When A Tomboy Turns to a Pretty Girl - Ch.1

37 2 0
                                    

When A Tomboy Turns To A Pretty Girl

by: bhajah

A/n: Hillig kong gamitin ngayon ang Armond Louie at Gander na name, pero hindi po sila connected sa Diary ng Moron.

Prologue

Tomboy?

Isang babae na feeling lalaki.

Pero ang tomboy na ito ay kakaiba.

Tomboy siya sa mata ng ibang tao.

Pero deep inside, babae siya.

Pero paano kung magbagao ang imahe niya?

Mag-iiba din kaya ang tingin ng ibang tao sa kanya?

Chapter 1: Meet The Barkada

Gab's POV

"Gab seryoso ka?"di makapaniwalang tanong ni Lester – ang tinatawag naming 'computer weirdo' sa grupo

Nasa waiting shed kami ngayon sa loob ng campus malapit sa parking space ng mga kotse.

Sama-sama kaming limang magbabarkada dito pagkatapos ng klase.

"Oo naman. Dalawang beses na akong nakabiyahe ng jeepney ng tito ko. Dalawang linggo na."pang-aalaska ko.

"Nakakapagod naman yun."sabi naman ni Guian, ang pangalawang motorcycle rider sa amin, nangunguna kasi ako.

"Oo nga. Pero kasama ko naman si Pop."palusot ko.

"Si Pop? Anong laban ng isang bata sa mga holdaper?"nakasimangot na sabi ni Sean, isa naman siyang black belter.

"Sus, parang di niyo kilala si Pop ah? Kumurap ka lang saglit at di mo siguro namamalayang may butas na tagiliran mo."

Pang-aalska ko pa sa 8 years old na pinsan ko.

Anak na lalake ng tito ko si Pop, bali pinsan ko mother side ko, si tito ay isang operator ng dalawang jeep.

Tama naman kasi ako eh.

Dahil dalawang beses nang nakadisgrasya ang batang yun dahil lang sakin.

May nagtangka kaseng bumanat sakin pero di nila yata napansin na mas mabilis si Pop sa kanila kaya naligtas ako sa dalawang pagkakataon na yun.

Ginagaya niya kasi yung Red Indians na palabras.

Mahilig siyang gumaya kaya naging may silbi naman ang hilig niya sa dalawang pagkakataon na yun.

Di lang nila alam kung paano yun nagagawa ng isang walong taong gulang na bata.

At mabuti na lang sa dalawang pagkakataon na yun ay naagapan yung mga nabiktima niya at di sila nagtangkang magsampa ng kaso laban sa amin or kay Pop lang.

Kung sa bagay, may mga witnesses naman kami para makalusot ang aking batang pinsan sa batas.

"Siya nga pala Francis. Kelan ba laro niyo?"pang-iiba ni Guian sa usapan.

"Sa makalawa pa. O gab punta ka doon!"nakangising sabi ni francis. "Kasama namins si Gander dun."

Saka pa sila nag-apiran pa sila habang nagtatawanan.

Alam kasi nila na crush ko si Gander. Ang point guard at pinakagwapong player ng basketball team ng university namin.

"Pero siguradong nandun din ang cheering squad ng team."tumingin naman sila ng matalim kay Sean.

"Huwag mo ngang ipaalala yan kay Gab. Made-depress lang yan eh."sabi naman ni Lester.

"Ang mabuti pa. kumain na lang tayo sa restaurant. Taya ako."-Lester

"Sige. Minsana lang manglibre si Computer weirdo eh."nakangising saad namani Francis habang tinatapik sa balikat si Lester.

Naglakad na kami at nasa gitna na naman ako tulad ng dati.

Nakisakay na ako sa sports car ni Guian.

Kasama naman nila Lester sila Francis at sean sa isang kotse na pagmamay-ari ni Sean.

*Restaurant*

Papasok pa lang ako ng restaurant nang bigla akong nabunggo ng isang lalaking sintangkad ni Francis.

Buti na lang nahawakan ako ni Lester at Guian na nasa likuran ko saka nabawi ko na ang aking balance.

"Hoy tignan ma nga ang dinadaan mo!"

Ang likod ng palad ni Sean ang ginamit sa pagtapik sa dibdib ng lalakeng nakabangga sakin.

"Pasensya na. Di ko agad siya napansin."mahinahong depensa nang serious face na lalaki.

Nakatitig lang ako sa lalaki. Hmmm. Gwapo siya.

Hindi na pinalaki ni sean ang bagay na ito dahil seryoso naman yung lalaki.

Kung iba siguro ay kinaladkad na ako ng binata at pinatikim ng dalawa o tatlong kamao bago pa akong pakawalan ng duguan.

Pumasok na kaming lima sa loob at di pinansin ang lalakeng sumakay na sa sarili niyang kotse.

Katulad ng dati ay masaya kaming nagsasalu-salo bago umuwi.

Nagkahiwalay na ang sasakyan namin at naunan ihatid ni Guian si Lester bago ako.

"Ano susunduin pa ba kita bukas Gab?"tanong ni Guian pagkababa ko sa kotse niya.

"Huwag na. Gagamitin ko yung bike ko bukas."-Ako

"Sige lalagyan ko ng 'reserved' ang tabi ng kotse ko bukas sa campus para sa big bike mo."-Guian

"Salamat. Good night!"-ako

Saka pumasok na ako sa loob ng gate ng aming bahay.

Umalis na din si Guian pagkapasok ko ng gate.

Binati ko si mommy nang Makita ko siyang nakaupo sa may sala at nanonood ng TV.

Pagkatapos ay pumanhik na ako kaagad sa kwarto ko.

-------

a/n: lame ang first chappy haha. Vote and comment naman po please? Salamat.


Romantic Love StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon