Chapter 21: Revelations

1.9K 37 4
                                        

<><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><> 

Author’s Note:

Oh my G! So sorry guys kung super as in duper late na ‘ko nakapag-update… Ang dami kong reasons but hindi ko na lang idi-discuss at baka umabot ng isang chapter… Anyways! Im here now! So let’s enjoy the new chapter and I have a bad and good news…

So, Bad news muna? Uhmm… Im already planning to finish this story as soon as possible BUT! Here comes the Good news! I’m gonna make sure that it is really worth it! OH! And also please support my other story… ang title? Moments to Remember… please do support gaya ng pag-support niyo sa Ms. Nerd vs. Mr. Heartthrob… Thanks so much!!

<><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><> 

 

 

Alena POV

                Hindi ako makatulog sa napag-usapan namin… very prestigious ang event na ‘to para hayaan nila ang mga foul play, pero on the other side may chance naman talagang mangyari ang mga ganitong bagay especially lahat ng kasali maliban sa amin ay pulos mga mayayaman. Hindi ako mapakali kaya naman naisipan ko munang lumabas at mag-pahangin sa garden.

               

Pagkarating na pagkarating ko sa garden ay bumungad agad sa akin ang napaka-sarap na simoy ng hangin, naisip ko tuloy… dapat kanina pa ‘ko bumaba.

“Uhmmm… sarap ng hangin.” Mahinang sambit ko.

                Wala kaming laban kung pera at koneksyon ang pag-uusap pero pinatunayan namin sa nakaraang mga rounds na kahit mga taga-public lang kami, ay kaya naming makipag-sabayan sa mga magaganda at magagarang mga school pagdating sa academics.

                Lumapit ako sa fountain at napansin kong may mga coins dito. Lima, piso, sampung-piso, bente-singko.

Wishing fountain ‘ata…

  Kumapa ako sa bulsa ng shorts ko kung meron akong kahit magkano basta barya.

“Ah!” Sigaw ko ng may nakapa ako. Sampung piso! siguro naman pwede akong humiling ng ten times?  Natawa naman ako sa naisip ko.

Hinawakan ko ang sampung-piso sa mga kamay ko at humiling…

Wishing fountain… hindi ko hihilingin na manalo kami… pero sana maging maayos lang ang lahat… sana maging okay ang lahat hanggang sa matapos ang summit na ito.

Mr. Heartthrob VS. Ms. Nerd (Private school vs. Public School) o.n.g.o.i.ngTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon