Prologue

5K 40 13
                                    

Year 1988~~!

"MARCO! Parang awa mo na wag mo kaming iwan ng anak mo!" Pagmamakaawa ni Miranda habang nakaluhod sa harap nito.

"MAY ASAWA'T ANAK AKO! ALAM MO YAN HINDI KO KAYANG SAKTAN SILA!" Pasigaw niya habang nakatingin sa babaeng nakaluhod at luhaan

"SIGE! PILIIN MO SILA AT MAGPAPAKAMATAY AKO! MARCO! HINDI AKO NAGBIBIRO SINABI KO NA TO NOON PA!" Mabilis itong tumayo at nagtungo sa kusina at pagbalik nitoy may dala ng kutsilyo. Gulat ang namutawi sa mukha ni Marco palapit kay Miranda

"Miranda mahal ko sila." malumanay na saad nito upang hindi ituloy ni Miranda ang gustong gawin nito. Sumama lang siya kay Miranda noon dahil nabuntis niya ito hindi niya ito mahal at hindi niya ito kailanman mamahalin.

"SIGE! BALIKAN MO SILA AT HINDI AKO MAGDADALAWANG ISIP MARCO ITULOY ANG GUSTO KONG PAGPAPAKAMATAY!" Umiiyak pa ring saad nito sa lalaki.

Lingid sa kaalaman nila na ang nagiisa nilang anak papasok ito sa sala at nadatnan ang kanilang pagtatalo.

"Mama! Papa!" Sigaw nito palapit sa kanila agad naman napalingon si Miranda sa anak sinamantala ni Marco ang pagagaw ng kutsilyo kay Miranda upang hindi na nito maisakatuparan ang hanggad na pagpapakamatay.

"Mama bakit po kayo may hawak na kutsilyo?" Innosenteng tanong nito sa ina hindi pinansin ni Miranda ang tanong ng anak nahagip kasi ng mata niya ang papaalis na kotse ng asawa kaya agad siyang tumakbo patungo sa main door.

"MARCO! MARCO!" Sigaw nito habang hinahabol ang kotse paalis sa subdivision nila.

Samantala naman ang anak nilang si Dexter hindi mapigilan ang pagluha hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa mga magulang niya.

Ilang sandali nakarinig siya ng mga yabag binuksan niya ang pinto nila at nakita rito ang luhaang ina at tuliro lamang.

"Iniwan na niya tayo Anak." Paulit ulit na bulong nito sa kaniya habang hinahaplos nito ang maliit na mukha niya. Hindi matiis ni Dexter ang hindi yakapin ang ina kaya agad siyang lumapit pa dito ng konti bago niyakap ito ng mahigpit, umiiyak silang magina ng gabing yun.

Makalipas ang ilang araw unti unti ng nagiging matamlay ang ina niya at iyon ang ikinabahala niya baka magulat na lang siya isang araw maisipan nitong kitilin ang sariling buhay.

"DEXTER! DEXTER!" Rinig niyang tawag ng ina mula sa baba ng bahay nila agad naman siyang nagmamadaling tumakbo sa baba.

"Magmadali ka Anak pupuntahan natin si Papa mo." Utos ng ina niya sa kaniya hindi man niya maintindihan ang gustong ipahiwatig nito ay sumunod na lang siya sa utos nito.

"Mama saan po pala si Papa?" Hindi niya mabilang kung ilang beses niya na itong naitanong sa ina dahil hindi naman sila lumalabas sa kotse at balisa pa ang ina niya sa kakatingin sa labas ng building, may hawak rin itong camera na animoy kinukunan ang bawat galaw ng mga tao.

Hanggang sa makita niya sa labas ng building ang kanyang ama. "Mama! Mama si Papa po!" Sigaw nito sa Mama niya nagmamadali naman si Miranda tumingin sa gawi ng anak akma na niyang tatanggalin ang seatbelt ng bigla na lang may lumapit dito na isang batang babae at agad itong niyakap si Marco.

"Mama sino po yung batang yun?" Takang tanong nito.

"He really have daughter.." Umiiyak na bulong ni Miranda

Nasasaktan si Dexter tuwing nakikita niya ang kanyang ina na umiiyak alam naman niya na sila ang pamilya nito, naikuyom ni Dexter ang kanyang mga kamay at galit na bumaling sa gawi ng Ama nito.

"Mama sino po ang babaeng katabi ni Papa?" Napaangat naman ang ulo ni Miranda at tumingin sa gawi ng anak ngumiti na lang ito bago niya pinahiran ang luha na wala ng tigil at pinaandar ang sasakyan nila at umalis na.

Isang buwan na nagkukulong si Miranda sa kanyang kwarto at minsan tuwing gabi na lang naaabutan siya ng Anak umiiyak naawa dito si Dexter at gusto niyang masaya lagi ang Mama niya.

Its Sunday and every sunday nasa park sila ngayon. Pero wala na si Marco, bumaba na lang ito papuntang kitchen para kumain ng breakfast.

"Ma hindi po ba tayo pupunta sa park ngayon?"

"Kamusta ang school? Dapat bukas maaga ka sa school dahil its parents day so agahan mo ang gising ha." Shes keep smiling while shes crying.

"Ma bakit po kayo umiiyak?" Niyakap na lang niya ito at himihikbi sa balikat hindi na maitago ni Miranda ang sakit na nararamdaman niya sa puso. iniisip niya kung ano na lang ang iisipin ni Dexter at kulang ang pamilyang kinalakihan niya.

Kinagabihan hindi makatulog si Dexter dahil nagugutom ito kaya bumaba na lang siya at magpatimpla ng gustong gatas sa kanyang ina.

Kinatok niya ang kwarto nito ng ilang beses nagtaka siya kung bakit hindi pa binubuksan ni Miranda kaya pinihit niya ang pinto at sumilip nakatalikod ito sa kaniya at tila himbing na himbing sa tulog kaya dumamba na si Dexter sa kama at kilitiin sana niya para maglambing ng makita nito ang kamay na halos puno na ng dugo...

**

"Dexter simula ngayon you will stay in my house Son." Saad ni Marco sa anak simula kagabi wala ng tigil ito sa pagiyak dahil sa nangyaring lagim sa bata tila natrauma ito, responsibilidad niya ang bata dahil siya ang nagiisa nitong anak.

Dinala na niya ang bata sa bahay nila kasama ng kanyang asawa na si Andrea kasama nila dito si Angeline ang anak niya rito.

"Daddy!" Yakap ni Angeline sa ama kaya nabitawan nito ang kamay ng anak.

"Daddy who is he?"

"His your brother iha." salo sa usapan ng magama ni Andrea at napatingin kay Dexter.

"Kamusta ka iho?" Tanong nito kay Dexter tiningnan lang siya ng bata.

"Thanks." halik ni Marco kay Andrea dahil hindi galit ito sa desisyong ipatuloy na si Dexter sa bahay nila.

"Daddy.." bigkas ni Dexter kaya napatingin ang tatlo sa kaniya.

"Iho tara sa kwarto mo." yaya ni Andrea dito na tila may gustong ipahiwatig sa bata.

Napatingin naman si Dexter kay Andrea at tila natakot sa gagawin ng babae.

"Dexter iho i be happy that you will be my son." Bulong nito sa bata at ngiting malademonyo.

The Lascivious (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon