.
Chapter Two
"WAIT!" mariing sigaw ni Yuna nang makitang patungo sila sa reception area ng hotel. "Ano'ng
binabalak mo? Ibaba mo ako!" Nagpapalag at ubod ng lakas niyang utos kay Benjamin na patuloy sa
ginagawang pagpasan sa kanya. Pakiramdam niya ay isa lamang siyang bata sa mga kamay nito,
walang kalaban-laban.
Kalmot, hampas, at kung anu-ano na ang ginawa niya pero tila walang sakit na nararamdaman ang
binata habang ito ay patuloy sa paglalakad nang tahimik.
"Welcome sir... and um... ma'am," narinig niyang wika ng malambot na tinig babae.
Sinikap niyang ibangon ang katawan para humingi ng tulong ngunit hinigpitan ni Benjamin ang
pagkakahawak sa mga binti niya. Nakaramdam siya ng sakit at napatingin sa mukha nito.
Nagkasalubong ang mga mata nila at nakita niya ang babalang inihahatid ng mga tingin nito.
"Huwag kang mag-alala Miss. Fiancée ko siya at gusto lang namin magkaroon ng privacy."
"Okay sir, please enjoy your stay!" Masiglang tugon ng receptionist at ibinigay ang isa sa mga
room keys sa binata.
***
"PUT ME DOWN, NOW!" muling sigaw ni Yuna nang ipinasok na siya ni Benjamin sa loob ng
hotel room at maramdamang walang pagbabago sa ikinikilos nito.
"I said, put me down! Put me down! Put me—aww!" sigaw niya nang inihagis siya ng binata sa
malambot na hotel bed.
"Ano ba?!" singhal niya rito habang sapo ang likuran.
"Shut up! I've had enough of your mouth!" ganti ni Benjamin sa kanya. Bahagya pa siyang
nanginig nang makita ang paninilim at bangis ng hitsura nito na tila kahit si Satanas ay
magdadalawang-isip kung dapat ba itong kalabanin. Hindi niya lubos akalain na ang maamo nitong
mukha ay magiging ganoon kabagsik, parang gusto tuloy niyang pagsisihan ang mga pinaggagagawa
niya rito. Pagapang na umalis sa kama si Yuna para lumayo sa papalapit na si Benjamin.
"So you're Yuna," wika ni Benjamin sa mas mababang tinig, sinusundan siya sa sulok ng silid.
"Yeah, so?" balik niya habang nakataas ang sulok ng labi, pilit itinatago ang kabang nadarama sa
dibdib. Kabang hindi niya lubos na masabing dulot ng takot dahil noon lang siya nakadama nang
ganoon, kay bilis ng tibok ng kanyang puso pero parang gusto naman niya itong tumagal.
"Nothing," sagot ni Benjamin na mas lalo pang inilapit ang mukha sa dalaga, na para bang may
kung sino'ng demonyo ang nag-uutos sa kanyang halikan ang mamula-mulang labi ni Yuna. Subalit sa
pagkakataong iyon ay pinigilan niya ang sarili dahil may iba siyang plano para rito na siyang mas
ikaaaliw niya.
"Listen, Yuna, pagbalik natin sa restaurant ay hihilingin ko sa mga magulang mo na sa inyo na ako
titira mula ngayon at gusto kong suportahan mo ako. Naiintindihan mo? Kung hindi..."
BINABASA MO ANG
Romantic Love Stories
RomanceRomantic Love Stories 1. Ang Revenge ni Miss Panget 2. That Handsome Devil 3. Love At First Spark 4. When a Tomboy turns to a Pretty Girl