.
Chapter Seven
"BAKIT BA napakahirap niyang ispelingin?" labas ang lahat ng ugat ni Yuna sa leeg sa sobrang
galit at nanggigigil na kinagat sa kalahati ang turon na merienda nila ng kaibigang si Jenny. Naroon
siya ngayon sa kusina ng bahay nito at naglalabas ng sama ng loob.
Pagdating sa problema ay si Jenny ang nakasanayan niyang takbuhan dahil ito ang mas
nakakatulong sa kanya. Kapag kina Miranda siya tutungo ay wala siyang mapapala dahil sa kapilyahan
nito. Kung kay Betty naman ay puro simpatiya lang ang matatanggap niya. Paano, pusong mamon.
"I mean, pwede naman niyang ipaliwanag sa akin ng malinaw ang problema!" patuloy ni Yuna
sabay tungga sa baso ng softdrinks sabay subo sa natitirang bahagi ng turon upang makakuha ng
panibago.
"Dahan-dahan lang. Baka mabulunan ka," saway ni Jenny sa kaibigan. Nawalan na siya ng ganang
kumain sa ginagawang walang tigil na pagsubo ni Yuna. Tila ang turon ang pinagbabalingan nito ng
problema na kagagawan ni Benjamin.
"I mean, what's with... 'Bakit hindi mo tanungin ang ideal guy mong si Bryan Perez?" pilit
ginagaya ni Yuna ang hitsura ni Benjamin. Hindi niya namamalayan na malapit na niyang maubos ang
pagkain, pati na ang parte na sana ay para kay Jenny. "Ikaw Jen, anong iisipin mo kapag ikaw ang
makarinig noon?" tanong niya at inubos ang laman ng baso. "Can I get more?"
"Sure." inabot ni Jenny ang baso, tumungo sa refrigerator at muling nilagyan ng cola ang baso
niya.
"You know Yuna, baka naman nagseselos siya," ani Jenny. Inilapag ang dala sa harap niya.
"Ganon? At bakit naman siya nagseselos?"
"Kasi nga may crush ka kay Sir Perez noon pa mang first year tayo. Panay nga ang tungo mo sa
teacher's office kahit na hindi naman kailangan para lang makausap mo siya."
"Pero paano naman 'yon malalaman ni Benjamin?"
"Think about it," mahinahong wika ni Jenny. "Pumunta ka lang ng C.R, pagbalik mo ay sira na
mood niya. At sino ang kasama at malamang na nakausap niya? Si Mr. Perez," sagot nito sa sariling
katanungan at nagpatuloy. "What if, nabanggit sa kanya ni Mr. Perez na dati kang may crush sa kanya,
kaya hayun nagselos 'yang fiancé mo."
"Bakit naman gagawin iyon ni Sir? Saka bakit magseselos si Benjamin?"
Napabuntong-hininga si Jenny sa kahinaan ng kaibigan. Parang gusto na niya itong sampalin at
baka sakaling mas tumalas ang pakikiramdam.
Matalino si Yuna sa klase, top student sa kursong kinukuha, kaya nga hindi niya mapigilang
hangaan ito. Pero pagdating sa lalaki, daig pa nito sa kapurulan ang isang itak na hindi nahasa ng
maraming taon.
"Yuna, dito ka na lang matulog, linggo naman bukas at walang pasok," ani Jenny na wala nang
BINABASA MO ANG
Romantic Love Stories
RomanceRomantic Love Stories 1. Ang Revenge ni Miss Panget 2. That Handsome Devil 3. Love At First Spark 4. When a Tomboy turns to a Pretty Girl