Chapter 14

13 2 0
                                    

Chapter 14: Shanniah vs. Heidi

Shanniah's POV

"When your legs don't work like they used to before. And I can't sweep you off of your feet..."

Nililibang ko lang ang sarili ko habang hinihintay ang akin biggest break sa acting. Sinasabayan ko lang ng pagkanta ng paborito kong 'Thinking out loud' ni Ed Sheeran.

As of this moment, me and Nykuz are officially fake sweethearts.

Wow, the scheme is so funny. Very unusual.

nAlulungkot ako sa sinapit ng first spark ko. I pictured my love story as one of the merriest part of my life. A moment to be treasured for a lifetime.

Then I continue to sing. And sinabayan ko pa ng pag-sway ng ulo ko.

"How lame!"napatigil ako sa ginagawa ko ng marinig yung boses ng babae.

Pinariringgan niya ba ang pagsisiyentimento ko o yung awit ng kanta.

Tange! Not the song but my voice.

At si Heidi nga.

Kanina lang pinagtanggol at binigyan ko pa ng simpatiya ang babaeng yank ay Nykuz, ngayon binabawi ko na.

First impression ko sa kanya masama ang ugali.

Walang pinagkaiba ang panlabas at pangloob na ugali niya. Naremedyohan nga ng modern science and technology ang physical features niya, pero hindi yun nagawang ayusin ang magaspang na ugali niya.

"Hello Heidi! Yeah, how lame. Just in vcase you forgot, alam ko ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang kasal niyo ni Nykuz. Wag mo akong malait-lait. Mas kababawan pa nga ang ginawa mo. My physical appearance is purely God-given. And yours is all technology-made."pasensiyahan na lang oh.

Mabait ako. Pero marunong din akong manlait lalo na sa taong mapanlait na wala sa lugar.

"As for my voice, it's not the voice that counts. It is how you emote with the lyrics. Alin, kung lahat ng ao magaganda boses, hindi kikita ang music industry. Itsura nito." Pweh!

"You're such a homewrecker."Heidi hissed on me. Kulang na lang sugurin niya ako kasama ang mahahabang kuko niya.

Napatawa na lang ako sa sinabi niya. "Hiyang-hiya naman ako sa katalinuhan mo. May internet connection ba yang phone mo? Pakisuyoo, paki-google ng salitang homewrecker bago mo ako paratangan ng ganoon."

Katawa-tawa ang naging reaction niya sa sinabi ko, imbes na muling matawa, kahit papaano nakadama ako ng konting awa sa babaeng to.

"Look Heidi, naka-move on na sa iyo si Nykuz. Tanggapin mo na lang din na wala na kayo. Move on with your life."sana tigilan na niya ang pagbibigay pag-asa sa sarili.

"No! At sinong pnili niya? Ikaw na mukhang palaka ang boses?"-Heidi

Aba't talagang ayaw papigil sa pang-asar ang impostor na to. Ano ba ang nangyayari sa mundo. Kung sino pa ang wlang maipagmamalaki, sila pa ang malakas ang loob na manlait.

Hindi man lang ba siya nabiyayaan ng kahit konting kahihiyan.

Napabuga na lang ako ng hangin. "Lumayas-layas ka nga sa harapan ko, impokritang babae. Masasayang ang laway ko na pakiharapan ka. Tandaan mo, kahit ilang beses mo mang ipabago yang mukha mo, kahit pauli-ulit mong paputulan ang mga buto mo, ibabad kung anu-anong chemicals yang balat mo para magmukhang makinis. Hindi mo maiaalis sa mata ng mga nakakakilala sa iyo na ikaw si Heidi at mumultuhin ka ng dati mong pangit na itsura. Hindi na rirn babalik si Nykuz sayo. Sa akin na siya. Vamoose! Bago pa mapadami ang masabi ko."nanggigigil na taboy ko sa kanya.

Umiiyak na tumakbo siya paalis. Wala na akong pakialam kung nasaktan man siya.

Naglakad naman ako paroo't parito para pakalmahin ang sarili ko.

"You shouldn't be that hard on her."galit na bungad sakin ni Nykuz.

Ano bang pinagsisintir ng isang to?

"Nykuz, hear me out. Magpapaliwanag ako."tangkang pakiusap ko.

"Explain to me what? Kung paano mo hiniya si Heidi?"singhal niya.

"Hindi ganoon ang nangyari."sana naman bigyan niya ako ng pagkakataon na ipaliwanag ang aking sarili.

Nasaktan din ako sa mapanlait na bibig ni Heidi.

"Umiyak si Heidi."

"Hindi porke umiyak, inapi na agad."

"And you know what she said? Lahat ng nakakasakit na salitang binitiwan mo. I heard even the last part of it."

Nabigla ako sa sinabi niya. And hurt at the same time.

I could read between the lines. May nararamdaman pa rin siya sa ex-fiancé.

"Hindi ko akalain na walang pinagkaiba ang pag-uugali mo sa mga taong mapagmataas at walang pakundangan sa pakiramdam ng iba. You're a biggest mistake Shan."malamig na sabi ni Nykuz.

Aray. Parang nanikip yung dibdib ko.

How could he judge me without letting me defend my side.

"Hindi mo na ba pipiliting pakinggan ang paliwanag ko, ha Nykuz?"cold na tanong ko.

Parang may bumara sa lalamunan ko. At nagbabadya na ding tumulo ang mga luha ko. Hindi ako bibigay. Not like this.

"Sh-Shan."parang nahimasmasang sabi ni Nykuz. Hahawakan niya sana ako pero lumayo ako ng konti.

"Go. Amuin mo siya."

"Shan, ang ibig ko lang naman---"

"Go to hell Nykuz!"putol ko sa sasabihin niya. Hindi rin naman ako pakikinggan ni Nykuz.

Ipagtatanggol niya lang si Heidi. Parang kinurot naman ang puso ko dun.

Kung ganoon? Nagseselos ba ako? Nasaktan ako sa pagmamalasakit na pinapakita ni Nykuz kay Heidi. Napaiyak ako sa reyalisasyong iyon.

Hindi lang simpleng fascination ang nararamdaman ko kay Nykuz. Yet, it is too soon to tell. Awing-awa na ako sa sarili ko.

"Shan I'm.."

"Naman o! magsama kayong walang kwenta!"sigaw ko sabay takbo palayo sa kanya.

PEro bago ko pa man maiwan si Nykuz ay nakita ko pa siyang kakamot-kamot sa ulo sabay saing "Bakit ba ako ang biglang lumalabas na masama dito?"rinig ko ang pabulong na reklamo niya.

=-=-=-=-=-=-=-=-

a/n: first LQ nila haha :D


Romantic Love StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon