Chapter 3: Ms. Nerd (UNFORTUNATE EVENTS)

4.5K 67 8
                                        

Nang makauwi na ‘ko sa bahay, saktong dating din nang ate ‘ko napansin pa niya na nagmamaktol ako.

“Anong problema mo?” Takang tanong nito sa akin.

“Wala…” Inisip ko kung sasabihin ko kay ate yung nangyari sigurado papagalitan niya ‘ko at sasabihin niya kay Nanay yun then magta-tandem pa sila.

“Mukha mo wala…” Banat na sagot nito saken. “Baket? Natalo ka ba ni Pam?” shoot! Buti na lang yun ang naisip niyang rason.

“Hindi ah, and besides hindi naman siya nagwawagi.” Paglilihis ko.

“Pa besides-besides ka pang nalalaman diyan. Kumain ka na.” Asar at yaya nito.

“Ganun talga…” Sabay pabirong irap. “Ano bang ulam?” Tanong ko.

“Adobong manok.” Tugon saken ni ate. “Pero wala na.” Biro nito.

“Mukha mo.” Alam niya kaseng all-time favorite ko ang adobong manok. Promise kahit na sino nag-luto at kahit na anong luto kakain talaga ako kapag ito ang ulam.

“Nandon sa ref.”

Hay salamat… pampatanggal badtrip din ‘to, sarap talaga.

Pagkatapos kumain dumeretso kagaad ako sa kwarto ko. Inayos at nilinis ko na ‘yung mga libro at basura na sinipa ko lang kaninang umaga sa ilalim ng kama. Habang nagwa-walis ako naalala ko na naman yung si Mr. GM as in Mr. Gwapong Mayabang nice name ‘di ba? Pero hindi naman ako affected sa mga sinabi niya, natatawa pa nga ako dahil alam ko sa sarili ko kahit na mahirap lang kame hindi ko naranasan na mang-mata ng tao o kahit ano pa man. Pinaka-laki kami ni Nanay na may takot sa diyos at paggalang sa iba and at the same time ipagtanggol na rin ang sarili kung naaapakan na kame. Siraulong ‘yon, nababadtrip ako kapag naalala ko siya… napagbuntungan ko pa yung walis tambo, may natanggal tuloy na buhok.

Nagulat ako nang biglang pumasok si ate sa kwarto ko. “Ale… may gagawin ka ba?” Tanong nito.

“Nakakagulat ka naman! Pwede katok-katok din pag may time? Kung may time ka lang naman.” Pambabara ko.

“Dameng sinasabe?” Pabarang sagot nito.

“Bakit ba?” Tanong ko.

“Sama ka sa mall?”

Pumalakpak ang tenga ko sa narinig ko. Mall?!yes! two months ago pa, nung last time akong nakapunta sa mall… busy-busy kase sa school works… kasalanan ‘to ni Pam, hindi tuloy ako nakakapag-enjoy dahil sa kaniya. Nanisi pa eh ‘no.

“Sige! Sama ako, wait lang ligo lang ako.” Mabilis na sagot ko.

“Mauna ka nang maligo, sunod ako… bilisan mo na.” May diin yung mga huling words ni ate, dahil alam niya na matagal akong maligo kapag lalam-myerda. :D

“Yes… master.” Pa-birong sambit ko. Nag-bihis lang ako nang medyo komportable damit naka-black t-shirt, harem pants, at flip-flops na kulay gray.

Nang makarating na kame sa mall, pumunta muna kameng department store… kaya pala siya nag-yaya dahil bibili siya ng regalo ninang pala ang peg, binyag kase ng anak ng dati niyang classmate sa high school. Naisip ko tuloy, grabe uso talaga ang mag-buntis ng maaga.. makisabay kaya ako? Joke!!! I know my limitation naman at hindi ko sisirain ang tiwala saken nila ate at Nanay.

“Ano sa tingin mo?” Habang pinapakita niya sa akin yung pang-baby na damit.

“Okay lang… bakit pink? Babae ba yung inaanak mo?” Tanong ko.

“Malamang.” Barang sagot nito saken.

“Okay…sabi ko nga.” Nakita kong napangiti yung mga sales lady sa amin. Iniisip siguro nila, ang cool namen dahil nag-babarahan kame and at the same time nagjo-joke na din.

Mr. Heartthrob VS. Ms. Nerd (Private school vs. Public School) o.n.g.o.i.ngTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon