.
Chapter Four
"WHAT?!" Napapiksi sa pinagkukublihan si Benjamin sa likod ng pintuan nang umalingaw-ngaw
sa apat na sulok ng sala na kinaroroonan ng mag-anak ang pagbulalas ng ama ni Yuna na si Marlo.
Hindi ito makapaniwala sa naging konklusyon ng anak.
"Ano'ng klase ba namang pag-iisip 'yan?" tumayo si Marlo at hinawakan ang mga balikat ni
Yuna. Hindi niya maiwasang sumama ang loob na inakala ng anak na ipagpapalit niya ito sa
kayamanan. "Kailan man ay wala kang magiging kapalit para sa amin Yuna, buhay ko man ay itataya
ko maging masaya ka lang."
"P-pero ipinagkasundo ninyo ako sa Evans para maikasal kay Benjamin," namamasa ang mga
matang balik ni Yuna sa ama. Hindi niya ito matingnan nang tuwid dahil sa naging paliwanag ng mga
ito. Nais lamang daw ng mga itong ipakilala sa kanya si Benjamin as a prospective fiancé. Ang main
reason ay hindi para ipakasal siya rito kundi para makilala niya ito ng masinsinan. Bonus na lamang
daw na hindi sisingilin ang mga magulang sa pagkakautang kapag nagustuhan niya ang anak ng mga
ito.
"You really got it wrong, baby," sabad ni Isabela. "Dapat alam mo na hindi ka namin pipilitin ng
daddy mo sa anumang ayaw mong gawin."
"Mom..." mahinang tawag ni Yuna sa ina at nagpaumanhin sa hindi niya pagdinig dito bago ito
iwanan sa kanyang silid.
"Now, now. That's all in the past. Ang mahalaga ngayon ay malinis na ang pangalan ko sa baby
ko," wika ng ama niya at nakatawa siyang niyakap. Hinablot naman ito palayo ng mommy niya at pilit
pinaupo sa sulok ng sofa.
"Ang ibig mong sabihin ay pangalan mo lang ang mahalagang malinis? Paano naman ang
pangalan ko na nadungisan sa kagagawan mo? Ha?!" May pagbabantang tanong ng ina niya sa ama.
"Of course, Darling, mas higit na kailangang maganda ang reputasyon mo kaysa sa akin, tulad ng
makinis mong pisngi, so beautiful," pambobola naman ng ama niya sa nagpabola niyang ina.
Parang nabunutan ng tinik sa dibdib na humalakhak si Yuna sa napagmasdang pagdadrama ng
mga magulang.
"Ibig ba nitong sabihin ay hindi na kayo magdi-divorce?" nakangiti niyang tanong.
"Divorce?" chorus na tanong ng mga ito, sabay na napatingin sa kanya. Halata sa mga mukha ang
hindi pagkakaunawa sa sinabi niya.
"Oo, divorce," nanunulis ang ngusong kumpirma niya sa unang sinabi
"Bakit naman kami magdi-divorce ng daddy mo?" tanong ng ina niya. "Mahal na mahal yata
namin ang isat-isa."
"I know! Pero ang sabi ni Benjamin, umiyak ka daw nang umalis ako at inaway si Daddy."
"Oo, umiyak ako pero hindi kami nag-away, nagtalo lang. Gusto ko kasing hanapin ka niya pero
ayaw niya, pabayaan ka raw muna naming mag-isa," paliwanag ng ina. "Mabuti na lang at dumating si
Benjamin at sinabing nakita niya kung saan ka pumunta, kaya nga siya na ang nagpresentang sunduin
BINABASA MO ANG
Romantic Love Stories
RomanceRomantic Love Stories 1. Ang Revenge ni Miss Panget 2. That Handsome Devil 3. Love At First Spark 4. When a Tomboy turns to a Pretty Girl