.
Chapter Eight
AFTER HEARING Benjamin's love confession, pakiramdam ni Yuna naglalakad siya sa ulap.
Para bang palaging siyang nakalutang sa hangin at tila idinuduyan.
Ganito pala kasarap ang magkaroon ng nobyo... no, fiancé. Tila kinikiliting isip ni Yuna habang
nakaupo sa klase nang araw na iyon. Hindi na siya mapakali sa paghihintay ng recess bell. Parang
gusto na niyang hilahin ang oras at nang maibalita na niya sa mga kaibigan ang mga nangyari sa
pagitan nila ng nobyo.
Kailangan niya ring pasalamatan si Jenny. Kung hindi dahil sa pagpunta niya sa bahay nito ay
hindi pa niya malalaman na tama ang sinabi nito. Nagselos nga si Benjamin sa homeroom teacher niya.
Pagtunog na pagtunog ng bell, si Yuna ang unang-unang kumaripas palabas sa classroom at
tumungo sa canteen. Sigurado siyang siya ang mauuna sa kanilang magkakaibigan kaya nasorpresa siya
nang makitang naroon na sina Miranda at Betty. Mukhang may seryosong pinag-uusapan ang mga ito.
Isa man sa dalawa ay hindi namalayan ang paglapit niya.
"Hi, girls!" masiglang bati niya sa dalawa.
Naupo siya sa tabi ni Betty.
"Uy!" muling papansin niya nang sinulyapan lamang siya ng mga ito at hindi kinibo.
"I'm going!" naiiritang sabi ni Betty at tanging kay Miranda lang nakatingin. Pwersahan niyang
isinukbit ang bag sa balikat at pahablot na pinulot ang mga librong pag-aari sa mesa. Inirapan pa siya
nito bago umalis.
Napuno ng pagtataka si Yuna. Si Betty ay galit? Iyon ang paulit-ulit na naglaro sa isip niya.
Sa tatlong taon na pagkakaibigan nila ni Betty ay hindi niya maalala kahit minsan na tumaas ang
boses ng kaibigan. Palagi itong nakangiti at maingat sa pagkilos, hindi niya inisip na darating ang araw
na magsusuplada ito at iirapan siya.
"May nagawa ba akong mali?" naguguluhang tanong niya kay Miranda na naghahanda na ring
umalis. "Galit ka rin ba sa akin?"
"No friend," ani Miranda at hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa mesa. Sa pagkakataong
'yon ay walang bakas na kahit kaunting kapilyahan sa mukha nito. "Kaya lang mas kailangan ako
ngayon ni Betty," Pagkasabi ng mga katagang iyon ay nagmadali na itong humabol kay Betty na
papalabas na ng canteen.
Nalilito man sa mga nangyari ay nanatili sa canteen si Yuna. Naisip niya na baka naman bumalik
din si Miranda o kaya naman ay dumating si Jenny. Ito na lang ang tatanungin niya at baka sakaling
may maibigay itong paliwanag sa kanya.
Subalit natapos na ang recess at dumating na si Benjamin para sunduin siya ay wala kahit isang
anino ng mga kaibigan ang muling nagpakita sa kanya.
Pag-uwi niya ay agad siyang umalis patungo sa bahay nina Miranda na walking distance lamang
mula sa kanila ngunit wala roon si Miranda. Sabi ng mga magulang nito ay umalis ito kasama si Betty
BINABASA MO ANG
Romantic Love Stories
Storie d'amoreRomantic Love Stories 1. Ang Revenge ni Miss Panget 2. That Handsome Devil 3. Love At First Spark 4. When a Tomboy turns to a Pretty Girl