Chapter 23

16 2 0
                                    

Chapter 23:

"Welcome to the world of complicated beings."pagwewelcome ko kay Sherry Jaye, ang baby-ng pinagbantaang hindi i-ire ni Sherry.

Inilipat ng NICU nurse ang pinaka-cute na nilalang na nasilayan ko sa may salamin ng ward.

"Manahin mo na kagandahan ng lahi natin, huwag lang kapraningan ng nanay mo ha?"masigla ko kausap dito kahit alam kong walang malay siya sa pinagsasabi ko.

Pinagpasalamat ko dahil nairaos ng kaibigan ko ipalabas ang bata na walang komplikasyon sa kalusugan.

Sabin g nurse, maya-maya lang raw ay ihahatid na ang bata sa privet room ni Sherry.

Kung nagkatuluyan kaya kami ni Nykuz, siguro meron na rin kaming baby ngayon.

Aish... Nykuz na naman. Lagi ka na lang Nykuz ng Nykuz.

Kalimutan mo na yun. Tiyak kinalimutan ka na rin ng kamoteng-gubat na yun.

Natatawa na lang ako na napapailing.

"Tumatawa ka na naman mag-isa."sambit ng pamilyar na boses.

Nagsintindigan lahat ng balahibo ko sa katwan. Kahit yung balahibo ko sa ehem ko nakiuso rin.

Kahit nakapikit, siguradung-sigurado akong siya yun.

Napatda ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko sinubukang lingunin kung sino man yun.

Weytweytweyt. Napasobrahan na at ako ng kakaisip kay Nykuz at nakakarinig na ako ng boses niya.

Lintik naman oh. Baliw na ba ako? Qualified na ba akong maging boarder sa mental institution.

Sinampal-sampal ko ang sarili ko. Hindi parin umubra. Kinurot ko tagiliran ko.

"ouch!"-ako

"I'm real. Look for yourself."patuloy ng boses niya.

I did a 180 degree turn. Making sure na hindi ako nagha-hallucinate.

Standing five meters away from me is Nykuz.

Bahagyang may putok ang kaliwang bahagi ng bibig niya.

Kung hindi lang ako keen observer, hindi ko mapapansin ang bahagyang pangingitim ng palibot na mata niya. Maliban doon, he's still the same gorgeous man I ever seen. The man who kept on visiting my dreams tulog man o gising.

"N-Nykuz."wala sa sarili kong sinabi. Lumapit siya saki. Niyakap ng mariin.

Ahhhh ayan na naman yung pananabik ko na makulong sa bisig niya.

Pero hindi ko magawang gantihan ang yakap niya.

"Naman Shanniah. Bakit hindi mo sinabi sakin? Bakit mo ako pinahirapan gayong wala naman akong dapat paghirapan."may hinanakit na sabi niya. "Wait. Sasabihin ko muna to. Hindi ko nabigyan ng chance ang sarili ko na i-voice out ito, ganoon din ikaw ng chance para marinig mo. I love you Shanniah. I really do."madamdaming sabi niya.

"Hindi ko na kakayanin kung another years pa ang lilipas bago ko ulit masabing mahal kita."

Binitiwan ako ni Nykuz. Niyugyog ako sa magkabilang balikat.

"Bakit ganyan ang reaksyon mo? Ang sabi ko mahal kita. Hindi mo man lang ba ako na-miss at kahit ganti sa yakap ko ay hindi mo magawa? Ako miss na miss kita, baka akala mo."-Nykuz

"Paano ako gaganti ng yakap, e kinulong mo ang mga bisig ko tapos ngayon hawak mo pa ang balikat ko. Hindi ako makawala sa sobrang higpit."-ako

"Hah? Ganoon ba?"niluwagan niya ang paghawak sakin. "SIge uulitin natin."niyakap niya ako ulit at binigyan ako ng daan para makaganti sa yakap niya.

Which I did not do.

Nagtatakang kumalas siya sa yakap.

"O bakit ayaw mo akong yakapin?"

Kung hindi ko lang inisip na may pinsala siya sa mukha, tindtad ko na to ng suntok.

Agad akong umalis at iniwan si Nykuz sa gitna ng hall way ng hospital.

"Hala, may nag-aaway na magsyota..."rinig kong bulungan ng mga tao...

=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

a/n: Halla, bakit kaya ganun ang reaksyon ni Shanniah?

Final chapter is up next.


Romantic Love StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon