CHAPTER 15
Alena POV:
"Timothy?" Tama ba ang nakita ko? Sinundan ko pa ng tingin yung lalaking nakita ko para lang makasigurado.
Si Timothy nga... pero paano? bakit nandito siya?
"Alena? Sinong hinahanap mo?" Pansin ni Adrian.
"Wa-wala naman... may namukhaan lang ako."
"Talaga? Sino dyan?" Habol na tanong nito.
"Yon oh, yung babaeng nasa unahan, sa kaliwa... taga-st. monique nakalaban ko siya sa ASEAN quiz bee." Paliwanag ko. Totoo naman yun sinabi ko... pero hindi ko nga lang kung bakit hindi ko masabi sa kanila ang tungkol kay Timothy... parang, natatakot ako na hindi ko mawari.
"Ahhh... wow..." Manghang tugon ni Adrian.
"Kaya nga dapat galingan natin dahil sa nakikita ko halos lahat ng nandito kung hindi ko natalo, natalo na sila ni Alena... malamang sa hindi prepared 'yang mga 'yan para sa revenge." Singit ni Pam. Napag-tanto ko lang 'yon ng iginala ko ang mata ko...
Shocks! Totoo nga halos lahat ng rep. dito nakalaban at natalo ko na... kaya pala parang ang creepy ng mga tingin nila saken...
"Paano yan alam na nila na nandito tayo... baka mamaya magkagulo... woooh.... basts girls, sa likod niyo lang ako ha... " Pabirong sabi ni Adrian.
"Sira alam na nga-" May bigla tuloy akong naalala...
Paano kung malaman ng school mo na ito ang trabaho mo? Wait! wag mong sabihin na... pero bakit kailangan pa niya itago saken na rep. pala siya ng school nila? Natatakot ba siya na malaman ng school nila ang tungkol sa pagtu-tutor ko sa kaniya? o vice versa?
"Hoy Alena!" Sabay hampas ni Adrian saken ng mahina. "Alam mo delikado, lagi kang natutulala..." Biro nito.
"Si-sira!"
"Ano? maglalandian na lang ba kayo diyan o pupunta na tayo sa room natin?" Singit ni Pam... Uy! selos siya! XP
"Tara."
"Sige." Muli kong nilingon si Timothy at napansin kong hindi pa rin siya mapakali... parang may hinahanap... siguro ako hinahanap nito....
TIMOTHY POV:
Habang nasa bus ako... hindi ako mapakali... dapat pala sinabi ko na kay Alena ang tungkol dito, baka mamaya niyan magka-gulatan pa kami kapag nag-kita kami 'don...
"Timothy, you know that I don't mind having you here but please don't be a burden to us." Maangas na sabi ni Jane.
Ngumisi lang ako. "Don't worry... I won't be a burden, unlike somebody here who lost in some quiz bee." Napatayo ito sa tugon ko at alam ko... galit siya.. as in she's so pissed at me.
"What did you say?!" Matapang na sigaw nito saken.
"Hey, Geeky-bitch... watch your tone, you don't know who you're messing with." Pagbabanta ko... at mukhang naman itong natakot dahil napa-upo na lang ito.
"That's right, just sit back and relax." Pahabol na asar ko. I heard her sneaker.
"Guys, stop it..." Saway samin ni Ms. Henz.
(After an hour...)
Huli na kong bumaba ng bus, kinakabahan kasi ako kung anong magiging reaksyon ni Alena kung sakaling mag-kita kami... well unfortunately, magkikita't-magkikita talaga kami sa ayaw ko man at sa gusto... Sinubukan ko ding igala ang mga mata ko at baka maswerteng ako ang unang maka-kita sa kaniya pero ni anino niya hindi ko pa nakikita...
"Are you looking for someone?" Tanong ng ni Ms. Henz.
"N-no..." Dumating na kaya sila?
Maya-maya pa, pumunta na kami sa reception area.
"St. Monique." Pakilala ni Ms. Henz.
"Please wait for a while." Tugon sa amin ng receptionist. Ilang sandali pa binigay na samin yung susi ng rooms.
"Let's go guys." Yaya ni Ms. Henz.
"Uhm, I need to go to comfort room. You guys, go ahead." Binabalak ko kasing magtanong sa receptionist kung dumating na yung St. Nicolas. Nag-panggap akong papuntang C.R at hinintay na maka-sakay sila ng Elevator.
"Uhm, miss..."
"Is there anything I could do, sir?"
"Uhm... dumating na ba yung St. Nicolas?"
"Please wait for a moment while we check our data."
"Okay, thanks."
After a minute...
"Sir, our data confirmed that they already check-in."
"Ah... I...I...see...thanks, sorry for the trouble."
Alam na kaya ni Alena? Kailangan ko siyang maka-usap bago mag-start ang elimination.
ADRIAN POV:
Dapat pala galingan ko ng todo, ayokong maging pabigat kayla Alena at kay Pam... at isa pa ayokong matawag na ketket o saling-pusa lang o mas worst ang matawag na pandagdag lang ako sa representatives ng school namin.
"Hoy! anong problema mo? bakit ikaw naman 'ata ang natutulala?" Tanong ni Ale.
"Wala, parang lang kasing... kinabahan ako bigla."
"Alam mo, hindi naman masama ang kabahan... mas okay nga yon kaysa naman sa super confident... mas masakit kasing tumanggap ng pagka-talo pag-ganon." Sabay ngiti nito.
"Salamat ah..."
"Oh? Para saan naman?"
"Pinalalakas mo ang loob ko."
"Ah?! nakatulong ba yon? pero sige kung ganon ang nangyari... you owe me one."
"Wag kang mag-alala, isang team tayo... sigurado akong parehas kami ng iniisip ni Pam, hindi namin pababayaan ang isa't-isa... walang laglagan..."
"Talaga? Si pam?" takang tanong ko.
"Ang sama mo naman... ganon lang naman si Pam saken pag nasa school pero kapag nakasama mo si Pam sa mga ganito... umasa ka, hindi ka niya iiwanan sa ere." Nakita ko ang assurance sa mukha ni Alena... totoo nga ang sinasabi niya...
"Sige... sabi mo eh..." Lumakas tuloy ang loob ko... dahil sa sinabi ni Ale, pakiramdam ko kaya naming kunin ang championship... hindi pala kami ang mag-uuwi ng championship...
(((((PEACE ON EARTH!!!)))))
>>Super sorry for the late update!!!! ang dami po kasing ginagawa sa school!!!
>>ano kayang mang-yayari sa pagtatagpong Alena and Timothy?
>>The battle of the century.. is OOOONNNNN!!!!!
BINABASA MO ANG
