.
Chapter Ten
DILAT ANG mga mata ni Yuna habang nakatitig sa kisame. Nakahiga siya sa kama ng pribadong
silid na ibinigay sa kanya ng mga magulang ni Benjamin. Hindi na niya matandaan kung ilang oras na
siyang ganoon. Ngunit kahit na ilang libong tupa na ang nabilang niya ay hindi pa rin niya magawang
matulog. Habang tumatagal ay parang pinagtatawanan na siya ng mga tupa habang tumatalon ang mga
ito sa bakod.
Napabuntong-hininga siya at tumagilid sa paghiga. Muli ay naalala na naman niya ang mga
pangyayari sa araw na iyon. Parang pelikula na patuloy sa pag-play sa kanyang isipan, lalo na ang mga
eksena sa hapag-kainan at sa mga nangyari sa kanila ni Valerie noong unang dating nila. Ano'ng ibig
sabihin ni Valerie sa sinabing siya ang ipinalit ni Benjamin? At ano ang tinutukoy ng mga magulang ni
Benjamin na dapat nitong ipaalam sa kanya sa loob ng isang linggo?
Bumangon si Yuna at pilit na in-analyze ang pag-uusap ng mag-anak sa hapag-kainan.
"Son, does Yuna know already? Is she ready to meet the family?" tanong ni Arthur.
Napatingin siya sa walang imik na nobyo. Patuloy lang ito sa pagsubo at tila walang balak na
sumagot.
"Okay, I'll be assuming that she doesn't know. We will give you a week or else, we will be the
ones to tell her," sabi naman ni Hyacinth sa anak.
Pabagsak na inilapag ni Benjamin ang kubyertos sa mesa na siyang gumulat sa lahat."For
goodness' sake! This is Yuna's first day here! Is this what we're supposed to talk about? She's here for
vacation!" Humihingi nang paumanhin na tumingin sa kanya si Benjamin bago ito lumabas ng
kumedor na nakakuyom ang mga kamay, halatang nagpipigil ng galit.
Hindi na muling bumalik pa si Benjamin at hindi na rin ito muling nagpakita sa kanya. Pinilit din
niyang kumilos ng normal at hindi na nagtanong pa.
Natigil ang pagmumuni-muni ni Yuna nang marinig ang sunod-sunod na putok. Kanina pa niya
naririnig ang mga putok na iyon ngunit hindi lang niya ito binigyan ng pansin.
Bumaba siya ng kama at pinalitan ang suot na pajama. Lumabas siya ng silid suot ang isang
simpleng shorts at oversized t-shirt. Gusto niyang alamin kung saan nanggagaling ang mga putok na
iyon at kung ano'ng lumilikha nito.
***
HINDI NA NIYA mabilang kung ilang minuto niyang binaybay ang hallway at pasikut-sikot ng
mansion sa kasusunod kung saan nanggagaling ang malalakas na putok. Nasa first floor na siya nang
makadama ng pagod. Sumandal siya sa pader at aksidenteng naigalaw pakaliwa ang painting na
nakasabit roon.
Tinakpan niya ang mga labi nang muntik na siyang mapasigaw nang maramdamang gumalaw ang
pader. Bumukas iyon at tumambad sa kanya ang isang hagdanan.
BINABASA MO ANG
Romantic Love Stories
RomanceRomantic Love Stories 1. Ang Revenge ni Miss Panget 2. That Handsome Devil 3. Love At First Spark 4. When a Tomboy turns to a Pretty Girl