Chapter 19: 100th Girlfriend (Special Chapter)

2.1K 44 10
                                        

CHAPTER 19: Operation: 100th girlfriend (Special Chapter)

A/N:

Another Love story is on the process!!!!!

Pam P.O.V

“Oh, Pam? San ka naman galing? Umalis na sila Maam at yung iba nating mga classmates… kanina ka pa naman hinahanap eh…” Sabi ni Alena nang makita niya ako sa corridor.

“Ahhh… nasa nagpahangin lang ako.”

“Sige, punta muna ako sa cafeteria, kukuha lang ako nang makakain natin.” Paalam nito. “May gusto ka ba?”

“Bahala ka na, kung ano na lang din yung kakainin niyo…”

“Sige… ah Pam?”

“Uhm?”

“Okay ka lang naman di ba?”

“Oo naman.” Sagot ko.

“Sige.”

Masyado na bang halata ang pagiging loner ko? :D

Habang naglalakad ako napansin kong may mga taga-Brelades Academy akong makakasalubong… tatlong lalaki ang representative nila hindi ganoon ka-powerful ang mga students nila but since naka-abot sila hanggang sa 3rd round siguro nga may ibubuga sila.

“Ahhh… look what we have here… Ms. Pamela Marquez, am I right?” Harang sa akin ng tatlong lalaki.

Tinitigan ko lang sila nang masama.

“Excuse me.” Sabi ko habang iniiwasan na magkaroon pa nang conversation sa mga anak mayayaman na ‘yon.

“Oh wait… we’re still talking.” Harang pa rin nila sa akin.

Mukhang hindi ko gusto ang mga aura nila.

“Guys, lahat tayo pagod kanina… kaya naman sobrang maa-appreciate ko kung tatabi kayo para padaanin ako.” Sambit ko at nagtangkang dumaan pero hinawakan niya nang mahigpit ang braso ko.

“I said we’re not done talking to you!” Galit na bulalas nito.

Sh*t! Ang malas ko… mukha ‘atang mapapahamak ako…

“Hey dude, stop it.” Pigil sa kaniya ng isa niyang kasama.

“Why? Ang babaeng ito at ang school niya ay pinag-mukha tayong tanga sa lahat kanina.”

Sabi ko na nga tungkol dito ‘yon eh…

“Sandali nga lang!” Piglas ko dito at nakabitaw siya.

“Hindi ko kasalanan kung ganyan ang tingin mo. At isa pa, pare-parehas tayong nakapasok sa 3rd round, kaya anong kinakagalit mo dyan?” Inis na paliwanag ko.

“Huh? You sure have some guts… hindi niyo ba napapansin na you guys don’t belong here… sa mga mata namin, you’re all scavenger trying so desperately to be in the top of the world.” Pang-iinsulto nito. Tumawa ang isa niyang kasama.

Napangisi lang ako.

“Alam mo, thanks for calling us scavenger… pero sa tingin ko lahat ng kalokohan na ‘to ay galing lang sa walang kwenta at nabubulok na ego mo…”

“What?!”

“Hindi mo lang kasi matanggap na ang mga tinatawag niyong scavenger ang nagbibigay ng kahihiyan sa inyo at sa napaka-gara niyong mga schools… at isa pa, mas gugustuhin ko pang maging scavenger kaysa naman sa anak mayaman nga wala namang mga ibubuga.” Confident na sabi ko.

“Yo-“ Sasampalin niya sana ako pero may pumigil sa kaniya.

“I wouldn’t do that if I were you.” Napalingon kaming lahat sa boses at may hawak siyang cellphone na pinakita niyang naka-video ang mga nangyari.

Siya na naman?

“And who are you?” Mabilis na tanong nito kay weird.

“Dude, he’s from St. Monique.” Bulong nang isang kasamahan niya.

“Now, get lost or do you want to be disqualified?” Banta ni Weird sa kanila…

Ay! Wait ano nga ulit name niya? James ‘ata…

“Damn, let’s go.” Sabay alis ng mga ito.

*Sighed*” You know what, may naaalala ako sayo na kaugaling-ugali mo.” Sabi nito sa akin.

Ako naman ay nagpatuloy sa paglalakad.

“Hey wait! I think I deserved a thank you?” Sambit nito.

“Hindi ko hiniling natulungan mo ko, kaya wala akong obligasyon na mag-thank you sayo.”

“I just save your ass earlier at ikaw pang ayaw? Eh kung hindi nga ako dumating nabugbog ka na nang mga ‘yon.” Explained nito.

“Problema mo ba ‘yon? At isa pa kung sakaling ganon man ang mangyari, okay lang dahil may mga ebidensya ako na pwedeng mag-disqualified sila or worst ma-ban ang school nila… ikaw nga ‘tong nakasira sa mga plano ko.”

“Ah, so ako pa ngayon ang may kasalanan?”

“Ikaw ang nagsabi niyan, hindi ako.”

James P.O.V

“Ah, so ako pa ngayon ang may kasalanan?” Grabe naman ‘tong babae na ‘to siya lang ‘ata ang galit pa dahil pinagtanggol mo siya.

“Ikaw ang nagsabi niyan, hindi ako.” Dugtong nito.

“Fine! Don’t worry there will be no next time.” Inis na sambit ko at umalis.

Siya pa ang galit? Pero hindi… nakaka-challenge nga eh… tignan ko lang kung hanggan saan ang pagiging matigas mo kapag niligawan ka na nang isang James Monterial….

“James, where have you been? And what’s with that stupid grin?” Tanong ni Evo.

“Nah, it’s nothing… I just met a very interesting woman earlier… and I’ve decided she’s gonna be my 100th girlfriend.”

“Aha… and who is this unlucky girl?”

“You’ll know in time… in time…”

Pamela Marquez… you will be my girlfriend sa ayaw mo at sa gusto…

Autho'rs Note:

Sneek peak lang nang love story nila Pam and James…

Sa tingin niyo kaya magtatagumpay siya sa mga plano niya?

Paano naman si Pam? Mahuhulog kaya siya sa patibong ni James?

ABANGANNNNNNNNNNNNNNNNNNN!!!!!!!!!!!!!!!!

Mr. Heartthrob VS. Ms. Nerd (Private school vs. Public School) o.n.g.o.i.ngTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon