Chapter 26

32 0 4
                                    

Inah Gael de Ramos' POV

 First sign: STOP.

Masakit pala talaga kapag unreturned love noh? First heartbreak. Una na nga, sa taong may mahal pang iba, ay malamang! Di naman to mabibiak kung wala siyang ibang maha! Nakakabobo talaga magmahal. Tsk. Sa bestfriend ko pa -____-

Ngayong sila na, tapos na din kaya ang pagiging bestfriend ko sa kanya?

Naiintindihan ko na ngayon ang naramdaman noon ni Aira, pero mas naiintindihan ko ang nararamdaman ni Tom. Ang bobo kasi ni kupido, ako lang pinana, unfair!

Sabi na, kaya pala walang signs na dumadating dati kasi... wala talaga. Ang bobo ko naman kasi talaga! Bakit ko ba siya tinulungan? Nasaktan tuloy ako. Tsssk. Pero ganun naman kasi ang role ng mga bestfriend di'ba? Siguraduhing masaya ang kaibigan niya kahit na, siya, nasasaktan na.

Parang tumigas na ako dito sa kinauupuan ko, gusto ko nang umuwi, pero haaaaaaaaay, ayoko makita sa bahay na umiyak ako, I mean, umiiyak ako. Ang saya ko naman ngayon, tsk, bakit kasi ako umalis dun, ayan, gutom na ako. Asan na kaya si Jay? Walanghiya din ang isang 'yun. Di man lang ako dinamayan, tumakbo nalang palayo kanina. -____-

Masakit. Oo, masakit pero may magagawa ba ako? Kung di lang sana tanga ang puso... Haaaaaay. Umayos ka diyan puso ahh? Hanep, di ako namanhid dun...

"Gael, bumili lang ako ng pagkain." Biglang pagsulpot ni Jay. Mabuti pa ang isang 'to. Daming pagkaing dala eh...

"Salamat, pwede bang ikaw na lang makakaalam ng sinabi ko kanina?"

"Oo naman." Tapos tahimik na naman kami, kaya kumain nalang ako.

"Gael, liligawan kita." Bigla niyang sabi.

"Huh? Tanga ka ba? Alam mo namang mahal ko yung asdfghjkl na lalaking 'yun di'ba?"

"Eh ikaw! Manhid ka ba?"

"Hindi. Kakaiyak ko nga lang. Ikaw kahit umiiyak na ako walangya ka pa rin sa'kin."

"Tanga mo rin kasi, 'di ka lang tanga, manhid pa!"

"Paano mo naman nasabi?"

"Mahal nga kasi kita, ano bang malabo dun?"

"Ako? Mahal mo?"

"Pinagpala ka rin noh? Tanga na, manhid pa, at bonus 'yang pagkabingi mo."

"Grabe ka naman." Tapos natawa nalang ako bigla. "Ayoko." Bigla kong sabi.

"Bakit naman? Kasi natatakot ka na naman sa fan girls ko?"

"Aba! Feeling ka! Hindi noh, hindi kasi kita mahal."

"Grabe naman 'to! Dahan dahan naman sa pagsasalita, parang 'di naman ako masasaktan noh."

"Sorry naman! Seryoso, tsaka ayoko talaga, baka masaktan lang ulit ako."

"Akala mo ba gagaguhin din kita gaya ng ginawa niya?"

"Wag mo nga siyang pagsalitaan ng ganyan!"

"Totoo naman ahh! Gael, mahal kita noon pa man, kaya nga ikaw nilapitan ko nung birthday mo eh."

"May magagawa ba ako... kung hindi ikaw siya?" Tapos natahimik nalang ulit siya. Masama ba ako masyado para sabihin 'yun sa kanya?

Love's Journey.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon