CAPITULO 54 - Why I Stayed

42.2K 1.1K 1.5K
                                        

CAPITULO 54 – Why I Stayed


BAKIT BUHAY PA AKO?


NOONG NAKARAAN LANG, SUMUKO NA AKO, E. ISINUKO KO NA ANG KATAWAN KO, PATI KALULUWA KO. ANO BA ANG NANGYARI?


Tiningnan ko ang aking mga kuko sa daliri. Hindi pa tumutubo ang iba, kaya mistulan pa akong walang kuko. Pero mas maayos na ang hitsura ngayon kaysa noon na parang nabubulok dahil may mga sugat-sugat at nagbabakbak.


Baliko rin pala ang isang hintutuo ko. Hindi na naayos ito, e. Bali na kasi talaga ang buto.


Pero ang pinakamasaklap ay may sakit ako ngayon sa sikmura. Hindi na ganoon kalala dahil nagagamot na ako, pero may tama pa rin. Ang dami ko kasing pinagkakakain na di naman dapat kainin. Halimbawa, tipak ng kahoy, sariling buhok, at kuko ko.


Napabuga ako ng hangin. Ang lala. Saan ba lahat ito nagsimula?


Ah, diagnosed sa akin ng doktor ay malalang depresyon daw. Totoo naman iyon. Nagsimula lahat sa anxiety, lungkot, at sumunod ay galit. Bakit? Dahil namatayan lang naman ako ng ilang ulit, nawalan ng tiwala sa sarili, hanggang sa nawalan na nang tuluyan ng gana sa buhay.


HUWAG MONG PAPANSININ, HUWAG MONG TITINGNAN, O KAHIT PAKIKINGGAN.


Mga bilin sa akin ang mga iyan. Pero ano ang ginawa ko? Nagpatangay ako sa kuryosidad, sa galit, at sa pride.


Even though I had a special ability to see things that were not meant to be seen, I knew I was not supposed to nurture it. I was weak; I could easily be deceived. Hanggang sa ito na nga, may isa na ngang panay sa akin ang paramdam. Pinaiiwasan ito sa akin, pero ano ang ginawa ko? Kabaliktaran.


Hindi ko lang basta in-entertain, hinanap ko pa, hanggang sa akin na ngang natagpuan. I welcomed it openly into my life. That faceless demon that started as a mental problem, aiming to convince me to end my life by suicide.


Kaya lang ay malas ng demonyong iyon dahil nabiyayaan ako ng mga kaibigan. Nakilala ko si El. Nakilala ko rin sina Kit, Sister Gelai, at Ekoy. At naging malapit ako sa mga stepbrother ko. Kaya naisip ng demonyong iyon na hindi na uubra sa akin ang mental problem lang. Na hindi ako basta susuko habang nandiyan ang aking mga kaibigan.


So that demon grew more aggressive, more greedy, more dangerous. It grew darker than a mental problem. It felt like a presence that watched me, whispered to me, waited for me at my weakest moments.


It no longer wanted to bring my soul to despair but also to possess my physical body. And sadly... I gave in to it.


Nag-suffer ako mentally, physically, and spiritually for almost three years, bago ako maka-recover. Eight months earlier, I had been a total wreck. I was almost nothing but skin and bones. Hindi makalakad dahil may bali ang isang binti ko, at hindi makakain dahil may sugat ako sa loob ng bibig. Pinagkakagat ko lang naman kasi ang laman ko sa pisngi.


Tiningnan ko ang aking repleksyon sa salaming bintana. Hindi na ako sobrang payat, pero may kapayatapan pa rin. Meron pa ring kaputlaan. May sugat din ako sa gilid ng pisngi, at sa loob ng bibig ko ay wala na ang dalawa sa aking bagang. 

Beware of the Class President (To be published!)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon