CHAPTER 9
Natutuwa naman ako sa progress ni Timothy, hindi na talaga siya yung nakilala ko na si Mr. GM… siguro may mga pagkakataon na ganon pa din siya pero madalas okay na naman siya saken. Focus na focus nga siya sa pag-aaral namin, habang sinasagutan niya yung mga modules na ginawa ko kitang-kita na nahihirapan siya pero pilit niyang sinasagutan, natatawa na lang ako kapag napapakamot siya habang nagsasagot siya. Sa totoo lang, napapagod na ko… kanina kasi sa school nagpakain ang principal naming, nag-celebrate kasi kami dahil sa pagkakapanalo ko sa quiz bee kahapon, syempre ako ang bida kaya dapat lang na hindi ako mawala di ba? Pagkatapos ‘non diretso naman ako dito sa trabaho ko, gusto ko nang matulog pero ang dami ko nang absent sa estudyante ko… kawawa naman… :’) kaya ‘yon pumunta pa rin ako… buti na lang talaga nag-insist siya na ihatid ako at least hindi na ko magtatagal pa sa pag-aabang ng masasakyang jeep.
Habang nasa byahe tahimik lang ako nakakahiya kaya, tinulungan na nga niya ako sa mga gamit ko… hinatid pa niya ako… unti-unti na rin akong dinalaw ng antok sa byahe.
“Ms. Cademar…. Uhm,… well I mean… Alena, I just wanted to say something.” Ano kayang sasabihin niya? Hindi na kasi talaga kaya ng mga mata ko… ina-antok na talaga ako…
Sorry Timothy, inaantok na talaga ako…
Nagising na lang ako nang inaalog na ko ni Timothy… ginigising niya ako sa madaling sabi.
“Alena… nandito na tayo…” Sabi nito.
Dumilat ako ng mabilis pero pumikit din.
“Alena…wag mong sabihin na dito ka na lang.” Biro saken ni Timothy.
‘’Ahhhhhhhh…..’’Humikab muna ako ng todo. “Sorry, antok na antok na kasi talaga ako…”Sabi ko habang bumababa sa kotse.
“Yeah, I can see that.”
“Sleep well, Ms. Cademar.” Bati saken ni Mr. Sebastian.
Tumango lang ako. Pasakay na nang sasakyan sila Timothy nang may bigla akong naalala. “Ah! Sandali lang…”
“Why?” Tanong ni Timothy.
“May sasabihin ka ba dapat kanina? Pinilit ko kasing hindi maka-tulog kanina pero nakatulog pa din ako. Ano ba yung sasabihin mo?” Curious lang ako…baka rin kasi importante yung sasabihin niya dapat kanina.
“It’s nothing.”
“Sigurado ka? Baka kasi na-offend kita nang bigla kitang tinulugan.” Oo nga! Baka na turn-off saken, baka iniisip nito bastos akong kausap.
“No, of course not… and besides it’s not that important… I think…” I think? Baka nga importante…
“E di-
‘’You should go to sleep… maaga pa class mo tomorrow, right?” Ni hindi man lamang niya ako pinatapos sa pagsasalita.
“Si-sige… ingat kayo ha… salamat ulit.”
Pagpasok ko sa bahay, naka-abang saken si ate… kung makatitig kala mo may papatayin ‘eh.
“Titig ha…” Biro ko dito.
“Siya ba ‘yon?” Tanong nito.
Lumabas si Nanay sa Kusina… siguro nagluluto may naaamoy akong mabango ‘eh.
“Ano na naman bang pinagtatalunan niyong magkapatid?” Sita samen ni Nanay.
“Siya ba ‘yon?” Tanong ulit ni ate… and this time may idea na ko kung anong sinasabi niya.
“Oo…” Limit na sagot ko.
Nakalimutan kong mainit nga pala dugo ni ate kay Timothy…
BINABASA MO ANG