CHAPTER 12: Ms. Nerd/Adrian Valderama (Trials, Secrets & old Friend)

4.1K 42 3
                                        

 CHAPTER 12

        A/N: Character mistake: Sa chapter 1, 9 and 11 lahat nang Ian's part 'don ay papalitan ko na nang Adrian... dapat talaga Adrian 'yon but laging naiisip ko kapag nagta-type ako ay Ian... sorry for the stupid mistake.... thanks for consideration.        

Okay, so far ito na ang pinaka-mahabang chapter… sinadya ko talagang pahabain dahil may pasok na ko sa Monday, kaya naman mas matatagalan akong mag-update nito. But! (There’s always a but) pipilitin kong mag-update kada two weeks… happy? And I promise na marami pang twist and shocking revelation ang matutunghayan ninyo… excited? Ako din!! :D

>>>Anyways, Thanks so much for supporting this story! Ang dami ko nang nababasa na mga positive comments!! Really, thank you so much guys!!! Sana maging kaibigan ko kayong lahat!!! Thanks again!!!

Alena POV:

                 Haaaa…. Buti na lang pala, kayla Timothy ako nag-collapsed at hindi sa kalsada, dahil kung sa kalye? Naku!! Baka kung saan ako pulutin nito. Pinilit kong matulog para makapag-pahinga ako, at sa tingin ko naman ng succeed ako… pero hindi pa man ‘ganon kalalim ang tulog ko may biglang kumatok sa pinto.

“Baket?” Tanong ko habang naka-pikit ang mga mata. Gusto ko na talagang mag-pahinga.

“Alena… may bisita.” Boses ni ate.

Napabalikwas ako sa higaan ko.

Naku?! Baka si Timothy???

Nag-aalala ako sa naisip ko pero at the same time nag-taka na rin dahil parang cool lang naman ang tono ng boses ni ate nung sinabi niya na may bisita ako. Hinanap ko agad yung tsinelas ko na pambahay at agarang isinuot, sumulyap pa ko ng konti sa salamin para tingnan kung okay lang ba ang hitsura ko… nagmadali agad akong bumaba ng hagdan, sumilip muna ako bago tuluyang bumaba… tinitingnan niya yung mga certificate at trophies namin na naka-display sa sala… at nag-palit pa talaga siya ng damit ah… kanina kase naka-white t-shirt siya tapos ngayon naka-blue long sleeve na… pumorma pa ang loko. Nagtago muna ako at inayos nang konti ang sarili ko, pagpag ng konti ng damit, punas ng pawis at tsaka ako bumaba.

Hindi pa niya napansin na bumaba ako dahil naka-talikod siya, napa-ngiti ako dahil ‘don at naisipan ko siyang gulatin.

“Hoy!! Bakit nandito ka na naman?!” Pa-sigaw na sabi ko. Wala naming ibang tao sa sala maliban samen, wala pa rin kasi si Nanay at si Ate malamang nasa-kwarto ‘yon at nag-aaral. “Buti hindi ka sinigawan ni ate… akala ko kasi galit na galit say-“ Napalunok ako nang lumingon siya.

Takeru?

Ngumiti ito. “Sorry, are you expecting someone?”

Awkward………………………………

Napa-ngiwi ako bago nag-salita. Nakakahiya. “ Sorry, kala ko kasi si Ti-“ Na-isip ko bigla na wag na lang ituloy ang sasabihin ko. “Bakit nga pala napa-dalaw ka?”

“Uhm…” Nag-gesture ito na kung pwede ba siya maupo.

“Oo naman… sige upo ka.” Naupo rin ako sa tapat na upuan.

“Well, let’s not waste time… I’m here to say… I’m sorry for what happened last time… I really am… I don’t know what’s got into me, but all I know that, what I did to you was really horrible… so I’m really sorry.” Naka-yuko ito habang nagsasalita kaya naman hindi ko Makita ng maayos ang mukha niya, pero sa tingin ko sincere naman siya sa pag-hingi niya ng sorry.

Huminga ako ng malalim at mga ilang minutong nanahamik.

“Okay, apology accepted.” Papilit ako na ngumiti, alam ko nag-mukha akong plastic.

Mr. Heartthrob VS. Ms. Nerd (Private school vs. Public School) o.n.g.o.i.ngTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon