Chapter 33

4.9K 198 16
                                        

Sofiera

"A-Ano pong nangyari?" Takang tanong ko kay Tita Risen ng tumawag ito sa akin.

"Si Jazmine, dinakip ni Liam."

Nanghina ako sa aking narinig. No! Not with my Jazmine. Kung alam ko lang na ganito ang kahahantungan ng relasyon namin. Nagsisisi akong hindi ko sinuway ang mga magulang ko sa ilang kagustohan ng mga ito lalo na ng ipagkasundo ako sa anak ng mga Torilla noon. Hindi sana umabot ang ganito sa amin ni Jazmine ngayon.

"H-Hindi ko po alam kung anong sasabihin ko ngayon. I'm sorry Tita, kasalanan ko po kung bakit nangyari ito kay Jazmine ngayon."

Hindi ko mapigilang hindi maluha. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyari sa taong mahal ko at habang buhay ko itong pagdudusahan. Hindi naman kasi ito mapapahamak kung hindi dahil sa akin.

"Huwag ng mag-alala. Marami akong paraan para maibalik ang anak ko. Susundoin kita ngayon din, I'm on my way."

Hindi na ako nakapag-isip pa at agad sumang-ayon dito. Hindi na ako nakapagpalit dahil sa katarantahan. Linggo kasi ngayon at dapat ay lumabas kami ni Jazmine pero nangyari na nga ang isa sa kinatatakutan ko, ang mapahamak ito.

Nakasuot lang ako ng sando at pajama ng marinig ko ang busina sa labas tanda na kadarating lang ni Tita Risen for some obvious reason ay nasa biyahe ito ng makausap ko.

Basta na lang akong dumampot ng puting sapatos at isuot ito bago nagmamadaling lumabas ng bahay pagkatapos ilock ang pintuan ko. Safe naman ako dito dahil mahigpit ang security sa real estate ng mga Giudevaun.

Nakababa ang bintana ng sasakyan ni Tita Risen at mukhang chill lang. Well, chill naman ito palaging tignan na parang walang problema.

Pumasok ako sa loob at binati ito.

"We have to go as soon as possible sa natanggap kong tip mula kay Xen kung saan posibleng dinala ang anak ko."

Pinunasan ko ang pisngi ko dahil hindi ko talaga mapigilang hindi maluha, hindi lubos maisip kung may mangyari kay Jazmine. I can't lose her dahil mahal na mahal ko ito.

"A-Ako na lang po ang issurender niyo kay Liam Tita total ako naman talaga ang pakay niya at para sa kalayaan ni Jazmine."

Nagsimula itong magmaneho. "I am not crazy para ibigay ka sa taong sira ulo. Ako naman ang mayayari sa anak ko at sa asawa ko. Mas mahal ka ng dalawang iyon kaysa sa akin at tanggap ko. Ok lang naman kasi mamanugangin kita."

"Pasensya pa rin sa dala kong abala Tita. Nahihiya ako sa inyo dahil sa mga gulong nangyayari ngayon ng dahil sa akin to think hindi pa kami masyadong matagal ni Jazmine tapos-"

"Let me cut you there and clarify some things Sofiera." Putol nito sa sasabihin ko. "Kapag nagmahal ang mga anak namin, kahit sino pa iyan kung doon sila masaya, masaya rin kami. Kailan man ang mga taong katulad namin lalo na sa pinsan kong si Snow ay hindi tumingin sa estado ng isang tao. You are aware na tumutulong kami sa mga taong kapos sa buhay, sa mga estudyanteng gustong mag-aral pero walang kakayahan, sa mga taong kailangan ng matutuloyan."

I am aware. Paano, sila ang may pinakamalaking organisasyon hindi lang sa pagtulong sa mga tao kundi pati na rin sa mga inaabuso at inabandonang mga hayop.

May sariling hospital ang mga ito at libre ang gamutan. May sariling eskwela at marami silang mga sinusuportahang estudyante, may mga charities din. Kilala sa larangan ng negosyo bilang manufacturer ng ilang mamahaling sasakyan, exporter at importer. May shipping line business. May mga chain of restaurants, hotels, apartments, and condo's. Subdivisions, public resorts, private island resorts at kung ano ano pa. Kaya nakakalula ang kayamanan ng pamilyang ito idagdag pang lahat ng nakilala ko sa kanila ay napaka-down to earth kaya hindi malayong pinagpapala lalo ang mga ito.

Desiring Miss Fin (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon