Author's note:
-->>>>sorry for the sudden interruption, may dinagdag po akong little details sa dulo ng chapter 6.
->>>> hindi ko pala na-isave ng maayos :P sorry po talaga! konti lang naman po ang dinagdag ko kaya keri lang basahin ng mabilisan. Thanks for understanding! XD
Mag-iisang linggo na ring hindi pumapasok yung teacher ko sa tutorial class, busy daw ‘eh? Kung sabagay sa unang tingin naman talaga siya yung tipo ng taong laging present sa mga school activities. Hai… nakakatamad tuloy, wala na kasi akong magawa sa bahay. Pag-uwi ko kakain ng snack, laro ng video games, higa nang konti, idlip at kung may assignment gagawin… hindi ko maisip kung kalian pa ko na-bored ng ganito.
“Uy, pupunta ba kayo mamaya sa AVR (Audio Visual Room)?” Narinig kong tanong ng isa naming classmate.
“Ah!oo nga pala no! ngayon nga pala yung quiz bee no? Sino bang kalaban ng school naten?” Tanong naman ng isa.
“Ang alam ko taga-public school.” Sagot naman nito.
Public school? Alam ko taga-public school si Ms. Cademar.
“Ano ngang school?” Tanong nito ulit.
“Wait… hindi pwedeng mag-isip? Uhmm…. St. Nicolas ‘ata. Oo tama, taga-st. Nicolas nga… yun kase yung narinig ko ‘kayla Jane.”
“Si Jane ba lalaban? St. Nicolas… St. Nicolas….” Paulit-ulit nitong sabi na tila ba nag-iisip. “Kung taga-St. Nicolas, baka si Alena Cademar yung kalaban niya.”
Muntik na kong mahulog sa upuan ko nang marinig ko ang pangalan niya.
“Sandali lang, did you just say Cademar?” Singit na tanong ko.
“Oo, Alena Cademar ang alam kong whole name niya.”
Alena Cademar?
“4th year din ba siya?” Don’t keep your hopes up Evo, baka ibang Cademar yung sinasabi nila.
“Oo. Ka-batch natin siya eh.”
4th year?
“Paano mo naman nalaman?” Takang tanong ko.
“Hello, nakalaban ko kaya siya sa investigatory project regional level. And besides sikat ang babaeng ‘yon lalo na sa mga private schools like us. Dahil sa mga nauuwing niyang championship, nakukumpara tuloy tayo sa mga public school especially sa school niya na mas mababa daw ang educational quality natin compared to them. Pero sa tingin ko, deserves niya ‘yon magaling kasi talaga siya ang balita ko pa nga pinag-aagawan siya ngayon ng mga magagandang colleges. Teka, kilala mo ba siya?” Paliwanag nito sa akin.
“A-ah… wala, parang lang kasing same surname sila ng Tutor ko.” Sagot ko.
“What?! Tutor mo si Alena Cademar??Really? Mag-kano bayad sa kaniya?tell me?! Kukunin ko din siya.” Bulalas nito sa akin.
“Ha-ha, hindi ka-apelyido lang naman niya. Parang hindi naman siya ‘yon.” Pilit na tawa ko.
No way! Wala na nga siyang time for me, ibibigay ko pa siya sayo.
“Ano ba ‘yan, sayang.” Maktol nito.
Ganon pala siya ka-sikat? Bakit naman kasi hindi niya sa akin sinasabi yung mga ganong bagay? Inis na sabi ko sa sarili ko. Pumunta kaya ako sa AVR?
(Audio Visual Room…)
Ano ba ‘yan?! Ang dami namang tao para sa lang quiz bee. Naramdaman kong may biglang tumapik sa akin.
BINABASA MO ANG
