Chapter 15

20 1 0
                                    

Chapter 15: Sorry

Shanniah's POV

Umuulan ngayon. Kasabay nun ang pagpatak ng luha ko.

Tila nakikisunod ang panahon sakin.

Gusto ko sanang samahan ng pagpapatugtog ng musika ang aking sentimiyento gaya ng nakaugalian ko.

Nga lang, masyado akong nadala sa pangungutya ni Heidi.

Binabalewala ko lang dati kahit anong pang-asar ng mga kaibigan ko noon dahil sa kawalan ng talent ko pagdating sa pagkanta.

"Pambihira. Panira talaga ng trip ang retokadang yun!"himutok ko sa sarili.

"Isa pa ang Nykuz na iyon. Ang sabi, gusting mawala sa buhay ang ex-fiancé niya. Tapos ngayong may pagkakataon, siya namang aamuin ito."

Nangalumbabang pinagmasdan ko ang panaka-nakang patak ng ulan. Tumitila na yun. Ngunit ang aking sama ng loob ay nanatili.

"Bakit ganoon?"mahinag kausap ko sa sarili.

"Kaakibat ba talaga ng pag-ibig ang pagkabigo. Hindi ba pwedeng love and happiness na lang."napabuntong hininga ako.

Nagmumuni-muni ako nang may kumatok.

Malakas at sunud-sunod na katok. Si Nykuz yun.

Wala namang ibang kumakatok ng ganoon sa aking pansamantalang silidd maliban sa kaniya.

Pilit niyang pinipihit yung door knob pero nilock ko yun kanina. Inaasahan ko ng papasukin niya ako dito ng walang pahintulot.

"Shanniah open the door! Mag-uusap tayo."sigaw ni Nykuz sa labas.

"Walang tao! Natutulog!"paasik na tugon ko.

Humiga ako sa kama at tinakpan ko ng unan ang aking magkabilang tainga.

Hangga't maaari ayaw ko munang marinig ang boses niya.

I heard him murmur words. Dumaan lang yun sa pandinig ko.

Ilang minute na ang lumipas ng maramdaman kong huminto na ang ingay sa labas.

Tinanggal ko ang unan at nakiramdam. Nykuz is gone.

Kinagat ko ang lower lip ko. Nagbabadya na naman kasi na pumatak yung luha ko.

Why do I have to feel this way?

*CRAAAAAAAAAAAAAAASSSSSSSSSSSSSSSSHHHHHHHHHHHHH*

"Ay panty ng kabayo ka!"sigaw ko. Napatayo pa ako dahil sa gulat.

Nawasak ang salamin ng bintana. Mabuti na lang at malaki ang silid at walang bubog na umabot sakin.

Hindi pa ako nakahuma sa pagkagulat nang Makita ko ang nakatayong Nykuz sa hambla ng bintan na pilit niyang inaabot yung lock.

Malakas ang kabog ng dibdib ko sa gulat. Bumilis pa ng husto nang Makita ang ginawa ni Nykuz. Sa pagkakaalam ko nasa ikalawang palapag ang sili na ito. Walang bandarilya. Paano niya nagawang humampa? Nag-iisip ba siya?

Pigil na pigil ang hininga ko. Papatayin ata nya ako sa takot.

Sa wakas, nabuksan na din niya yung bintana.

Humihingal na sumampa siya sa mabubog na sahig.

"Shit!"mahinang mura nito. Paano wala siyang sapin sa paa. Ngumiwi siya sa sakit na naramdaman.

Humihingal na sumampa siya sa mabubog na sahig.

"Shit!"mahinang mura nito. Paano wala siyang sapin sa paa. Ngumiwi siya sa sakit na naramdaman.

Romantic Love StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon