Chapter 24: Failure

495 19 3
                                        

Chapter 24

Failure

Alena POV

"Alena... I'm so sorry... if there's something I can do... just-" Hindi pa man tapos magsalita si Timothy ay pinahinto ko na siya.

"Wag na... at isa pa, wag kang mag-sorry... lalo lang bumababa ang tingin ko sa sarili ko. Anyways, congratulations... kayo ang nanalo."

Tama, natalo kami... masakit mang isipin pero mukhang hanggang ditto na lang... okay lang sana kung natalo kami in a fair and square match... pero hindi... dinaya kami... nadaya kami.

"Alena..." Sambit muli ni Timothy na bakas sa mukha ang pagsisisi.

Alena... wag kang tumingin... hindi ka dapat maawa sa kaniya... dapat sa sarili mo...

"Tama na, Timothy." Tugon ko at iniwanan ko siya.

Naiinis ako sa sarili ko. Dahil wala man lang akong nagawa para ipaglaban ang posisyon namin. Iba talaga nagagawa ng pera.

"Okay lang yan, Alena. Alam naman ng lahat kung sino talaga ang nanalo." Pang-aalo ni Adrian pero alam mong may panghihinayang at lungkot sa naging resulta ng Youth Summit na 'to.

"Ano ba kayo guys? Ano naman kung natalo tayo? Hindi pa naman 'to ang end of the world. Dalawa lang ang pwede nating gawin ang mag muk-mok at manghinayang o ang ipakita na tayo talaga ang nanalo, ano bang mas better?" Sambit ni Pam.

Sa totoo lang, bilib ako kay Pam... sana mahawa naman ako ng tibay ng loob niya.

"Alena... alam nang lahat at nakita nila na ginawa natin ang lahat, kaya wala kang binigo sa amin o sa kanila. Okay? Ms. Cold-blooded genius?." Sabay yakap sa akin ni Adrian nang mahigpit.

Kilalang-kilala niya talaga ako. Wala talaga akong maitatago sa kaniya.

At dahil sa yakap ng tukmol na 'to, tila ba lahat ng frustrations ko bumuhos at napaiyak na lang ako ng para bang wala nang bukas. Napayakap na lang din ako sa kaniya habang naglalabas ng sama ng loob.

"Ehhh...(T_T) kasi... (T_T) naman...." Sambit ko habang umiyak na parang bata.

"Sshhh... tahan na..." Ginawa pa kong bata nito ni Adrian.

At ako naman si baliw bumigay naman.

"Nakakainis... kasi.... (T_T)... talaga..."

Ilang sandali pa at naramdaman kong may sumapo sa ulo ko.

"Para ka talagang bata...wag mo nang isipin 'yon." Sambit ni Pam.

Inangat ko ang ulo ko habang pinupunasan ang luha't sipon ko.

"Yuck, tignan mo nga itsura mo... para kang timang." Sabay punas ni Adrian sa mga luha ko.

"Sorry ahh... *hic*... tama kayo.... *hic*... sige tayo na... *hic* ipakita natin sa kanila kung sino talaga ang nanalo."

Timothy POV

Sumisikip ang dibdib ko... nang nakita ko ang reaksyon ni Alena ng tinawag ang school namin na nanalo sa Youth Summit. Lalo pang sumikip ng makita ko siyang umiiyak at yakap-yakap ng lalaking ka-grupo nila.

Marahas kong binuksan ang pinto..

"Jane! I am talking to you!! What the hell did you just do?!" Sigaw ko.

Nanginginig ako sa babaeng ito. Hindi ako jerk, at mas lalong hindi ako naninigaw ng babae but there's always an exception to the rule.

"What?! Are you hearing yourself? Pinagbibintangan mo kong nandaya? Me? Your teammate? Hindi ba dapat maging Masaya ka dahil tayo ang nanalo?" Bwelta nito.

Mr. Heartthrob VS. Ms. Nerd (Private school vs. Public School) o.n.g.o.i.ngTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon