Chapter 25

36 0 5
                                    

Inah Gael de Ramos' POV

Dahil isa akong dakilang TAMAD halos isang linggo na rin akong nakahilata dito sa loob ng kwarto ko. Nakakatamad na kasi talaga mula nung umuwi kami galing sa beach. Wala na rin akong contact sa mga baliw kasi tinatamad ako magfacebook tsaka magcharge ng gadgets, kaya kain at tulog lang ako.

Minsan nakakausap ko lang sila kapag tumatawag sa telepono ng bahay, kagaya kanina na kakatawag lang na si Ken, nireremind lang ako sa birthday niya bukas. Hindi daw kasi ako macontact eh.

Pati nga pagpunta dun, tinatamad talaga ako ng sobraaaa! Haaaaay. Pero dahil bestfriend ko siya, syempre kailangan kong pumunta!

KAIN-TULOG-BASA-KAIN-TULOG lang ako ng isang linggo. Grabe... binabalot kasi talaga ako ng katamaran! -____-

'Di ko tuloy alam kung pupunta pa ako dun bukas. Tsssk. Pero kahiya namang 'di ako pumunta eh, kaya, sige na nga!

KINABUKASAN.

4pm 'yung sabi niya sa akin. 5pm ako pumunta! WHAHAHAHAHAHA Nakakatamad kasi eh. :/ Andami pa namang tao, nag-aayos na din 'yung banda nina Pangit at andito rin mga pinsan ni Kent, 'yung magkapatid, ewan ko na 'yung names... Nakalimutan ko siguro sa sobrang tulog xD

Naghanap ako ng mauupuan, kung pwede nga sana matutulugan eh! JOKE! xD Masyado kasing maraming tao, tsaka busy rin magkwentuhan 'yung lima, busy din 'yung birthday boy, kaya OP mode ulit ako. -____- Kaya naupo na lang ako sa isang gilid.

WE BELOOOOOONG! Haaaaaaay. Party 'to? Boring. -____- AHAHAHAHA Joke! xD

Tapos nakita ko bigla si Ree, 'di niya rin ata feel makipagkamustahan kaya nilapitan ko, kakamustahin ko eh! xD PASAWAY!!!! >:D

"Ree, kamusta ka na?"

"Oy, Gael, okay lang.. ikaw?"

"Sure ka bang okay ka lang talaga?"

"Ha? Oo naman :)"

"Naalala mo nung nagising ka na katabi ako?"

"Ahh, oo. Paano nga pala nangyare 'yun?"

"Naglasing ka kasi nun..."

"Talaga? o.O" Nagtatakang tanong niya...

"Oo, tapos andami mong sinabi... inilabas mo lahat..."

"Huh? Talaga?"

"Oo, kaya nga nalaman kong mahal mo pala si---"

"Shhh.. Baka may makarinig." Pagputol niya sa sasabihin ko sana.

"Kakamustahin sana kita ngayon... okay ka lang ba talaga?"

"Syempre, masakit... Pero may magagawa ba ako? Masaya na sila eeehhh."

"Magiging okay ka rin... Trust me :)"

"Oo naman... :)"

Tapos nagkwentuhan na kami about sa pagtulog ko xDDDD 'Di nagsimula na rin 'yung party... Syempre, Kainan, tapos tugtugan, sayawan. Grabeee! sarap ng pagkain :D PG much lang ako noh? AHAHAHAHAHAHAHA :D

After namin kumain, nakinig lang ako sa boses ng Pangit na 'yun, well, maganda naman pala boses niya, buti nalang 'di siya 'yung sigaw ng sigaw. :) Kaya naman maganda pakinggan...

Naeenjoy ko rin mga kwento ng mga baliw, tapos tawanan tapos ang saraaaaaaap talaga ng mga pagkain, lalo na 'yung mango float! Kaya, nagrequest nalang ako na may magserve sa table namin BWAHAHAHAHAHAHA! :D PG kung PG eeeeh! xDDDD

Tapos bigla na lang tumigil ang tugtugan... Tapos, nakita kong hawak na ni Kit 'yung mic. tapos nagsalita na siya...

"Magandang gabi po sa lahat, pasensya na po kung nagpaka-KJ ako ng kaunti... Gusto ko lang ibigay ang gift ko sa birthday celebrant..."

Tapos lumapit siya kay Ken. At nagsalita ulit...

"Ken...."

Aaron Jay Suarez's POV

Salamat naman at nakita ko ulit siya. After 1 week! 'Di nga nagrereply sa mga texts ko tsaka messages sa facebook ehh. Akala ko kung ano na ang nangyari.

Nakita ko nga siya, kaso... nasa malayo lang ako. Nakakainis! Nakanta pa kasi kami dito. Di ko tuloy maka-usap man lang o kaya maasar. Tsssk. Tapos biglang lumapit si Kit.

"Jay, pwede ako muna magsalita, may sasabihin lang ako." Bulong niya sa akin. YEEEES! Malalapitan ko na rin :)))

"Okay, ito oh" Tapos iniabot ko na sa kanya 'yung mic. Lalapitan ko na sana siya kaso...

"Jay, next song natin?" Tanong ng drummer namin. Tssk. Matatapos na 'yung pagsasalita ni Kit!!!!

"Ewan, ko.. baka mga pinsan ni Kent kakanta sunod, ayun oh, sina Troy at Red." Sabay turo ko sa magkapatid.

"Ahh, sige." Tapos maglalakad na sana ako ng maghiyawan na ang mga tao...

"Ken... it's a YES!" Pag-ulit ni Kit sa sinabi niya kanina kasi natulala si Ken! AHAHAHAHA sinagot lang natulala na agad? xD Tapos lahat ng naririnig ko ay Congratulations na galing sa mga tao. Maglalakad na sana ulit ako para puntahan siya, kaso wala eh, nawala siya bigla.

Lumabas ako para hanapin siya kasi wala talaga sa loob. Nagkakagulo na nga ehh. Tuwang tuwa lahat. Kaso 'yung dapat na matuwa kasi nagpagod siya nang sobra para sa YES na 'yun pero wala siya.

Tumingin tingin ako, tapos nakita ko siyang tumatakbo, kaya sinundan ko siya, kasi hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Gabi pa naman, baka kung anong mangyare sa kanya...

Tapos tumigil siya sa isang park sa subdivision nila kaya sinundan ko siya dun. Naupo siya sa isa sa mga swing at nakayuko. Kita ko naman kahit medyo malayo pa ako.

Habang papalapit ako, naririnig ko ang... paghikbi niya. Bakit siya umiiyak? Tears of joy? Grabe naman! May mali ehh...

Nung makalapit ako sa kanya ay niyakap ko agad siya... Ito 'yun..Iyo 'yung naramdaman ko nung lapitan ko siya at yakapin nung birthday niya...

"Gael?" Tapos wala lang siyang imik.

"Gael? Bakit ka ba umiiyak?" Tanong ko sa kanya...

"Tanga ka ba? Nasasaktan ako!" Pasigaw na sagot niya...

"Bakit ka nasasaktan?"

"Kasi, mahal ko ang bestfriend ko." Sagot niya na sobrang ikinagulat ko. Ma-Mahal? B-bestfriend?

Tapos nagwalang imik na lang ako. Alam niyo kung bakit?

Kasi, mas nasasaktan ako....

-- end of Chapter 25 --

Okaaaaaaaaaaaaaaay! Sorry po, bukas na lang 'yung POV ni Gael ahh? Inaantok na talaga kasi ako ng sobra eeh. :) Good Night ;)

-- Lovelots :) <3

Love's Journey.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon