Chapter 11
Alena POV:
Argh!!! Ano bang meron sa taon na ‘to?! Kung hindi ako napapa-away, napapa-away ako!!! Badtrip!! Mga may saltik yata lahat ng bagong tao na nakilala ko ngayon ah!! Kung hindi ako sasampalin, kakaladkarin o mas worst ba-bastusin!!! AH!! Salot talaga!!!
Pagkatapos kong sapakin si Takeru, umalis kaagad ako… ayoko rin namang pag-piyestahan ako ng mga siraulong mayayaman na ‘yon… anong akala nila saken? Porket ba mahirap ako, talo-talo na lang?! at isa pa, hindi naman ako mahirap! May-kaya kame!!!! Naiinis talaga ako… hindi ko na tuloy naisip kung saan pa ko dadaan, basta lumusot na lang ako kung saan maluwag… pinagtutulak ko na lang yung mga nakaharang sa sobrang inis ko. Pagkalampas ko sa dagat ng tao, nag-hanap kaagad ako ng tahimik na parte ng lugar… naiiyak kase ako kapag hindi ko nailalabas yung galit ko… alam mo ‘yon? Yung tipong pinipigilan mo… nakakita ako ng isang malaking puno at feeling ko kapag nagtago ako sa likod ‘non walang makakakita saken, kaya naman ‘yon yung ginawa ko… pumuwesto ako ng komportable at naupo… pinilit kong pigilan yung mga iyak ko, pero hindi keri ng powers ko… naiiyak talaga ako… kapag naaalala kong napahiya na ko, nabastos pa…
Bad idea, Alena… dapat pala talaga nanahimik na lang ako sa bahay… e ‘di sana hindi na umabot sa ganito, eh kasi naman… akala ko iba yung piskat na singkit na ‘yon! Ah!! Lesson learned! Alena! Lesson Learned!!!
Pinapunasan ko ang mga pisngi ko dahil ayaw talaga tumigil ng mga mata ko sa pag-iyak… grabe!
“There you are…”
“AHH!” Nagulat ako kay Timothy… kala ko pa naman walang makakakita saken dito… “Pabayaan mo muna ako pwede.” Ayoko talaga muna siyang makita o kahit na kanino sa kanila.
Para pang hindi niya narinig ang sinabi ko at naupo pa sa tabi ko.
“Umalis ka sabi ‘eh!.” Pagtatabuyan ko.
“No… and besides, we own this place.” Ah! Ganunan pala!
“Sorry ah!! Sige… ako na lang po ang aalis at inyo pala ‘to.” Tumayo ako at nagpagpag pero bago pa lang ako makapag-lakad hinila niya ako para maupo.
“What I’m saying is… we own this place, so you can sit and stay as much as you like.” Isang mainit na ngiti na sinundan niya.
Hindi ko tuloy mapigilang humikbi.
“Hey, hey… stop crying.”
“Siguro iniisip mo na… ang tapang-tapang ko kanina tapos ngayon ito, para akong batang inagawan ng candy kung umiyak.” Sa totoo lang ngayon lang ako umiyak sa harap ng ibang tao. Madalas kasi kapag nafe-feel ko na naiiyak na ko… uuwi kagad ako sa bahay at ‘don ako ngangawa.
“Of course not… but I really think you’re tough… and besides you’re a girl, a human being so it’s natural for you to cry if you get hurt.” Nakatingin lang ako sa kanya habang umiiyak ako. Napakalma niya ako sa sinabi niya. “See… it already stop. Now smile.” Tinulak ko siya ng mahina.
“Sira.”
“What?”
“Siguro playboy ka… ang galling-galing mo kasing mag-sabi ng mga sweet lines.”
“What? Me? I don’t think so.”
“Playboy ka… aminin mo na kase.” Napunta tuloy sa biruan ang usapan naming.
“No I’m not… I only had one girlfriend.” Natulala ako sa sinabi niya. One? Sa gwapo niyang ‘yan! Isa lang ang naging girlfriend niya?!
“Utut mo! Sinong lolokohin mo? Ako?” Parang namang maniniwala ako sa kaniya.
BINABASA MO ANG