Chapter 21

13 1 0
                                    

Chapter 21: After a Couple of Years

"Naku huwag na huwag magpapakita sa akin ang kamoteng gubat na iyon kung gusto pa niyang masilayan ang first generation na magmumula sa lahi niya. Kakatayin ko siya ng buhay. Pagpuputol-putulin ko ang small intestines niya na kahit maggots sa hukay ay hindi kayang sikmurain ang kaniyang katawan. Magpoprotesta ako kung bibigyan siya ng maayos na libing."nanggagalaiting sigaw ni Sherry.

"tigilan mo na yan Sher."nailing na tawa ko sa verbal threat niya kay kamoteng gubat.

"Anong tigilan."tumayo siya at nagbuntong hininga. "Hindi ko siya titigilan hanggat hindi ko nakikita ang latay ng paghihiganti ko sa kaniya. Kung makakatakas lang ako sa kamay ng mga magulang ko at ni Malco."ang huli niyang tinutukoy na Malco ay asawa niya. Kahit durog-durog pa ang puso ko noon, sinikap kong dumalo sa kasal nila.

"Susugurin ko siya kahit saang lupalop pa siya ng universe."

"I know. Pero di ba nga kahit anong strategy ang gagawin mo hindi ka nila papayagan."

"Ipapashoot to kill ko siya."ayaw talaga nitong tumigil.

"Mayaman naman ako. Kayang-kaya kong bilhin ang kaluluwa ng kamoteng gubat na yun. Kahit mas yumaman pa siya ng husto."-Sherry

"Ginawa ko na yan. Hindi lang tinablan. On leave rin lahat ng hired hitman. Huwag mo na akong alalahanin. Ok na ok na ako."

Hinilot niya yung sentido niya. Tinignan pa ako ng masama.

"Sabihin mo sakin yan kapag nakikita kong may stable date ka na at hindi namamaga ang mga mata sa tuwing sumasapit ang summer."

"Sher dahan-dahan. Bawal sa iyo ang ma-stressed. Baka makunan ka."paalala ko sa kaibigan.

"Sinabi mo na yan sakin noong two months pa lang tong dinadala ko. Kabuwanan ko na kaya hindi na uubra sakin yan."

"Baka ma-stress ang baby."-ako

"MAtagal ng stress sa iyo ang baby ko. Pakiusap Shan. Kalimutan mo na ang kamoteng gubat na yun. It's been two years. Time to move on."

"Ginawa ko na rin yan. Wala lang din akong napala. Tinigilan ko na. kailangan ko lang siguro ng mahabang panahon para maghilom. Di ba nga first love is hard to die."

"hindi naman sana problema yan kung hindi mo patuloy na pinaasa yang sarili mo. Sabi mo nga, wala kang idea kung bakit ang smooth relationship ninyo ay bigla na lang naging rough road. It started so fast and ended so soon ang peg ng love story niyo."

Yes. Dalawang taon na nga pala ang nakalipas when Nykuz dump me. Dumaan lang iyon na parang walang nangyari sa aking buhay. Naging hungkag ang mga araw na dumaan sa akin.

Monotomous na rin ang routine ng buhay ko. Kung dati, hindi ako mapakali sa iisang lugar, ngayon halos ayaw ko nang umalis sa kung saan ako nakaupo.

Tinanggap ko ang posisyong binigay sakin ni Kuya Shem sa kumpaniya namin. Maayos ko namang ginampanan ang aking trabaho. Iyon nga lang, walang happiness.

"Nasaan na nga pala asawa mo? Kanina pa kita pinapasundo sa kaniya."

"Tinawagan mo ang asawa ko?"parang pusang galit na sabi ni Sherry. Kulang na lang kalmutin ako.

"Natural. Anong gusto mong gawin ko? Hayaang lasunin ng kung anu-anong bad words ang baby mo habang dala-dala mo siya sa sinapupunan mo."

