Chapter 9

15 0 0
                                    

Chapter 9: Awkward Position 1

Shanniah's POV

Tumaas baba ang kilay ni Nykuz.

"Alright, sabihin na nating hindi miminsan na makulit ako, pero maano bang sagutin mo rin ako paminsan-minsan. Karapatan ko iyon. Diba I'm your employee? Kaya dapat lang na alamin ko iyong job description ko. Like gagawin mo ba akong kargador, taga-aliw, tagapulot ng hindi ko alam... mga ganoon. Magaling naman akong magdecipher ng mga bagay-bagay kaya hindi ko kailangan ng mahabang explanations... Mga ganoon."lumukot naman ang gwapong mukha niya. Kelan ba 'to papangit?

"Didn't Marius told you the specifics?"tanong niya...

"Ah...eh."wala nga pala kaming malinaw na pag-uusap ni Marius tungkol sa assignment na ito. Ang alam ko lang ay isa tong exciting at very confidential project. Ako lang ang nagpumilit. Kay Marius dapat ito eh kaso atat ako noon magkaroon ng trabaho ng mataas na posisyon sa agency namin. Agad kasi akong nasilaw sa trabaho kung kaya nakalimutan ko tanungin ang buong detlaye.

"Tell me how exactly you landed this job Shanniah?"tanong ulit ni Nykuz.

Aaaaahhh!! Wala akong maisagot.

Nakita kong napahilot sa sentido si Nykuz. Malamang nahulaan na niya kung paano ako napunta sa akin ang assignment.

"you accepted the job without knowing the details?"hindi makapaniwalang tanong niya.

"What if I'm not the decent kind of employer? Do you know how much risk you put in your life?"

"Naisip ko rin naman pero..."waaaaaaaaah guilty na ako.

"Kelan? Ngayon mo lang naisip?"malakas na boses na tanong niya sakin. Nakakatakot pa yung talim ng mata niya.

"Wait..."nag-peace sign muna ako. "Cool yun ah. Huwag naman ganiyan. Dapat concern lang. hindi mo na kailangan pang sumigaw. Kahit parang sintigas ng semento tong ulo ko, madali namang pagsabihan."kinatok ko pa ng bahagya yung ulo ko.

"O, gusto mo patunayan? Sige subukan mo."pasimple kong inoffer yung ulo ko. Alisto rin ang depensa ko baka tuluyan talaga ako nito.

Nang Makita kong seryoso pa rin at hindi man lang natawa si Nykuz sa aking overrated na pakulo, sinubukan kong magmukhang seryoso sa pananalita...

"Oo alam kong risky ang ganitong set-up. Pero ang mahalaga you turned out to be the best and the most..."teka mag-iisip muna ako ng magandang salita para maalis ang init ng ulo niya. "...handsome and generous employer anyone could ask for."

Lord naku sana epektib yung ginawa ko sa kanaya.

Mukhang epektib naman dahil medyo bumalik na ng curve ng kanikanina lang ay pumantay niyang kilay.

Dapat segundahan ko pa ng sasabihan upang hindi magbago ang isip niya. Kumbaga 'strike iron while it's hot'.

"And since nandito na rin lang tayo, ituloy na natin an gating ginagawa. Explain to me all the specifics. Isa akong researcher at hindi isang manghuhula. Kaya...."

"Marius knew all the specifics."sabat na naman niya.

"Alam na nating pareho yan. Gasgas na yan e. wala na si Marius para magtrabaho sa iyo. Ako ang nandirito. Ngayon, ipapaliwanag mo na ba ang lahat ng mga bagay-bagay o kailangan pa nating habaan ang eksenang ito? O pwede ring mag-iba na lang ako ng propesyon at hulaan ang lahat. Which is which? Take your pick and make my day."

"Do you always speak that way?"-Nykuz

"Naman na, redundant ka na Nykuz. Hahaba nga talaga ang eksenang ito."kunyari ay nabo-bore kong sabi.

Romantic Love StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon