A/n: Okay guys kung may nagbabasa pa nito. pwede po ba basahin niyo din yung isa ko pang story na "Love Links" bago lang po yun. Salamat sa mga magbabasa :)
Epilogue
"MANG DOMENG, bakit po tayo huminto?" Tanong ni Yuna sa middle-aged limousine driver
sabay hawi sa veil na nakatakip sa mukha niya. Araw noon ng kasal niya at ang pinakahuling nais
niyang mangyari ay ang mahuli sa pagdating sa simbahan.
"Sorry po ma'am, mukhang may konting problema," sagot ni Mang Domeng.
"Ano? 'Di ba bago itong limo? Hindi tayo maaaring maaberya! Mali-late na tayo!" halos mag-
panic na wika niya.
"Relax, Yuna," isa-isang wika ng tatlo niyang kaibigan na bridesmaids niya. Katabi niya ang mga
ito sa likuran ng limousine kasama ang kaniyang mga magulang.
"Relax? Paano akong magre-relax? Kung kailan pa importanteng maging on-time, doon pa tayo
nagkaproblema! Mas mabuti pang ang kotse ko na lang ang ginamit ko!" aniya sabay bukas ng pinto at
lumabas para sundan si Mang Domeng nang mapansin niya kung nasaan na sila.
"Kung minamalas ka nga naman oo," nangingiting sabi niya sa sarili nang makitang sa mismong
harap ng squatters area kung saan tumirik ang kotse niya noong araw na ninakawan siya ng halik ni
Benjamin. "Five years...ha..."
"Ano bang ginagawa mo? Pumasok ka nga sa loob ng sasakyan." Utos ng mga kaibigan at mga
magulang niya.
Tatalikod na sana si Yuna para bumalik nang marinig niya ang langitngit ng nagprenong sasakyan,
umatras ito at huminto sa tabi niya.
Isa iyong black tinted car at isang tao lang ang kilala niyang nagmamay-ari ng ganito na may
ganoong kaskaserong driver.
Bumukas ang pinto sa driver's side at natampal ni Yuna ang noo nang makitang si Benjamin nga
ang umibis palabas ng kotse at lumapit sa kanya. Nakasuot ito ng white tuxedo, puting sapatos, walang
kurbata, at nakabukas ang mga butones sa itaas ng nakapaloob nitong white shirt.
"Hi, little lady, need a lift?" anito.
"Benjamin—"
"No, I'm your foreign prince," nakangising wika nito at binuksan ang passenger's door, pinangko
siya at maingat na inilapag sa loob ng kotse.
"Look, guys, I'm stealing the bride!" sabi ni Benjamin sa mga nasa limousine na nakangiti
namang nagsipagkaway sa kanila.
Nang marating na nila ang simbahan ay napangiti na lang si Yuna nang makita ang labis na
pagkagulat ng mga tao sa simbahan, nang makita ng mga ito na karga siya ni Benjamin. Inilabas siya
mula sa kotse, inilapag sa labas ng simbahan at hindi iniwan hanggang dumating ang kanyang mga
magulang at kaibigan.
Hanggang sa nagma-martsa na sila ng may pagmamalaki ng kaniyang ama sa wedding aisle ay
hindi na nabura ang ngiti sa mga labi ni Yuna. Benjamin never fails to surprise her and she can't wait
for the ceremony to be over and start a new life with him.
~The End That Handsome Devil~
BINABASA MO ANG
Romantic Love Stories
RomanceRomantic Love Stories 1. Ang Revenge ni Miss Panget 2. That Handsome Devil 3. Love At First Spark 4. When a Tomboy turns to a Pretty Girl