kinaumagahan....
Inah Gael de Ramos' POV
Nagsimba kaming pito, kasama ang parents ni Cass. At nung bandang hapon na ay nagpasya ang lahat, na magsiuwian na muna dahil baka hinahanan na rin sa kanya kanyang bahay, pero ako, iba ang ginawa ko.
'Di ko alam ang gagawin ko, kung tama ba, pero... kailangan niyang malaman 'to, kasi kung hindi siya aware, edi habang magkasama sila, mas lalo lang masasaktan si Aira. Alam kong mali na pangunahan ko siya, pero alam ko kasing hindi niya rin naman ito ipapaalam sa kanya.
Pinuntahan ko si Tom sa kanila, syempre, tinext ko muna siya na kailangan ko siyang makausap. I'm doing this para 'di na masyadong masaktan 'yung kaibigan ko..
Andito na ako ngayon sa harap ng bahay nila, malaki at maganda ang bahay nila, halatang mayaman, naglakad nga lang ako kasi, medyo malapit din naman dalawang kanto lang ata ang layo mula sa bahay namin.
'Di na ako nagpaligoy'ligoy pa, nung pinapasok niya ako sa Garden nila at naupo kami doon, ay nagsimula na akong magtanong sa kanya.
"Best friend mo si Aira di'ba?" 'iyan ang pauna kong tanong sa kanya. At tumango lang naman siya bilang sagot. Actually, mabait si Tom, at 'di rin ako galit sa kanya, dahil in the first place, wala siyang kasalanan kung bakit na-inlove sa kanya si Aira.
"Di mo ba naisip na, pwede siyang mainlove sa iyo?" Tinignan niya lang ako, at tahimik na tumango ulit. Mukhang 'di naman siya nagulat sa tanong ko sa kanya.
"Kung ganoon, bakit... bakit, kinaibigan mo pa siya? Bakit itinuring mo siyang espesyal? Bakit mo hinayaang mahulog siya sa'yo?"
KATAHIMIKAN....
Alam ko, masyadong mabilis ang mga pangyayari, para sumugod agad ako dito sa kanila. Pero 'di ko naman maatim na iiyak nalang palagi 'yung kaibigan ko. Gusto ko lang na maging aware siya sa kalagayan ni Aira ngayon, dahil bestfriend naman niya ito.
Pagkatapos ng sunod sunod kong tanong ay binigyan ko naman siya ng chance na-iexplain ang kanyang sarili sa akin. Pero bago 'yun nagsalita muna ako.
"Alam mo bang sobrang nasasaktan siya ngayon?"
Tom Garcia's POV
(pakiplay po nung nasa right :) Thanks.)
"Alam mo bang sobrang nasasaktan siya ngayon?"
"Alam mo bang sobrang nasasaktan siya ngayon?"
"Alam mo bang sobrang nasasaktan siya ngayon?"
"Alam mo bang sobrang nasasaktan siya ngayon?"
Paulit-ulit sa isip ko ang huling mga sinabi sa akin ni Gael, bago siya tumahimik at bago rin siya umalis. Akala ko kasi, masaya na si Aira, kaya ayoko na siyang guluhin pa. Ayoko rin namang masira ang pagkakaibigan namin dahil sa mga nararamdaman ko.
Dahil, binago niya ako... habang nagtatagal 'yung pagsasama namin bilang bestfriends, di ko namalayang, mahal ko na pala siya...
May girlfriend na ako ngayon, si Anne, I like her, pero mahal ko si Aira.
'Di ko kayang makitang nasasaktan siya. Pero nagawa ko na, ako dapat 'yung pumuprotekta sa kanya, pero ako pa 'yung unang nanakit sa kanya. Pero mabuti nang maaga pa ay naramdaman niya na 'yung sakit mula sa akin, atleast alam ko na kahit nasaktan ko siya, bestfriends pa rin kami.
Mas nasasaktan ako ngayon.
Dahil hindi ko nasabi sa kanya 'tong mga nararamdaman ko, at lalong lalo nang hindi ko sa kanya pwedeng sabihin. Maipaparamdam ko sa kanya, pero bilang bestfriend lang.
Sabi sa akin ni Gael kanina, masakit daw ang unreturned love, pero sinabi ko naman sakanya na mas masakit kapag nagpapanggap ka na hindi mo mahal ang isang tao. Mas masakit kapag hindi mo sa kanya ito masabi. At lalong masakit ang magpanggap na may mahal kang iba.
Alam ko ang iniisip niyo, na ang bobo ko para itago ito, pero, ito ang nakabubuti para sa amin dahil sa sobrang mahal ko si Aira, pinili kong maging magkaibigan lang kami. Ayoko na magaya siya sa ibang babae sa buhay ko na they would just come and go.
I want her to stay in my life, kaya... pinili kong maging isang kaibigan niya lang.
"Masyado kong mahal si Aira, para igaya siya sa ibang babae, na magiging kami, tapos mawawala din agad, ayoko ng ganon Gael, masyadong espesyal para sa akin si Aira"
Matapos kong sabihin iyon sa kanya ay tumango lang siya at agad na nagpaalam, siguro naman ngayon, naiintindihan niya na ako. Sana lang din, mawala agad 'yung sakit na nararamdaman ni Aira.
Dahil higit pang sakit ang nararamdaman ko ngayon....
'Di ko nga alam ngayon, kung paano na, sana pala nagtapat na ako noon pa, pero, natakot ako dati, dahil baka mawala lang siya sa akin, pero tama 'tong ginawa ko, at paninindigan ko ito.
Mamahalin ko pa rin siya, aalagaan, at ituturing na espesyal...
dahil, bestfriend ko siya.
-- end of Chapter 5 --
Hi poooooooo! ikli lang noh? gusto ko lang po kasi ipaalam POV ni Tom, singit lang kasi siya sa story, baka first and last POV niya na 'yan, depende po :))) And connect nito sa story? You'll know sa next chapters :)
-- Lovelots :* <3
BINABASA MO ANG
Love's Journey.
Teen FictionLove is a long journey, are you willing to follow the signs? take the right path, or just go on to what's left? Tao lang po ang nagsusulat nito. And wala pong perfect na tao. I know may mga typo po ito, kaya pasensya na po :)