Chapter 16 (Continuation): Youth Summit (Part 2)

2.4K 48 4
                                        

CHAPTER 17

Author's Note:

okay!! this is the continuation na ni-promise ko!!! please bare with my slow internet connection...huhuhuhuhu...

I just reached 12000+ reads! thank you so much guys! (flicker tears)

CHAPTER 16 (CONTINUATION): YOUTH SUMMIT (PART 2)

ADRIAN POV:

Kinakabahan naman ako…

“Sa round na ito, pipili lamang kayo ng isang representative kada grupo. At siya lamang ang maaring sumagot sa lahat ng mga tanong, pero maaari siyang tulungan ng kanyang mga ka-grupo ngunit limitado lamang ito hanggang tatlo at kapag naubos iyon ay hindi na sya maaaring humingi ng tulong kaya use it wisely. Ang first round ay binubuo ng 70 questions, ngunit upang maka-usad ang bawat team sa second round ay kailangan makakuha sila ng hindi bababa sa 10 points. Am I understood?” Paliwanag sa amin ng isa sa mga proctor.

“None.” Sabay-sabay na sabi ng lahat.

“Ang ibig sabihin sa 25 na schools na nandito ngayon, pito na lang ang matitira.” Sabi ni Alena habang nakahawak sa baba niya.

“Okay, now choose your representatives.” Utos nito sa lahat. Isa-isang nagtinginan sa bawat isa

.

“Ako na.” Volunteer ni Alena. Well medyo inexpect ko yun.

“Sigurado ka ba?” Tanong ko naman.

Hinawakan ni Pam ang braso ko. “Hindi magandang pagdudahan mo ang team-mate mo.” Sambit nito sa akin.

“Hindi naman sa ganon. Pero nag-aalala lang ako, tatlong beses lang tayo pwedeng sumagot… paano kapag hindi tayo umabot.” Kabadong sabi ko.

“Ano ka ba… ang dami na nga ng tatlo eh… baka nga ma-perfect pa natin ‘yon or worst, baka nga hindi na tayo kailanganin ni Alena. Kaya naman manuod na lang tayo at mag-tiwala kay Alena.” Confident na sabi ni Pam.

Okay, kung sabagay may point sya ‘don…

“Mukhang lahat nakapili na… ahhh… what is this? Special Contender natin na St. Nicolas ay sinelyuhan na ang kanilang pag-pasok sa second round.” And as expected kilala talaga si Alena. Pagka-sabi niya ‘non ay nabaling ang tingin sa amin ng mga contestants…

“Ah, wala talaga siyang patawad.”

“This gonna be nice…”

Narinig kong react… napangisi tuloy ako, ang laking tinik pala namin sa mga lalamunan nila.

“Any words of encouragement Ms. Cademar?” Tanong kay Alena ng Proctor.

Tumuntong naman si Alena sa Podium.

“Let’s all give our best.” Five meaningful words ang pinakawalan nito at para bang nawala ang mabigat na aura ng competition sa loob at napangiti ang lahat sa sinabi niya.

Hindi ko rin naiwasang mapatingin sa St. Monique, si Jane ang napili nila… napansin ko rin ang titig nito kay Alena… Kakainin ba niya ng buhay si Alena?

“Now let’s all start… bilis nang kamay at utak ang mamamayani para sa round na ‘to. For the first question…” Nakakainis ‘tong proctor na ‘to… nagawa pa niyang huminto, masyadong pa-suspense.

“What does a philographist collect?” Nakakabingi pala ang buzzer kapag halos sabay napindot.

“St. Nicolas!” Tawag nito sa school namin upang iparating na nauna kaming pumindot sa buzzer.

Mr. Heartthrob VS. Ms. Nerd (Private school vs. Public School) o.n.g.o.i.ngTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon