Chapter 17: Youth Summit (Part 3)
Adrian P.O.V
Nasan na ba ‘tong si Alena… kanina pa ko nagpapaikot-ikot dito ahh…
Pinababa kasi ako ni Pam at inutusang hanapin si Alena, gusto kasing pag-planuhan ni Pam ang mga gagawin namin for next week… hindi naman kasi pwedeng si Alena na naman ang lumaban para sa 2nd round baka naman kung ano nang isipin ng mga kapwa namin representatives sa amin.
“Uhm, excuse me… may napansin po ba kayong babaeng dumaan dito… medyo ganito po yung height, tapos maiksi ang buhok at maputi.” Tanong ko sa Janitor na nasa Garden.
“Ahh, para ngang may nakita ako kanina… nandun ko siya nakita malapit sa fountain.” Turo naman nito sa akin.
“Ahh, sige po… salamat po." Nang malapit na ko sa fountain ay nakita ko na si Alena.
“Alena…” Tawag ko sa kaniya.
Mukha pa siyang nagulat sa tawag ko dahil naka-yuko siya nang makita ko.
“Oh? Drian, bakit?”
“Hinahanap ka ni Pam at ako na rin dahil kanina ka po nawawala Ms. Walang Patawad.” Sabay kindat ko dito.
Napangiwi ito sa tawag ko.
“Huh? Anong walang patawad?” Nag-taka pa talaga siya.
“Wala, saken na lang ‘yon.” Sabay akbay ko dito.
“Ano nga kase ‘yon?” Ulit na tanong nito, halatang gusto talaga niyang malaman ahh.
“Wala nga sabe ‘yon ang kulit mo talaga.” Kurot ko sa pisngi niya.
“Aray! Siraulo! Ang saket…” Napa-upo ito habang hinihimas yung pisngi niya. Napa-lakas ‘ata yung kurot ko.
Napatawa ako nang bahagya.
“Masa-“ Tatanungin ko sana siya kung masakit ba masyado yung kurot ko pero napahinto ako nang may biglang lumabas mula sa Garden at tinawag si Alena.
“Alena? Oh!” Napa-takbo agad ito papunta kay Ale. “What the hell happened?” English na tanong nang lalaki.
“Hindi, wala ‘to.” Sagot naman ni Alena ngunit hinihimas pa rin niya ang pisngi niya.
Parang natatandaan ko siya…
“Come on, let me help you up.” Insist nito at tinulungang tumayo si Alena.
Ako naman na si parang tanga nakatingin lang sa kanila.
“Hoy Adrian!” Tawag ni Alena.
“A-ano ‘yon?”
“Adrian si Timothy nga pala, Timothy si Adrian.” Pagpapakilala nito sa lalaking bigla na lang dumating.
“Nice to meet you.” Sabay abot nang kamay nito para sa shakehands.
“Ako din naman.”
Pagkatapos naming mag-shakehands lumingon muli ito kay Alena.
“Now, mind if you tell what happened?” Tanong nito.
“Ahh, wala lang ‘yon… napagkatuwaan lang ni Drian yung pisngi ko.” Sagot naman nito sa kaniya.
“Ahh… so you’re that close?” Hindi ko alam kung ako lang ba o parang may laman yung tanong niya.
“Oo naman, classmate ko siya, parehas kaming representative ng school, at kababata ko siya.” Explained naman ni Alena.
“I see… childhood friends huh?” Pagkasabi niya ‘non ay tumingin siya saken ng makahulugan pero saglit na saglit lang.
BINABASA MO ANG
