.
Chapter Twelve
NAPAUNGOL sa sakit ng ulo si Yuna nang siya ay magising. Nasusuka rin siya na para bang
kagigising lang mula sa pagkakatulog ng dahil sa gamot na pampatulog. Minsan na niyang naranasan
ito noong bata pa lang siya. Naaksidente siya sa isang playground swing at mula noon ayaw na niyang
muling maranasan ang ganoong paraan ng pagtulog, but here she was feeling it again.
Kumawag siya. Agad niyang naramdaman ang malamig na pader sa kanyang likuran at ang
pagkakagapos paitaas na labis na nagpapangawit sa kaniyang mga braso.
Nang ilibot niya ang paningin ay nakita niyang mag-isa lamang siya sa loob ng kinaroroonan at
maikukumpara niya ang silid na ito sa mga nakitang antigong piitan sa mga pelikula.
"Hey, let me out!" sigaw niya sa lalaking nakabantay sa labas ng tarangkahang bakal. "Hey!" muli
niyang tawag sa pansin nito ngunit kahit na napapaos na siya sa kasisigaw ay tila hindi pa rin siya nito
naririnig.
Sa huli ay siya na rin mismo ang nanahimik. Napayuko siya. Sobra na talaga ang pananakit ng
nangangayat niyang braso. Pakiramdam niya ay parang hihiwalay na iyon sa kanyang katawan.
Gayunpaman ay tinatagan niya ang loob at hindi siya nagpakita ng takot.
Muli niyang iniangat ang ulo at sinigawan ang taong nasa labas. Tinanong niya ito ng maraming
bagay gamit ang wikang Ingles. Nang patuloy itong walang reaksiyon ay tinagalog na niya.
"Hoy ungas!" aniya at kinalampag ang kadenang gumagapos sa mga kamay. "Ilang oras na akong
narito at nakabitin? Ano'ng balak niyong gawin sa 'kin? Sino kayo? Hoy! Kalagan mo ako!"
"Hindi mo talaga alam kung kailan dapat sumuko, ano?" tanong ng tinig ng babaeng nagpakita
mula sa kabila ng pader sa hindi kalayuan.
"Valerie? Ano'ng ginagawa ko rito? ... Ikaw, bakit ka narito?"
"Oh, Yuna, how slow can you be?" natatawang balik ni Valerie sa tanong niya. Sinenyasan nito
ang lalaking buksan ang tarangka.
Pumasok ito at nakapamaywang siyang hinarap. "Oh yes, nakalimutan kong sabihin, welcome to
our castle. By the way, you're in a dungeon— sakaling hindi mo pa nahahalata," nanunuyang sabi ni
Valerie, inabot ang baba niya na marahas naman niyang inalis sa pagkakahawak nito.
Magsasalita pa sanang muli ang babae nang may marinig silang kaguluhan sa labas. Sigawan, mga
nasasaktang ungol, kalantugan, at mga putok ng baril.
Malalim ang pagkakulubot ng noong iniwanan siya ni Valerie.
Kalalabas pa lang nito sa pinagkakakulungan niya nang may lalaking rumaragasang sumalubong
rito. "Ma'am, masamang balita po!" Humahangos na sabi nito.
"Ano?"
"Ang Saint Bomb Gang, narito po sila!"
"Bakit sila narito? Paano nila nalaman na narito si Yuna?" nasa mukha ang takot na tanong ni
BINABASA MO ANG
Romantic Love Stories
RomantizmRomantic Love Stories 1. Ang Revenge ni Miss Panget 2. That Handsome Devil 3. Love At First Spark 4. When a Tomboy turns to a Pretty Girl