Love at First Spark - Chapter 1

37 2 0
                                    

Love at First Spark

Chapter 1: Shanniah and Shem

Shanniah's POV

[I'm here na sa Tuguegarao airport kuya Shem. Promise I will keep my GPS open and I will inform you every step I make.]imporma ko sa nakatatanda kong kapatid na si Kuya Shem. Hindi pa man bumababa ng eroplanong sinakyan ko ay panay na ang tawag niya sakin.

Kaya naman naplitan na akong sagutin, total hinihintay ko pa naman yung luggage ko eh.

Tsaka ayaw kong may isiping masama si kuya sakin.

I arrived thirty minutes past twelve.

Napakainit ng panahon, probably the hottest day of this year's summer.

Or maybe it's just effect of the place itself because of it's now exaggerated reputation as the most dangerous place in the country.

Dapat makadama ako ng takot gaya ng iniisip ng iba tungkol sa lugar na ito, pero hindi eh.

Mas lalong nanaig yung excitement sakin kesa sa takot...

Ito yung makabuluhang thrill na hinahanap ko.

Kapag nadiskartehan ko ng maayos, I would be mixing with business with pleasure again.

Nakagawian ko ng piliin ang trabahong hindi ako mabuburyong sa opisina.

Talent ko ang mang-uto kaya madalas nakukuha ko ang aking hinahanap.

Tinanggal ko ang aking floral blaxer para maibsan ang sobrang init.

Itinali ko naman yung lagpas balikat at bouncy slash wavy slash maalon-alon kong hairdo slash buhok.

Tapos pinaypayan ko yung sarili ko gamit yung pamphlet na nakuha ko dun sa eroplano.

Sino ba nagpauso ng global warming? Mademanda nga!

[I'm still talking to you Shan.]ay oo nga pala nakalimutan ko.

Kausap ko nga pala ang kaisa-isa kong naktatandang kapatid na si kuya Shem.

[Are you still there?]

"Naman. Akala ko sa Africa lang bumenta ang tag-init. Like super init talaga ditto."halos magkandalukot-lukot na nga yung improvised fan ko sa pagpa-paypay ko eh.

[Exactly where are you right now, Shanniah? Tell me.]naiinip ni kuya sa pambabalewala ko.

Patay! Naalala ko, di ko pa pala opisyal na naipagpaalam ang pupuntahan ko.

"I'm here in...ahm..still in the Philippines?? Medyo remote areas nga lang tong bago kong assignment but I will be fine."defensive agad na sagot ko.

Naramdaman kong naalarma si kuya sa tono ng pananalita ko.

[according to your location, Tuguegarao airport is in Tuguegarao city. The most unfriendly and dangerous place on earth.]kuya paused[What in the world you are doing in that...that place Shanniah Erin Magracia?]bulyaw sakin ni kuya.

Dahil sa sobrang lakas nun ay nakangiwing idinistansya ko yung tenga ko sa phone.

Inaasahan ko nang magiging ganito ang reaction ni kuya oras na malaman niya kung nasan ako..

FYI po isa po akong investigative researcher.

Kaya nga hindi ko sinabi kay kuya na ditto ang pupuntahan ko dahil kahit anong pamimilit ang gawin ko sa kaniya tiyak na hindi yun papaya.

[Nagsawa ka na bas a kaka-tour around the world at diyan pa sa delikadong lugar ka pumunta. Shanniah naman, ano bang hangin ang pumasok diyan sa utak mo?]

"Siyempre oxygen parin kuya Shem. Comatose ang labas ko kapag lumanghap ako ng iba. Brain damage is usually caused by severe lack of oxygen in the brain."pinaseryoso ko na lang yung tono ng boses ko kahit gusto ko ng matawa sa naisip kong sagot...

Tapos bigla ko na lang naimagine si kuya Shem na nasa opisina niya at palakad-lakad na paroo't parito ang hakbang tapos yung isang kamay naman nakahawak sa sentido niya...

Habit na niya ang ganun kapag nafu-frustrate dahil sa kaniyang escapades.

Syempre nagiging habit ko na rin ang pasikitin ang ulo niya kahit di ko sinasadya.

"At kuya Shem part din naman ng world ang Tuguegarao ah. Huwag kang maging partial at ituring silang alien. Magagalit sila."kinalabit ko yung katabi kong pasahero na nakasabay ko. "di ba?"sabay senyas ko na 'um-oo' siya.

Halata naman na naguguluhan siya kaya tinakpan ko muna yung mouthpiece..

"Sabihin mo 'oo' sa kuya ko ha."inilapit ko yung cellphone sa bibig niya at sinenyasan.

Agad naman sumunod yung katabi ko kahit walang alam sa pinagsasasabi ko.

[Wag mo kong idaan sa mga katuwirang-baluktot at pamimilosopo mo Shanniah. Mas natuwa pa siguro ako kung sa Neptune ka pumunta at ginawa yang research na yan.]

"Ay hindi natin afford yun kuya Shem kung sakali. Balita ko sobrang gastos daw. Baka mamulubi tayo. Kawawa naman sina Raffy at Daffy. Mangangayayat ang dalawang yun." Si Raffy at Daffy ay mga anak ni kuya Shem.

Kambal silang dalawa.

Aliw na aliw nga ako dun sa dalawang batang yun eh.

Ang lulusog ng katawan.

[I'm warning you Shanniah Erin Magracia.]malakas ang buntong hininga na naririnig ko mula kay kuya.

Ramdam ko rin na nagtitimpi na si kuya sa gali niya.

Alam kong mahal na mahal ako ni kuya... Kaya mahal na mahal ko rin siya.

"Kuya Shem tipid-tipid naman sa pagtawag ng pangalan ko. Baka maubos.*sapo ang bibig**pa-cute na bungisngis* Pwede namang Shan na lang para di ka mahirapan. O 'di kaya ay sis, bunso, ganda...mga ganun."gustuhin ko mang wag ibara o pilosopohin si kuya pero wala akong magawa.

Bente-singko na ako, coming twenty-six na nga eh pero kung ituring ako ni kuya parang sixteen lang ako.

Nagi-guilty na nga ako dahil madalas akong pobrelmahin ni kuya kesa sa asawa at dun sa mga anak niya.

Nang mamatay kasi sila mama at papa dahil sa car accident eleven years ago, siya na ang nag-alaga sakin.

Si kuya Shem ang tumayong Nanay, tatay, kuya, kamag-anak, kapitbahay at iba pa sa akin.

[Kung ayaw mo akong mahirapang sa kakaproblema sa iyo, bumalik ka na dito.]

=-=-=-=-=-=-=-=-==-=-=-=-

a/n: Alam kong lame ang chapter 1 kaya abangan niyo ang chapter 2 dun na lalabas ang #LeadingMan


Romantic Love StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon