito. "Ayan na si Ms. Ruiz!"


Iyong nasa unahan ay binati ako. "Hi, ma'am!"


"Ma'am, ang ganda niyo araw-araw," sabi naman ng isa.


Beware of the Class President (To be published!)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon