Chapter 5: MS. NERD ( FORGIVENESS)

4.2K 55 3
                                        

Pagkatapos ng nangyari sa arcade, buong akala ko talaga hindi na kame magkikita ni Mr. GM.

(Earlier after the arcade incident)

“SINONG GAGO ‘YON?” Galit na sigaw ni ate kay Sherry. Nakikita ko ang takot sa mga mata ni Sherry… duh! Eh kung ako nga takot ako kay ate ibang tao pa kaya?

“Ate… wag mo namang sigawan si Sherry, hindi naman niya kasalanan.” Pang-aalo ko kay ate. Pero ang totoo naaawa lang ako talaga kay Sherry. Nakikinig lang naman si nanay, pero baka sa bahay kame mag-tuos.

“Isa ka pa!!! ang linaw-linaw ng usapan naten… ‘alas-nuwebe dapat nasa bahay ka na! Alam bo bang muntik nang atakihin si nanay? At pati ako… kahit wala akong saket, magkaka-highblood ako dahil sa sobrang tapang mo!” Wala akong karapatang mag-salita, kaya naman hinahayaan ko lang si ateng mag-daldal… may point din naman siya, mukhang napasobra yata yung sinabi ko… bibig mo talaga Ale! Kahit kelan talaga… napatigil bigla si ate nang may nag-salita, nang tumingin ako sa pinto nakita ko yung isa sa mga kasama ni Mr. GM, yung mukhang Japanese.

“Uhm… excuse me po… “ Magalang na sabat nito.

“Sino ka naman?” Tanong ni ate na naka-taas pa ang mga kilay nito.

“Ano… ate… siya po yung nagdala kay Lena dito sa ospital.” Sabat ni sherry.

Huh? Siya?

“Okay, sige… thank you, pero sino ka nga?’’ Tanong ulet ni ate.

“Uhm… Takeru Himitsu.”Japanese nga siya… Sabay abot ng kanang kamay nito para sa handshake, inabot naman ito ni ate. “Kaibigan po ako nung lalakeng…” Hindi na niya naituloy yung sasabihin niya pero hindi naman kame ganong Katanga para hindi iyo maintindihan.

“Kaibigan ka pala ‘ha? Kung ganon, siguradong may no. ka niya… hala sige, tawagan mo ngayon ang magaling mong kaibigan at kakausapin ko.” May pagbabanta sa tono ni ate,nagdadalawang isip na kinuha nito ang cellphone at dahan-dahang nag-scroll down. Buti na lang si Nanay kalmado napansin niya na parang nahihirapan ito sa pinagagawa ni ate.

“Tama na ‘yan iho…” Hinawakan ni Nana yang cellphone nito at dahan-dahang binaba.

“Nay?! Ano bang ginagawa nyo?” Galit na tanong ni ate.

“Alicia…” Binigyan ni Nanay nang masama pero makahulugang tingin si ate. Yung mga gaong tingin ni Nanay natatahimik talaga kame, dahil ibig sabihin ‘non galit siya pero pinipigil lang niya.

“Bahala nga kayo!” Damog ni ate at lumabas. Hai… salamat mapapahinga na rin ang tenga ko, na-bingi na yata ako.

“Iho… pwede mo bang kausapin para sa amin yung mga parents ng kaibigan mo?” Malumanay na tanong ni Nanay.

“Sige po.” Magalang na sagot nito.

“Mukhang nagaalala ka para sa kaibigan mo, at isa pa mga bat pa kayo… wala pa kayo sa hustong gulang para masangkot sa mga ganitong klaseng gulo.” Paliwanag ni Nanay.

“Pasensya na po talaga.” Humingi ito ng tawad.

Umiling si Nanay. “Hindi naman, ikaw ang nakasakit sa anak ko… kaya hindi ka dapat humingi ng pasensya, nagpapasalamat pa nga ako sayo dahil tinulungan mo ang anak ko. Alam mo sa totoo lang siguro mga 11 years na ‘kong hindi nakaka-tungtong sa kahit na anong ospital o clinic, yung huli yun sinugod sa ospital ang tatay niya… pero hindi na namen siya naabutang buhay, kaya nang nalaman kong nasa ospital ‘tong batang to… natakot talaga ako, kaya salamat ha.” Naiyak ako sa sinabi ni Nanay… para ngang natatandaan ko ‘yon grabe yung iyak nila ni ate samantalang ako…nakatingin lang ako ‘non kay tatay, kase akala ko natutulog lang siya, lagi kasi siyang pagod galling trabaho kaya madalas nakikita ko siya tulog na.

Mr. Heartthrob VS. Ms. Nerd (Private school vs. Public School) o.n.g.o.i.ngTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon