.
Chapter Three
"GOOD MORNING!"
"Ugh!" inaantok na ungol ni Yuna nang masilayan ang mukha ng kanyang ina. Mas nakakasilaw
pa ang ngiti nito sa sinag ng araw na pumasok sa pagitan ng kurtina ng silid niya.
"Mom, leave me alone! Pakisara na rin ng kurtina," reklamo niya nang buksan nito ang bintana ng
silid. Kumuha siya ng extrang unan, niyakap, tapos ay itinalukbong ang kumot.
She's not a morning person. Kung gaano niya kagustong panoorin ang paglubog ng araw ay
ganoon din niya kinaiinisan ang masilayan ang paglitaw nito sa umaga. "Matutulog pa ako. Sabado
naman ngayon."
"But today is special," naupo si Isabela sa tabi ni Yuna.
"Alam ko Mom. It's Saturday at palagi akong natutulog hanggang gusto ko dahil walang pasok sa
University. Kaya please..." tumagilid si Yuna, patalikod sa inang nagpatuloy sa pagsasalita kahit na
harap-harapan na siyang nagpakita nang kawalan ng interes.
"But Yuna, ngayon darating ang fiancé mo para mag-stay panandalian sa atin."
"Ahh!" pasigaw na napamulat ang mga mata ni Yuna. Biglang nawala ang kanyang antok.
Pabalikwas siyang bumangon at tumakbo sa private bathroom ng kanyang silid. Doon ay napatulala na
lamang siya sa harap ng salamin. Sa ganoong ayos naman siya dinatnan ng ina.
Hinawakan ni Isabela ang mga balikat ni Yuna. "No need to be so nervous. Natural lang naman na
mag-alala kung ano'ng hitsura mo tuwing nasa harapan ng nobyo mo," ani Isabela na walang kamalaymalay
sa delubyong nagaganap sa utak ng dalagang anak. "Honestly, hindi ko inakalang kilala na ninyo
ang isat-isa. To top it off, mag-boyfriend na pala kayo noon pa man at hindi mo man lamang siya
ipinakikilala sa amin."
Nagkakamali ka Mom, this is a misunderstanding! Nais sanang isatinig ni Yuna ngunit pinigil niya
ang sarili nang mag-flashback ang hindi nagbibirong banta sa kanya ni Benjamin.
"Wala kang kawala, hahaha!" umaalingawngaw na turan ng demon version ni Benjamin na di na
nawaglit sa isip niya mula ng mag-usap sila nito sa hotel.
"Sorry," nasabi na lang niya. Hindi dahil sa mga sinabi ng ina kundi dahil sa pagsisinungaling
niya.
"It's okay. Hindi naman kami nagtatampo sa paglilihim mo, kasalanan din naman namin dahil
masyado naming itinanim sa isip mong 'wag magpaligaw hangga't nasa tamang edad ka na," ani ng
mommy niyang hinimas ang kanyang likod.
Waring nagtatanong naman siyang napatingin sa ina na tila nabasa nito. "Pero hindi na rin bale,
dahil ang lalaking napili naman pala ng daddy mo ang naging nobyo mo," nakangiting dugtong nito.
"Yun nga lang, kung alam lang 'yon ng daddy mo ay siguradong hindi na siya magpapakahirap na
makipagsundo sa mga Evans five years ago."
"Mom, bakit nga pala ako ipinagkasundo ni Daddy?"
Napayuko si Isabela. "Well, ang totoo ay nalulugi na ang daddy mo at sa laki ng pagkakautang
BINABASA MO ANG
Romantic Love Stories
Roman d'amourRomantic Love Stories 1. Ang Revenge ni Miss Panget 2. That Handsome Devil 3. Love At First Spark 4. When a Tomboy turns to a Pretty Girl