Magrereact pa sana siya nang biglang may bumusina na sa labas.

"Mag-uusap pa tayo Shanniah. Kakausapin ko si Malco. I'm not going home."

Pumunta ako sa bintana at kinawayan si Malco. Kumaway din siya sakin.

"Come."sigaw ko. "Get your wife here bago pa manganak ng di-oras."utos ko. Mahirap na baka mapahamak pa si Sherry dahil sa kakaisip ng solusyon sa nagkandeletse-letse kong love life.

Mabilis pa sa alas-kuwatrong bumaba si Malco sa sasakyan.

Pagbukas ko ng pinto.

"What happened?"humahangos na bungad niya sakin.

"You're dear wife is freaking out again."natawa ako sitwasyon nila.

Ako ang brokenhearted pero kung umasta si Sherry parang siya pa yung iniwan ng sangkaterbang lalaki.

"Hindi kaya. Ang linaw-linaw kaya na nag-uusap lang tayo. Ikaw lang tong maarte jan."

"Ilayo mo nga sa akin yang babaenng yan. Nakukunsume ako sa kaniya. Ang ayos ng lagay ko tapos bigla na lang niya akong sesermonan."

"Hindi ka maayos."sagot na naman ni Sherry.

"Sherry honey."malambing na tawag ni Malco kay Sherry.

Walang puknat naman si Sherry sa pagkaupo. Ayaw talaga niyang umuwi.

"Sherry, hayaan na muna natin si Shanniah sa pagpapakatandang dalaga niya."panunuyo ni Malco.

"Hindi ayoko!"piksi naman ni Sherry. "Isa ka pa. kung alam ko lang na magpapakatandang dalaga itong lukaret na to, dapat noon pa nilagyan ko na ng hands-off ang noo niya para hindi na niya nakilala ang kamoteng gubat na yun. Ako ngayon ang mababaliw sa kakaisip kung sinong lalaki ang irereto ko dyan."

"Hon, we cannot teach our heart to choose who to love."paliwanag ni Malco.

Nakakarelate ako sa kanilang dalawa ni Malco kasi naging saksi ako kung paano nabuo ang love story nila ni Sherry.

"Sa tingin mo hindi ko alam yan? Hindi nga natin maturuan pero there are times na nakakahanap din ang wasak na puso ng someone and another else who knows how to fix a broken heart."katuwiran ni Sherry.

"Ginamit mo naman ang linya ng N'sync sa pangangatwiran mo."

"Bakit bawal na ba? Kakasuhan mo ako ng plagiarism?"

Natutuwa ako sa takbo ng usapan ng dalawang to.

I remembered the first time when I and Nykuz met. Ganoon din ang eksena namin.

Haaay nako ayan na naman ang mga luha ko. Here I am again. The memory of Nykuz kept on reminishing. Magsa-summer na kasi.

Natigil silang dalawa sa paghuhuntahan sa harap ko. Napansin siguro nila na nanonood ako.

"S-shan."niyakap ako ni Sherry.

"Kayo talagang mga lalaki. Pahirap kayo sa buhay naming mga babae."sabi ni Sherry sabay duro kay Malco.

"Bakit ako nadamay dito?"reklamo naman ni Malco.

"Dahil lalaki ka rin."singhal niya. Tapos hinaplos-haplos niya ang kaniyang likod.

"M-malco hindi ako uuwi hangga't hindi mo h-hina-hunting yung kamoteng gubat na yun. Argh!"impit na sigaw niya.

Kumalas si Sherry sa pagkakayakap.

Hala. Anong nangyayari kay Sherry. Namumula siya at hinahawakan niya yung tiyan niya.

"Hoy Malco manganganak na ang asawa mo. Huwag kang tatayo-tayo jan."utos ko.

=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

a/n: haha kailangan ding bigyan ng appearance si bff diba?

Malapit na po siyang matapos. Siguro mga ilang chapters na lang.

=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-


Romantic Love StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon