Chapter 23: Youth Summit 6 (The Long 3 hours)
Alena POV
“Wala akong balak magpatalo, Alena.” Seryosong sambit ni Pam sa amin ni Adrian. Alam ko naman na big deal kay Pam ang summit na ‘to, dahil habol din niya ang prize money.
“Alam ko… ako din naman, Pam.” Tugon ko.
Nag-uusap kami habang naglalakad pabalik sa room.
“Maiba ako… magkakilala pala kayo ni James?” Tanong ko kay Pam. Paano naman kaya sila nagkakilala ‘non.
“Ahh, oo… nagkakilala kami sa rooftop nung 2nd round… ang weird nga ‘non ehh, hindi ko siya kilala tapos bigla na lang ako kinausap out of nowhere.” Pagpapaliwanag nito sa akin.
Na-amuse naman ako. Pero ang tanda ko sabi ni Timothy, playboy daw si James.
“Ahhhhh… yun pala yon… mabait naman si James, ang problema lang sabi sa akin ni Timothy may pagka-play boy daw yun.”
“Ano namang pakialam ko kung mabait o playboy man yung James na ‘yon?” Mabilis na sabi ni Pam.
“Nagsasabi lang po ako…” Sabi ko. Feeling guilty naman kasi ‘to si Pam. Natatawa tuloy ako sa kaniya.
“Anong nakakatawa? Hoy, Cademar… wag mo kong paandaran ng mga ganyan mo ahh…” Ang bilis talaga niyang maka-gets.
“Wala naman akong sinasabi ah.” Depensa ko.
“Ewan ko sayo.”
“Baka gusto niyong kabahan man lang kahit isang kilo.” Sabay kaming napatingin ni Pam kay Adrian.
“Masyado ka namang nerbiyoso.” Tugon ni Pam.
“Sorry ahh, sanay kasi kayo sa mga ganito. Ehh, sa nape-pressure ako.” Inirapan ko lang si Adrian. Kahit kailan talaga… ugali na niyang magyabang sa harap ng iba tapos kinakabahan pagkatapos.
“Pwede ba, Drian. Kumalma ka nga lang.” Tugon ko.
“Oo na… sige na…” Sukong sabi nito.
Napahinto kami sa paglalakad ng may humarang sa amin at tingnan mo nga naman kung sino…
“Already celebrating, St. Nicolas?” Matalas na tanong ng St. Monique representative na si Jane Valderama.
Taray Mode on!
“Parang ganon na nga… masyado ba kaming obvious?” Pangaasar ko sa kaniya.
“It seems that way… but aren’t you celebrating way too advance?” Mabilis na banat nito.
“Ano namang masama don? Masama bang mag-celebrate pag alam mong mananalo ka?” Sagot naman ni Pam.
“And how did you that? Do you have some six senses or something?”
“Wala naman… pero masama kasi kaming magalit… lalo na kapag alam namin na may sumasaksak samin sa likod.” Patama ni Pam.
Bilib talaga ako sa instinct ni Pam. Pero kahit naman kasi common sense lang gamitin mo malalaman mo talagang may foul play.
“Oh well… I guess, this is enough for good luck. May the best team win?” Sabay abot ng kamay nito para sa shakehands.
Inabot ko ito na may pekeng ngiti ang alok nitong shakehands.
Sarap pilipitin nang kamay nito…
“Of course, may the best and deserving team wins.” Banat ko dito.
BINABASA MO ANG