CAPITULO 19 - Luggage

94.3K 5.2K 3.8K
                                        

CAPITULO 19 - Luggage


"MAY MADRE SA LIKOD MO!"


Sa muling aking pagkurap, wala na ang imahe sa repleksyon ng mga mata ni El na kanina'y nasisinag ko. Namamalik-mata lang ba ako?


Gusto ko pang paniwalain ang sarili na kung anu-ano na naman ang aking naiisip, nang bigla na lang mapasabunot si El sa kanyang ulo. Nabaling ulit sa kanya ang pag-aalala ko. Hinawakan ko siya sa balikat. Kahit may suot siyang shirt ay naramdaman ko ang panlalamig niya. Tumatagos sa tela ang lamig ng balat niya.


Nang mag-angat siya sa akin ng paningin ay pawis na pawis ang makinis na mukha niya. As in naliligo siya ng pawis. "Kena, I'm thirsty..."



"Ikukuha kita ng tubig!" Nanakbo na agad ako papunta sa kusina para ikuha siya ng tubig. Kandatapon-tapon mula sa baso ang tubig dahil sa pagmamadali ko.


Pagbalik sa kuwarto ay muntik akong mapatili. Nakahubad si El pagpasok ko!


Hinubad niya na ang shirt na suot. Iyong may mukha ni Jesus sa harapan. Nasa sahig na iyon. Hubad na ng pang-itaas si El. Napatalikod ako bigla.


"Basa ng pawis, Kena," paliwanag niya sa mahina at paos na boses.


"S-sa labas muna ako!" mabilis na sabi ko sabay talilis palabas sa pinto. Pero pumasok din ulit ako. Pumasok ako nang patalikod. Inilpag ko sa sahig ang baso ng tubig. "K-kunin mo na lang itong tubig mo." Pagkatapos ay dali-dali ulit akong lumabas.


Naroon lang ako sa labas ng pinto habang hinihintay na makapagbihis si El. Nagbilang ako ng up to one hundred bago bumalik. Nakahinga ako nang maluwag nang pagpasok sa kuwarto ay nakabihis na siya. Iyong white t-shirt niya na patong sa polo uniform ang kanyang suot ngayon.


Doon ko lang siya nilapitan. "Uhm, okay ka na ba? Masakit ba ang ulo mo? Gutom ka ba?"


Tumango siya. Humingi pa ulit siya ng tubig. Mas uminom siya ng tubig kaysa kumain. Grabe ang pagkauhaw niya na aakalain mong galing siya sa malayong disyerto. Ilang baso yata ang naubos niya na kinailangan kong dalhin na ang buong pitsel para lang hindi siya mabitin.


Pagkainom nang marami ay bumalik siya sa pagkakahiga. Tulala siya sa kisame. Parang may iniisip na kung ano. Iiwan ko na sana siya para makapag-isa siya, nang pumigil ang kamay niya sa aking pulso.


Bumaling siya sa akin ng tingin. Malamlam ang mga mata. "Puwede bang 'wag kang umalis?"


"O-okay..."


Hindi na lang muna ako umalis sa tabi niya. Pansin ko ay gusto niya pang matulog, pero may kung ano siya na ikinababalisa.


Nakaupo ako sa gilid ng hinihigaan niya. Hindi niya pa rin binibitiwan ang pulso ko, hindi ko rin naman iyong hinihila para bawiin sa kanya. Nang lumuwag-luwag ang pagkakahawak niya sa akin ay doon ko natiyak na natalo na siya ng antok na kanyang pinipigilan. Nakatulog na siya nang tuluyan.



Maingat na inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin. Hindi na siya malamig. Hindi na rin mainit. Sakto na ang temperatura ng katawan niya. Nakakapagtaka lang iyong sobrang lamig niya kanina, pero pawisan siya.


Iniwan ko muna si El dahil ako naman ang nauuhaw. Init na init ako. Iyon para bang may nakadikit sa akin na katawan kaya ako naiinitan. Ang alinsangan sa pakiramdam.


Pagkainom sa kusina ay pumunta ako sa sala. Si Ekoy ay busy pa rin sa pakikinig ng mga drama sa TV. Naroon ay matawa ito, maluha, at mapasigaw sa inis o gulat. Nang matapos ang sinusubaybayan ay saka lang ako nito kinausap.


Beware of the Class President (To be published!)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon