Chapter 8: Mr. Heartthrob (Happy Moments)

4.1K 55 2
                                    

CHAPTER 8

Author’s note:

->>>> okay… siguro napansin niyo na, na nasa unahan na lagi yung mga Personal Message ko kada chapter, may nag-suggest lang po kasi. Anyways, alam ko binitin ko kayo sa nangyari sa quiz bee… but it’s all part of my style, pa-suspense ba… XD

->>>>Pipilitin ko talagang tapusin or kung hindi man kahit papano mapahaba pa ang Mr. Heartthrob vs. Ms. Nerd habang bakasyon, meaning habang hindi pa ko busy so enjoy the Chapter 8!!!

 

 

 

                      Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman…  pero alam ko sa sarili ko natulala talaga ako, alam ko nagpahaging ako kay Fritz na tama lang ang ilagay sa kanya na make-up… hindi ko naman sinasabing makapal o pangit sa kanya… Wow… she has a hidden beauty…

“Isn’t she gorgeous?” Puri ni Fritzee sa sariling niyang trabaho at mukhang proud na proud siya dito.  “So magtititigan na lang ba tayo dito? Let’s go! Time is gold!.”

Inabot ko ang kamay ko, mukhang nagka-second thoughts pa siya pero tinanggap din naman niya. Sumama samin si Fritz dahil gusto din daw niya ng adventure and  sabi pa niya para daw secret agent si Alena na eexcite pa siya. Binitawan ko na ang kamay niya nang nakalabas kami… walang tao sa corridors dahil tumunog na ang bell at nagsi-pasok na sila sa mga respective classes nila, advantage namin ‘yon dahil hindi na kami mahihirapan mag-tago.

“So Ms. Idol… our first stop is the swimming pool na pang-olympic size.”  Masayang sabi ni Fritz na para bang tour guide siya.

“ Di nga?...Sandali nga lang wala ba kayong mga klase? O sadyang hindi talaga kayo pumasok para lang dito.” Tanong ni Alena.

“Partly no, partly yes…” Sagot ko.

“Anong partly no, partly yes?” Balik na tanong nito.

Sumabat naman si Fritz. “What Evo is trying to say partly no, dahil kung kami lang ang masusunod pwede namang hindi na kami pumasok sa school we have our own private tutors… partly yes, dahil naka-enroll pa rin kami as student here… so one of the basic rule is to go to school regularly, right?”

“Okay… kayo na mayaman. Pero kung private tutors, bakit parang wala namang nababanggit si Mr. Sy yung tatay mo…” Sabay hampas sa dibdib ko ng mahina. “na may pinalitan akong tutor nang pumasok ako sa inyo.”

OH ohhhh… hindi ko pa pala sinasabi sa barkada na tutor ko si Alena.

“Are you what?!” Fritzee seems shocked.

“Tutor niya…”Sagot naman ni Alena.

“Seriously?!!” Takang tanong ni Fritz.

“Oo… hindi mo ba nagbanggit sa kanila Timothy?” Sagot ni Alena at lingon saken.

*Face Palm* well actually wala sana talaga akong balak sabihin sa kanila dahil I have a feeling na magwo-work up ang barkada over this and besides ayoko din namang maging tampulan ng tukso ng mga siraulo kong mga kaibigan.

Magsasalita na sana ako ng inunahan ako ni Fritz.

“Baka naman nakalimutan lang sabihin samen ni Evo… right Evo?” She gave a death glare. Parang sinasabi niya saken humanda ka saken mamaya… siguro wala ka talagang balak sabihin sa amin ang tungkol sa bagay na ‘to no?’ Pinagpawisan tuloy ako ng malamig… sa lahat ng mga friend ko si Fritz ang ayokong-ayokong ginagalit ko o kahit na sino samin… kase pag siya nagalit hindi ka niya titigilan hanggang hindi ka nai-injured.

Mr. Heartthrob VS. Ms. Nerd (Private school vs. Public School) o.n.g.o.i.ngTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon